" Anong trabaho mo hija?" Tanong ng tatay ni Isabel." I'm a police officer po sir.." Sagot ko.
" Oh wow.. bakit iyan ang napili mong propesyon? medyo delikado ang trabaho na iyan hindi ba?"
" Alam ko po, bata pa lang po ako pangarap ko na ang maglingkod sa bayan at magligtas ng tao at mga naapi, Inspirasyon ko din po kasi ang tatay ko kaya ako nag pulis.." Masaya kong kwento.
" Pulis din ang tatay mo?" Tanong naman ng nanay ni Isabel.
Tumango ako at ngumiti.
" Opo isa po siyang mahusay na pulis kaya gusto ko siyang tularan.." Napangiti naman sila sa sinabi ko.
" How did you two meet nga pala?" Pagiiba naman ng tanong ng nanay ni Isabel.
Nagkatitigan kaming dalawa.
" Ah- sa " Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang hawakan ni Isabel ang hita ko.
" We met at a coffee shop mom... that time i was busy at my laptop doing my work and then she showed up and talked to me and flirt with me.." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nito.
Ako talaga ang manlalandi sa kaniya? ay taray ni ateng.
" Hindi ko siya pinasin that time pero she was so annoying at hindi niya ako tinigilan hanggat hindi niya nakukuha iyong number ko.." Tumingin ang mga magulang nito sa akin, nangiwi naman ako at napahawak sa batok ko sa hiya.
" From then on kapag pupunta ako sa favorite coffee shop ko andun siya lagi at inaantay ako.. pestering me para pumayag makipag date sa kaniya.." Dagdag pa nito.
" Opo hehe. patay na patay po ako sa anak niyo hehe.." Ang galing niya maggawa ng kwento pwede na siyang maging author.
" Eventually I got tired na din po sa pangungulit niya so pumayag ako na makipagdate sa kaniya.. so ayun don na nagsimula lahat hanggang sa naging kami at ngayon nga nagpropose siya sakin.." Masaya lang na nakatingin sa amin ang mga magulang nito.
" Why didn't you tell us that you have a girlfriend anak?" Tanong ng nanay.
" Because i was afraid that you won't accept this kind of relationship.."
" Anak hindi kami ganong klaseng tao.. tanggap ka namin kahit sino kapa oh kung sino ang gugustuhin mo.." Wika ng ina nito.
" Mahal ka namin anak at tatanggapin ka namin kahit ano kapa.." Wika naman ng tatay nito.
" T-thanks dad, mom." Wika naman nitong katabi ko.
Ilang minutong katahimikan.
" So hija kailan ang kasal niyo nang anak ko?"
Dapat talaga hindi na lang ako sumama para magbar edi sana wala ako sa sitwaston na ito ngayon.
" Wala pa kaming napagusapan na date dad.."
" Bakit wala pa? dapat meron.."
" Ahm- kaka propose lang po niya eh, so siguro sa mga susunod na araw paguusap namin iyan.."
" Right Babe?"
" Huh?"
Nakatingin sila sa akin ngayon at naghihintay ng sagot ko.
" ah- opo hehe.." napangiwi na lang ako at napainom ng tubig.
Pagkatapos nga ng party ay kinausap ako ng mga magulang nitong babae na to para pagusapan ang tungkol sa kasal kineme nitong katabi ko. Lahat ng tao ay nagsiuwian na at kami na pang apat ang natira at naguusap dito sa may sala nila.