* Bang!*
* Bang!*
* Bang!*
" Tigil!!" Tutok ko ng baril sa magnanakaw na kanina ko pa hinahabol.
Napatigil ito dahil sa pagputok ko ng baril nakataas ang mga nitong nakatalikod sa akin. Lumapit ako dito ng dahan para mukha ang bag na ninakawa niya pagkakuha ko ay pinusasan ko ang dalawang kamay nito.
" Pinagod mo ko lintik ka!" Sabay tulak ko sa kaniya.
Pagkahuli ko sa magnanakaw ay dinala ko na ito sa prisinto at doon na nga rin naghihintay ang babaeng nanakawan niya kani-kanina lang.
" Ipasok niyo na sa loob iyan.." utos ko sa kapwa ko police.
Dinala na nila ito sa kulingan at ako naman ay bumaling sa babaeng nanakawan.
" Miss ito yung bag mo.." sabay bigay ko sa kaniya ng bag niya.
" Thank you so much officer!" Niyakap niya ako, nakakagulat naman iyon.
" Ahm, walang anuman ma'am ginagawa ko lang ho ang trabaho ko.." tipid kong ngiti dito.
" I should give you a reward for bringing me back my things.." Sabi nito.
" Nako ma'am bawal ho sa amin iyan...okay na sa akin ang simpleng salamat ..." napanguso ito.
" Okay..ahm, if you need any help just call me... here's my calling card unless my kailangan ka.." sabi niya ng nakangiti pa sa akin.
Tinanggap ko ang binigay niya para hindi na niya ako kulitin pa at tumango na lang sa kaniya.
" What's your name by the way?" Tanong pa nito.
" Khale ma'am...Khale Madrigal.." Sagot ko.
" My name is Tricia Hermoso.." lahad pa niya ng kamay nito at nakipagkamay sa akin.
" Ahm, sige ma'am kailangan ko pang magtrabaho mauuna na ako.." ngumiti ito at tumango.
Umalis na ako sa harap nito at nagtungo na sa opisina ko para magtrabaho naupo ako, grabe yung tinakbo ko para lang mahuli ang magnanakaw na iyon sumakit pa ang mga binti ko dahil sa layo hinilot ko ang mga binti ko.
" Ayos ang mga galawan natin kanina bok ahh?" Hay nako nangaasar na naman tong gugong nato.
" Huwag mo akong simulan Carter..." Sambit ko pa sa apelyido niya.
" Bakit? Hahaha.." umupo ito sa tapat ng Mesa ko.
" May nabighanin na naman kasi iyang gandang lalaki- ay este gandang babae mo bok eh hahaha.. nakita mo ba kung paano ka tingnan ng babaeng natulungan mo kanina? Parang anumang oras hahalikan ka na niya eh haha.." lahat na lang napapansin niya.
" Wala akong panahon dyan sa pangaasar mo Carter Wala kabang trabaho?" Napangisi lang ito.
" Break time na kaya...kaya nga nandito na ako eh dahil yayain sana kitang magtanghalian sa karinderya ni aling pacita..." Tinanghali na pala ako.
" Sige tara na nagugutom na rin ako dahil na rin sinabi mong tanghalian na.." tumayo na ako at lumabas na kami ng presinto para pumunta sa paborito naming kainan.
Nang makarating kami sa karinderya ay nakita naming punuan na, marami talagang kumakain dito dahil na rin masasarap ang mga niluluto nila dito.
" Aling pacita?!" Masiglang bati ni Carter Kay aling pacita na may ari nitong karinderya.
" Oh Jake, khale? Bakit ngayon lang kayo?" Tanong nito.
Medyo nahuli kami sa oras kapag kakain kami sa lugar na ito kadalasan kasi maaga-aga sa oras na pagpunta namin dito.