Chapter Two

294 34 2
                                    





" Kung minamalas ka nga naman oh oh.." Wika ko.

Tumaas naman ang kilay ng babae sa narinig nito.

" Tsk! ako ang minamalas dahil nakita na naman kita!" Mataray na sabi naman ng babae sakin.

" Imbis na magpasalamat.. siya pa tong may ganang magalit tsk!" Bulong na sabi ko.

" I heard you! I don't need your help anyway.." Nagiwas ako nang tingin dito.

Hindi daw eh kung makahingi siya ng tulong kanina.

" Hindi daw kailangan ng tulong, eh kung makasigaw ka dyan kanina para kang kinakatay eh.." Ngising sabi ko.

" No I don't! Hmpp!" Napailing na lang ako.

" May mga kasama kaba dito miss? " Tanong ko.

" Are you blind? nakikita mo na ngang wala nagtatanong kapa.." Mataray na sagot naman ng babae.

" Maldita talaga.." Bulong ko.

" May sasakyan kaba miss?" Tanong ulit ko dito.

" I have.." Napairap pa ito bago sumagot.

Bumuntong hininga na lang ako sa inasta ng babae.

" Oh sige miss.. umuuwi kana at masyado nang delikado sa lugar nato, baka balikan ka nung lalaki kanina.." Sabi ko dito.

Aalis na sana ako nang.

" Wait! " Napalingon ako dito.

" Ano iyon?" Tanong ko dito.

Palingon lingon ito sa paligid sa diko malaman na dahilan.

" Never mind.." Napakunot noo naman ako sa sinabi nito.

" Look miss, kung gusto mo na ihatid kita pauwi sa inyo okay lang naman..basta wag ka lang magtaray sakin.." Nakita ko naman na umirap ito.

Nakita ko naman na parang nagiisip ito kung papayag ba siya oh hindi.

" Sige ka... baka, balikan ka nung lalaki kanina... ikaw din, At saka pulis ako gustong masigurado iyong kaligtasan mo..Kahit ang taray taray mo.."

" Fine..." Maikli nitong sagot at inirapan na naman ako.

Ang sarap... dukutin ng mga mata niya at itapon sa ilog pasig.

Napabuntong hininga na lang ako, mahaba ang pasensya ko kaya swerte itong babae na ito.

Sumama nga ito sa akin patungo sa sasakyan ko.

" Saan ang bahay mo miss?" Tanong ko dito.

" Sa Watson subdivision mo na lang ako ihatid officer.." Sagot naman nito.

" Okay ma'am..." May pagka sarcastic kong sabi sa kaniya, tapos sabay irap na naman niya.

Pinaandar ko na iyong sasakyan ko at umalis na kami sa bar. Buong byahe tahimik lang kami at hindi naguusap, pero sumusulyap ako saglit dito.

Maganda siya aamin ko, kaso lang masungit at mataray at sobrang arte. Para siyang may lahi, siguro Briton ang tatay nito oh kaya amerikano dahil sa itsura niya.

" Anong pangalan mo miss?" Basag ko sa katahimikan.

Tumingin ito saglit tapos hindi ako sinagot.

Tingnan mo ito nagtatanong ng maayos eh.

Bumaling na lang ulit ako sa pagmamaneho at baka hindi ko matansya itong babae nato.

Ilang minuto din ang nakalipas ay nakarating din kami sa tapat ng entrance ng subdivision na sinasabi niya.

Possessive Women Series: Isabella Rain WatsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon