Chapter 4

573 20 1
                                    

Jema's POV
Mabilis na lumipas ang mga panahon. Masasabi ko na sa bawat araw na magkasama kami ni Deanna pinapadama nya sa akin na importante ako. Halos limang buwan na syang nanliligaw sa akin at masasabi ko na unti unti na akong nahuhulog sa kaniya. Simula nong nanligaw sya sa akin ay magkasama na kami sa iisang bubong. Dito na sya tumitira sa condo ko kasi daw namimiss nya ako bawat oras.

"Baby, gutom na ako." Nakapout na sabi ni Deanna.

"Wait lang baby magluluto lang ako." Akmang tatayo na sana ako pero mas hinigpitan niya pa ang pagyakap sa akin.

"Dito ka lang baby." Sabi niya tsaka siniksik ang ulo nya sa leeg ko.

"Akala ko ba gutom ka? Paano ako makakapagluto nito kung nakapulupot ka sa akin?" Ano na naman kaya ang naisip ng isang ito.

"Magpadeliver nalang tayo babe. Gusto ko nakayakap sayo eh." Sagot niya tsaka mas hinigpitan ang yakap niya sa akin.

"Sige na nga." Akmang tatayo nanaman ako nang hilahin nya ako.

"Ito nalang ang phone ko gamitin mo." Hay naku. Kinuha ko yon tsaka nagdial.

Ding dong

Tumayo ako at binuksan ang pinto. Kinuha ko ang mga pagkain at binayaran. Habang kumakain nag aasaran lang kami ni Deanna.

"Babe may sasabihin ako sayo." Seryosong sabi niya. Kinabahan ako. Paano kung makikipagbreak na sya sa akin? Paano kung hindi na nya ako mahal?

"A-Ano yung b-babe?" Nauutal kung sagot. Seryoso lang syang nakatingin sa akin. Mas lalo akong kinabahan

"Babe matagal kong kinikimkim to pero ngayon di ko na kaya." -Deanna

"Ano ba y-yun? Bwiset kinakabahan ako.

"Babe............
I love you." Nakangiti niyang sagot.

Bwiset talagang tao toh. Grabe yung kaba ko tapos ngingiti ngiti lang sya. Naiinis ako sa kaniya. Tumayo ako at pumunta sa kwarto. Nakakabwiset naman si Deanna. Naramdaman ko na bumukas ang pinto kaya nagtulog tulugan nalang ako.

"Babe? Baby sorry na po." Sabi niya sabay yakap sa akin.

"Babe?"

"Baby?"

"Hey sorry na po."

"Baby sorry na. Hindi na talaga mauulit. Promise. Sorry na po talaga baby." Di ko na mapiligan ang umiyak. Nakakabwiset kasi eh. Kinabahan ako akala ko makikipag break na sya sa akin.

"Ikaw *hik kasi *hik eh. Nakakainis ka akala ko nakikipagbreak kana sa akin. Akala ko hindi mo na ako mahal. Akala ko-" hinalikan niya ako.

"Wag kang magsalita ng ganyan,okay? Mahal kita at hindi kita iiwan. Tandaan mo yan." Sabi niya habang seryosong nakatingin sa akin.

"Mahal din kita Deanna. Sana wag mo kong iwan." Sabi ko sabay yakap sa kaniya.

KINABUKASAN
Pumunta kami ni Deanna sa school at as usual nakatingin ang lahat sa amin. Medyo nasanay nadin kami sa ganitong senaryo kaya hinayaan nalang namin. Naglalakad kami ngayon papunta sa building namin ng mapadaan kami sa gym. Napahinto ako sa paglalakad. Napansin naman yun ni Deanna.

"Gusto mong mag try out?" Tanong niya. Mahilig talaga akong mag volleyball at medyo matagal tagal narin ng huli akong naglaro nito. Namimiss ko ng maglaro.

"Oo sana." Sagot ko.

"Okay. Sabay tayo." Nakangiti niyang sambit.

"Anong tayo?" Nagtatakang tanong ko.

