ano bang kailangan mo?
apat na araw ng nakalipas simula noong bumisita ka dito.
dalawang gabing takot sa dilim
at sa gilid, nakikita ko pa ang mga markang
iyong itinanim. Binigay ang rosas na ngayo'y nabubulok na,
ang nanay ko pa nga'y nasugatan pa.
at sa kanyang daliri dumaloy ang dugong pula.
sa takot na ito'y tumagas, sinipsip niya.
naalala ko pa kung paano mo ako kinaibigan,
ilang beses mo rin ako noong sinundan.
kinausap, kahit ako'y pobre lamang.
at nakikisama sa aking bawat hakbang.
ngunit sa mga susunod na araw,
tila'y ang ugali mo'y nangibabaw.
pilit ang pagpasok sa aking bahay.
putok ng bala't sabay
ang aking paghimlay. Pilantik ng dugong pula,
takam na takam parang bampira.
wala akong kasama noon,
ang pamilya ko'y nagdasal sa Panginoon.
at sa kanilang pag uwi,
ang mga labi mo'y napangiwi
sabay ng kanilang hapis ang iyong promosyon
at sa telebisyon, lumabas ang iyong korapsyon.
---------------------------------------------------------
ᵈᵃʰⁱˡ ⁿᵃᵇⁱᵍʸᵃⁿ ᵃᵏᵒ ⁿᵍ ˡⁱⁿᵉ ᵒᶠ 3² ᵈⁱᵗᵒ ᶠˡᵉˣ ᵏᵒ ˡᵃⁿᵍ ฅ^•ﻌ•^ฅ

YOU ARE READING
Melancholia
PuisiA set of written poems coated with bittersweet words, feelings, love and opinion.