Jacob's Pov
"Oh siya iho maiwan ko muna kayo mag babayad lang ako at bibili na rin na makakain natin. Bantayan mo yan ah?" sabi ni tita. Oo tita kase sabi niya tita na lang daw itawag ko sa kanya. Ganun talaga ang ma-popogi malakas sa nanay ng mga babae. Close agad.
Nginitian ko na lang si tita.
"Sige po tita" sabi ko. At pagkalabas ni tita.
"Anong tawag mo sa mama ko? Tita?"
"Oo hindi mo ba narinig kanina?" sabi ko.
"Bat tita tawag mo?!"
"Syempre hindi tito"
"Ewan ko sayo!" tapos bigla siyang umirap.
"Hindi ka ba magpapasalamat sakin?" sabi ko
"At bakit ako magpapasalamat sayo? Ano bang ginawa mong kabutihan sakin? Dapat pa nga mag sorry ka sakin eh dahil hindi ka pa nagsosorry sa pag tutunggo mo sakin kanina, masakit kaya yun ang laki-laki ng katawan mo tapos tutunguin mo yung isang kagaya ko" sabi niya
"Deh sorry masaya ka na?"
"Mukha ba akong masaya?"
"Tsk..." yan na lang ang sinabi ko saka ko nilapit sa kanya yung mukha ko. Pero mas napalapit pa ata mga 1 inch na lang.
"Sorry" sabi ko sa kanya pero gulat na gulat siya at namumula. Ganyan ang epekto ko! >:). Pero mga 5 minuto rin kami nag tititigan
"Ano ba?!" sabi niya sabay tulak sakin kaya napahiga ako sa sahig. Lakas nito. Ngumisi na lang ako at naupo.
Kung iniisip niyo kung bakit ko yun ginawa, ewan ko ba kung ano pumasok sa isip ko na gawin iyon. Nakalimutan ko pala mag pakilala noh. Ako nga pala si Jacob Min Hyuk, half korean ako kaya pogi. Yung papa ko taga-Korean at nandun siya hindi pa nga siya umuuwi eh simula 6 years ago pero ayos na rin yun kase masyado siyang makasarili puro pera na lang ang ini-isip. Minsan ini-isip namin kung nakalimutan niya na ba kame at may iba na siyang mga pamilya dun. At saka kung puro trabaho na lang ang kanyang inaatupag at hindi ang pamilya niya ang ini-isip. Naisipan ni mama na mag divorse na lang sila pero mahal talaga ni mama si papa eh. Tsk.. Ang drama ko pala masyado. Balik tayo sa akin. 16 years old na ko. Hearthrob sa school, pogi, ayoko sa mga fan girls ko -_-, gwapo, ayoko sa mga malalandi at maarteng mga babae, pogi at gwapo yan lang ang masasabi ko sa akin.
Tumingin ako sa dareksyon niya. Tulog na pala siya. Pagkabalita ko siya ata yung pilosopo sa school namin eh. At remember hindi ako magkakagusto dyan noh! Isa lang ang masasabi ko dyan, pogi ako.
~~~
Kisha's Pov
Hanggang sa panaginip ko nag paflashback pa rin yung ginawa niya sakin kanina. Kung naaalala niyo kung bakit ako namula nun dahil yun sa inis hindi ako nag bablush nun noh kaya nga naitulak ko siya bigla ng malakas eh.
Pagkadilat ko ng mata, nakita ko siya natutulog. Hindi ko mapigilang tumitig sa kanya.
Iniling-iling ko na lang yung ulo ko.
At maya-maya dumating na si mama.
"Mama bat ngayon ka lang?" tanong ko agad kay mama nung sinara niya na yung pinto.
"Nakita ko kase kayong dalawa na natutulog kaya umuwi muna ako para kumuha ng mga gamit" paliliwanag ni mama. Nagising na rin si Jacob dahil siguro sa malakas niyang boses. >:) buti nga sa kanya
"Oh kung gising na kayong dalawa kumain na kayo" sabi ni mama habang ina-ayos yung mga pagkain.
"Okay lang po tita sa bahay na lang po ako kakain" sabi ni Jacob.
"Sure ka?" tanong ni mama.
"Opo sige po, alis na po ako bye po"
"Teka iho hindi ka pa pala nag papakilala"
"Hehehe Jacob na lang po tita kayo po?" sabi niya
"Pakitang tao" bulong ko.
"May sinasabi ka ba anak?" tanong ni mama.
"Ala po" bagot na sabi ko
"Tita Clarissa na lang" sabi ni mama.
"Eh yung anak niyo pong mataray na yun" sabi ni Jacob. Tiningnan ko na lang siya ng masama.
"Ah yun si Krisha, pag pasensyahan mo na yan ah at mataray talaga yan"
"Ayos lang po yun tita Clarrisa" sabi niya
"Salamat pala iho ah. Bye" "Oh anak hindi ka ba magpapaalam kay Jacob?"
"Bat ako magpapaalam dyan eh mag magkikita naman kame bukas sa school" -_- sabi ko.
"Geh po bye tita bye Kishang mataray"
"Hoy Yabang!" sigaw ko pero lumabas na siya. Haist bwisit bakit ba ko nag kacrush dyan este hindi ko na pala crush yan. Nakaka-highblood!
Vote and comment :) po enjoy po ulit