Chapter 1

1.3K 18 1
                                    

Deanna's POV

"Kring!!!!Kring!!!!!Kring!!!!!"

Agad akong bumangon ng marinig kong nagring na ang alarm clock ko. Kinuha ko ang towel ko at pumasok sa cr.

"Deanna,bumaba kana". Sigaw ng Mommy nya.

"Opo Ma". Sagot nya

Pagkatapos niyang magbihis ay agad na siyang bumaba at naabutan nya ang kaniyang Mommy at Daddy na nagbebreakfast. Agad itong umupo sa kaniyang upuan at nagsimulang kumain.

"Are you ready na ba anak?" tanong ng mommy niya.

"Yes Ma. Medyo kinakabahan lang." Sagit nya habang sinusubo ang hotdog.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ito sa kaniyang magulang at sumakay na sa kotse niya.  Agad na nakarating sa school niya si Deanna. Habang nagpapark ng kotse niya napansin nya ang isang babae na para bang binubully ng mga kababaihan. Bumaba ito at hindi pinansin ang babaeng binubully. Habang naglalakad palayo sa babae may kung anong bagay na nagtulak sa kaniya para lingunin ang babae. Akmang susuntukin sana nang naka black na babae ang babae ngunit..................

Jema's POV

First day ngayon at syimpre panimula na naman ng pambubully sakin. Mag s-second year nako at masasabi ko na hindi naging maganda ang first year college days ko kasi araw araw akong binubully dahil sa physical appearance ko. Habang tumatagal parang nasasanay nako sa mga ginagawa nila sa akin. Hindi na ako umiiyak dahil kahit anong iyak ko wala namang magbabago.

"Look who's here?".  Sabi ni GC(girl chararat)

"Nagkita na naman tayo nerdy girl. Mukhang masaya ang vacation mo ha?". Sabi naman ni GF(girl feeler)

Di ko nalang sila pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad pero hindi pa ako nakakatatlong hakbang nga bigla ako hatakin ni GC at akmang susuntukin ng biglang............

"Subukan mong ituloy yan ako ang makakabangga mo".  Sabi ng babae na naka black jeans at naka tshirt na adidas.

"Hey bitch di pa tayo tapos".  Sabi ni GC at naglakad sila ng mga kasama niya.

"Ayos kalang ba?" Tanong niya sa akin. Di ko alam pero hindi ko kayang magsalita kasi ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Ang ganda niya at ang pogi niya at the same time. Ang ganda ng mga kilay niya, ang saya ng mga mata niya, at baby face pa.

"Ahmm, Miss okay kalang ba? May masakit ba sayo?".  Sunod sunod na tanong niya sa akin.

"Ahm,o-okay l-lang ako." Sagot ko at agad na naglakad palayo sa kaniya.

Pagdating sa room ay agad akong umupo sa huling row malapit sa bintana. Pinikit ko ang mga mata ko at naalala ko naman ang babae kanina. Bakit kaya niya ako tinulungan?

"Good morning class. We have a new student ang I want you to make her comfortable. Is that clear?". -Maam

"Yes". Sabay sabay namin sagot.

Bumukas ang pinto at niluwa nito ang babaeng kanina ko pa iniisip. So magkaklase kami? Bakit???

"Okay Miss introduce yourself."-Maam

"Hello everyone. I'm Deanna Wong. Nice to meet you." Pagpapakilala niya tapos ay ngumiti.

"Okay Miss Wong doon ka umupo sa tabi ni Miss Galanza." Sabi ni Maam sabay turo sa direksiyo ko.

Maam naman eh ba't sa tabi ko pa? Kainis ka Maam sarap mong itapon sa North Korea. Char lang HAHAHAHAH

Biglang nag slow mo ang lahat nang magsimula na siyang maglakad papalapit sa akin. Di ko alam pero ang bilis ng tibok ng puso ko na parang hinahabol ng libo libong zombie ng train to busan.

"Hi magkaklase pala tayo? Nice to meet you Miss Galanza." Sabi niya sabat abot nga kaniyang kamay. Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba o hindi. Pero di ko alam sa kamay ko kung bakit tinanggap niya ito. Nakita ko naman na napangiti siya sa ginawa ko.

"Miss Wong you may take your seat." Epal talaga si Maam nagmomoment kami dito eh piktusan kita jan Maam eh. Joke onleh hehehehheh.

After ng class namin agad akong lumabas at dali daling pumunta sa cafeteria. Habang naglalakad napansin ko na parang may nakasunod sa akin. Paglingon ko nakita ko si Deanna na nakangiting sumusunod sa likuran ko.

"Ano bang kailangan mo?" Naiirita kong tanong.

"Eh k-kasi di ko alam kung nasaan ang cafeteria eh tapos ikaw lang ang kilala ko dito." Nahihiya niyang sagot. Ay oo nga pala new student siya dito.

"Eh bat ka nga sumusunod sa akin? Mukha bakong cafeteria?" Naiinis kong tanong kasi ayaw ko ng may kasama masaya akong nag iisa.

"Ah eh p-pwede ba akong sumama sa iyo?"-Deanna

"Oo na." Sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Hayy naku naiinis na ako sa babaeng ito.

M A G P A P A T U L O Y
____________________________________________________________________________________________________________
A/N
Hi everyone. This is my first story of GAWONG and I hope you gonna support me and enjoy reading😊

#GaWong
#JiaGuel

Fight For Us (JEDEAN GAWONG)Where stories live. Discover now