"Mag tatry out din ako. I used ko play volleyball when I was in high school kasi. And I miss playing na din." Pagpapaliwanag niya sa akin. Ngayon ko lang nalaman na nagvovolleyball pala sya.

"So kailan mo balak magtryout? Tanong ko sa kaniya

"Mamayang hapon. Dont worry may dala akong mga gamit sa car ko. Alam ko kasing navovolleyball ka eh so ayun palagi akong nagdadala ng extra kung sakaling gusto mong mag tryout." Nakangiting sagot niya. Grabe mga bes alam niya na nagvovolleyball ako tapos handa syang samahan ako. Kenelekeg eke enebe.

Niyakap ko sya. Grabe ang saya ko.

"Thank you babe." Sabi ko.

"You're always welcome babe." Sagot niya tsaka hinalikan ang noo ko. Naglakad na kami papunta sa room at umupo sa upuan namin. Hindi nagtagal dumating na ang prof namin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagkatapos ng clas namin dali daling kaming pumunta sa sasakyan ni Deanna para kunin ang mga gamit at nagbihis. Naglakad kami papunta sa gym. Pagpasok namin ang may nangilan ngilan na kaming nakitang magtatry out. Pumunta kami sa bench tsaka nilagay ang mga gamit namin.
"Hey." Sabi ng isang babae sa amin. May kasama pa syang isang babae.

"Hi." Nakangiti kong sagot habang si Deanna ay nag aayos pa ng gamit namin.

"Magtatry out din kayo?" Tanong ng matangkad na babae.

"Ahm oo. Kayo?" Tanong ko.

"Oo. Tsakto may bago na kaming kaibigan. I'm Tots Carlos and this is Ced Domingo girlfriend ko." Pagpapakilala ni Tots.

"I'm Jema Galanza and this is Deanna Wong girlfriend ko." Nakangiti kong pagpapakilala. Nag shake hands kami.

Nagsimula ang tryout at binigay ko ang lahat ng makakaya ko para makapasok sa team tudo naman ang cheer sa akin nina Tots, Ced at syimpre ni Deanna.

"OMG!!!! Guys naka pasa tayo!!" Sigaw ni Ced. Ohmy naka pasa kami. Yes!!

"Magcelebrate tayo." Sabi ni Tots.

"Okay."

Papunta kami ngayon sa isang restaurant malapit dito sa Quezon. Dito napagpasyahan nina Deanna at Tots na kumain. Grabe close na sila agad. Pagdating namin umupo agad kami sa mesa na pang apatan. Sina Deanna at Tots na ang nagboluntaryong bumili ng pagkain.

"Jems mukhang close na ata mga jowa natin ha." Sabi ni Ced. Natawa nalang ako.

"HAHAHAHA oo nga eh. Di bali tayo naman ang mag bestie diba? Sabi ko.

"Oo naman bes." Dumating na sina Tots at Deanna at WOW ang dami nilang inorder. Parang pang isang barangay na ang inorder nila. HAHAHHH its a joke.

Habang kumakain nagkukuwentuhan kami tungkol sa mga bagay bagay. Tatlong buwan na palang magkasintahan sina Ced at Tots. At syimpre sinabi din namin sa kanila na hindi pa kami magjowa ni Deanna. HAHAHAHA na carried away lang ako kanina. So ayon puro kami tawanan at asaran. Di ko inaasahan na magkakaroon kami ng mga bagong kaibigan at di ko rin inaasahan na pareho pala kami ng hilig ni Deanna. Ang mag volleyball. Ansaya ko ngayong araw.

M A G P A P A T U L O Y
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
A/N
So ayon guys sorry ngayon lang ako naka pag update kasi super busy sa modules pero tatry ko paring tapusin tong story na toh. Ayun pumasok na sa eksena sina Tots at Ced. Thank you sa mga nagpapatuloy sa pagbabasa at sana support nyo ako. Lovelots❤

#JeDean
#GaWong
#ToLine

Fight For Us (JEDEAN GAWONG)Where stories live. Discover now