Kisha's Pov
Haist buti naman at nakalabas na ko sa hospital. Kainip kaya dun, masyadong boring.
Nung pagkapasok ko sa gate nakita ko si Jacob. Hindi ko na lang pinanson deretso lang ako nag lakad. Bat ko naman kakausapin yun? Porket sinabi ni mama na babantayan niya ko deh babantayan niya talaga ako. Huu asa siya kala niya naman gusto ko.
"Uy!" nagulat ako at napatingin sa nagsalita.
"Musta balita ko na hospital ka kahapon ah, anyare?" sabi niya
"Ala lang yun. Eh sinugod na naman ako ni Princess, kase hindi ko mapigilang tarayan yung bwisit na yun eh" paliliwanag ko.
"Tara resbakan natin" sabi niya
"Huu wag na baka mapa-away pa tayo kung hindi lang ako mabait eh deh nasuntok ko na yun eh" pag mamayabang ko
"Edi wow!" sabi niya
Tiningnan ko na lang siya ng bagot na tingin.
Siya nga pala yung kaugali ko rin na kaibigan ko. Si Samantha Shane Lee tiga-Korea siya nakilala ko lang siya sa Korea nung tumira ako dun
Flashback
"Anyeonghaseyo :) can you help me to find this place?" sabi ko, sa isang babae na nakaupo sa isang bench sabay pakita dun sa picture.
"You are Filipino noh?"
"Yup!" sagot ko
"Okay!" tuipid niya sinabi at tinalikuran na lang ako.
"Hey miss, can you help me to find this place?" tanong ko ulit at pinakita yung picture.
"Sa ganda kong 'to. Anong akala mo sakin map?" sabi niya sabay irap. Haist nakikipag usap ako ng maayos eh.
"Okay po" sabi ko
"Pwede ba wag mo kong pinopo at nakakatanda!" sabi niya.
"Oo na lang" bagot kong sinabi at umalis na lang.
~~~
Pagkapunta ko hotel na to eh pumunta na agad ako sa room ko. Nakakapagod bumyahe. Lalo na kapag tatanungan mo eh ganun. Kaya pala ako nandito kase pinapunta ako dito ni lolo akala niyo mayaman ako? Hindi ah sila lolo lang ang mayaman. Kaya daw pinapunta ako dito para daw makapamasyal daw muna ako. Hay si lolo talaga. Natulog na lang ako at may pupuntahan pa ko bukas.
~~~
Huu sarap ng tulog ko, pano ba naman ang lamig dito. Nagbihis na ko.
Teka yun yung nakita ko kahapon ah, san kaya pupunta yun. Masundan nga, baka mamaya madapa pa yun XD OA ko kase ang ganda niya nahihiya ako sa mukha ko at kulay ko. Mukha namang alam niya na to kase nag mumukha na siyang Korean.
Uy! Nahulog yung wallet niya oh.
"Miss!" sigaw ko.
"Huh?" takang niya sabi
"Yung wallet niyo po nahulog este yung wallet mo nahulog" sabi ko.
"Okay, akina" sabi niya at sabay abot ko sa kanya. Umalis na siya. Hindi ba siya mag papasalamat sakin? Arghh... Masyado akong mabit kaso nabubbwisit na ko ah kahapon pa to eh.
"Salamat ah" sabi ko. Lumingon na lang siya.
"Welcome ^^" sandali lang siyang ^^
Umalis na lang ako.
"Hey miss do you want to come with me?"bigla akong tumingin sa dareksyon nung nagsalita.
"Ano ba bitawan mo nga ako!" sabi nung babaeng mataray. Pinipilit niyang alisin yung hawak nung lalalke dun sa braso niya.
"Hey I'm not understand you! Can you translate that in english. Is that's mean you like come with me?" sabi nung lalaki at hinahalik halikan yung laeeg nung babae. Lumapit na ko. Marunong ako mag karate at taekwando.
"Hey bro. What's the problem?" sabi ko.
"Oh two beautiful chixx, yummy" sabi niya.
"Come here, you like me?" at nagpasexy ako. Acting lang yan noh . Ayoko yung ginagawa ko ah. XP
Lumapit naman siya at hinawakan ako at pinasandal ako sa pader. Nung hahalikan niya na sana ako sa leeg bigla ko siyang tinadyakan dun sa pinaka iingatan ng mga lalake. Pinag susuntok ko na siya. Wala pala yun eh, wala man lang ba konting action? Puro na lang siya yung bugbog sarado eh kawawa naman.
"Thank you" sabi niya na mangiyak-ngiyak na.
"Ala yun" sabi ko.
"Pasensya na pala at natarayan kita kanina ah."
"Hindi lang kanina, kahapon rin" sabi ko
"Edi sorry" sabi niya. Mataray talaga siya.
"San ka ba pupunta?" tanong ko.
"Mamasyal lang, bakit?"
"Ala lang samahan na kita?"
"Sige ba" sabi niya
"Can we be friends? Ala pa kase akong kaibigan dito eh. Ayos lang kung tanggihan mo dahil ayaw mo sa ugali ko" sabi niya
"Hindi ayos lang, friends :)' sabi ko sabay lahad ng kamay ko na parang gusto makipag shake hands. At nakipag shake hands naman siya sa akin. :) nginitian ko na lang siya.
End of Flashback
Ayun kaya ko siya nakilala. Eh destiny nga naman, sa HSC din siya nag-aral, destiny ko siyang maging kaibigan :)
Vote and comment :) po thanks po ulit sa pagbabasa