Khale
" I almost got killed!!" Sigaw sa akin ng babaeng iniligtas ko.
" Miss ikaw na nga itong niligtas ikaw pa tong may ganang manakit?! ang sakit non ah.." Hinimas ko pa ang mukha ko.
" Yeah! thanks to you! kasi muntik na akong mamatay kanina sa ginawa mo!" Sigaw pa ulit nito.
Siya lang iyong bukod tanging galit samanatalang ligtas naman siya.
" Wala namang nangyaring masama sayo ah!? Bakit hindi kana lang magpasalamat ng maayos hindi iyong naninigaw ka jan.." Napailing na lang ako.
" Tsk! So annoying!" wika nito sabay alis sa harap ko.
Ayos ah! grabe! Kung pwede lang manapak ng babae sinapak ko na iyon!
Tiningnan ko na lang iyong papalayong malditang babae na iyon at napailing.
Matapos ang nangyari ay bumalik na kami sa station para magreport sa nangyari, pero heto ako ngayon nakaupo at hinaharap ang sermon nitong matandang to.
" Ano bang Pumasok sa isip mo at sumugod ka ng magisa kanina ha?! " Singhal sa akin ni chief.
Nagagalit na naman siya sa akin hay.... Ginagawa ko lang naman ang tungkulin ko, bakit hindi na lang siya magpasalamat sa ginawa ko.
" Chief, eh wala silang ginagawa eh...kaya ako na ang sumugod at saka wala namang nasaktan.." prenteng nakaupo lang ako.
* Blag!*
Napaigtang ako dahil sa paghampas niya sa table niya.
" Hindi iyon sapat na dahilan detective!? Gusto mo bang ipasuspende kita? Lagi ka na lang nagpapadalos dalos!...Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo, lagi mo na lang pinapasakit ang ulo ko!" Singhal nito.
Napahawak siya sa sentido niya.
" Chief sorry na...ginawa ko lang naman ang trabaho ko." Napansandal siya sa upuan niya.
" Sa susunod na uulitin mo pa ito malilintikan ka na talaga sa akin!" Madiin na sabi nito.
Tumayo na ako at ngumiting sumaludo sa kaniya.
" Yes chief.." lumabas na ako ng office niya at pumunta na sa desk ko at nagsimula na sa pagtatrabaho ko.
" So ano bok? Nasabon ka na naman?" Hay naku ito na naman si chismoso.
" Ano pa nga ba?" Patuloy lang ako sa pagbabasa ng files ko.
" Ikaw naman kasi...sugod ka ng su-" tiningnan ko.
Sinamaan ko siya ng tingin pati ba naman siya sasabunin din ako?
" Sabi ko nga eh titigil na ako.." may pa zipper pa siya ng bibig.
" Nandito ka na naman wala ka bang trabaho ngayon?" Bakit lagi na lang siyang nakabantay sa akin? Hayst.
" Bok aayain sana kita maghappy happy mamaya.." hay lasinggero talaga.
" Marami pa akong trabaho.."
" Bok naman...minsan na nga lang tayong uminom eh, pagbigyan mo na ako.." pa awa pa itong gunggung na ito.
Nilapag ko ang mga papeles ko at tumingin sa kaniya.
" Okay..." Ngiting tagumpay naman siya.
" Ayon oh!" Napailing na lang ako.
" Nga pala bok.." tumingin ako sa kaniya.
" Ano iyon?" Tanong ko.
" Iyong babae kanina sa bangko ang ganda niya no? Kaso lang sobrang suplada at mataray hahaha.." pinaalala na naman niya ang babae na iyon.