•~•~•~•
Ngayong nasa huling buwan na ng college si Jas, ito ang nasa isip niya: Masama bang maging carefree muna saglit matapos ang halos apat na taon kong pagiging responsableng anak at best student sa batch ko?
At dahil tapos na siya sa mga huling kailangang ipasa na requirements, it's time to have some fun!
Nangunot ang noo ng Mommy ni Jas matapos makita ang anak na naka-ikling short at sleeveless shirt. Umuwi lang kasi ito sa bahay nila at nagsauli ng iilang gamit niya galing dorm at kumuha ng iilan ring medyo sexy outfits sa closet niya na hindi pa niya nagagamit. Babalik rin siya sa school dorm pagkatapos.
"What's with you, Jas?" Tanong ni Mommy Ara sa anak ng malapitan ito. Nagtataka makita ang anak sa suot nito. Dati kasi, halos mahabang palda at blouse ang palaging outfit nito. Minsan naman ay loose jeans at loose sweater lang ang suot. Now? Tignan niyo naman at ang seksi na ni Ate Jas niyo. Meron pang pa-strapped slippers.
"Bakit, Mom?" Ibinaling na ni Jas ang paningin sa Mommy ng matapos sa pag-oorganize ng gamit.
Mommy Ara looked at her from head to toe and toe to head. "You changed your style but forgot the effort on putting on any make-up?"
Jas smiled. Akala niya kung ano na. Hindi naman strict si Mommy Ara. Jas being a responsible daughter was her choice. Magaling lang rin talagang magpalaki ang ina niya. Tamang lang ang pagiging strict.
Alam na rin ng Mommy ni Jas na sa suma cum laude ang anak. Siyempre, proud ito at halos maiyak pa ng malaman yun.
"I will, Mom."
Halik sa pisngi at yakap muna ang ibinigay ni Jas sa Mommy bago pumasok sa sasakyan at nagmaneho pabalik sa school at dorm. Nakipag-ngitian at bumati muna si Jas kay Manong Guard na noon ay simpleng tinatanguan lang niya. Of course she'll start to be friendly with everyone!
Ng maipasok na ang sasakyan sa gate, lumiko ito at tinahak ang daan papuntang school dorm. Pagka-park, she grabbed the things she got from home and went inside the building. Straight to the elevator, pressed the number 4, and leaned on the cold metal wall.
Bumuntonghininga si Jas at kinuha ang phone sa bulsa ng tumunog ito.
"Hey, bietch! We're on our way. You better be ready or else." Ang unang bungad sa kaniya pagkasagot sa tawag.
"Of course, Abby." Then ended the call. Bumuntonghininga na naman siya. Si Abigail Avila ang kaibigan niyang may pagka-bitch, like her bungad sa tawag, at ang palaging kumukumbinsi sa kaniyang sumama sa circle of friends niya since first year. Pero dahil first year nga ng college ay dapat muna siyang maging responsible daughter at best student. Kaya, finally, sa huling buwan ng college, she's been going out with Abby and her friends.
Ilang pindot ang ginawa bago makapasok sa kwarto niya si Jas. Mataas kasi security system ng dorm building nila. Maraming pera yung skwelahan, eh. Kaya ganun. Para maiwasan na rin yung nakawan.
After placing the things in their respective areas, Jas prepared the snack and living room. When she heard the buzzing of her door, that's when she knew it's Abby and her friends.
Bumungad sa kaniya ang isang babaeng naka-all pink ang buhok, na mawawala rin kapag binasa ng tubig, si Abby. Sa likod niya ang kaniyang mga friends na sinama para maki-hang out narin kay Jas.
She let them in and in her mind: This is it. Let me be out of that old Jessha for a while.
"Huwag 'yan, Sky! Hindi ganyan gusto ni Jas. 'Tsaka binibigla mo siya, eh!" Pigil ni Abby sa lalaking kay puti ng balat at may bahid na color red ang buhok. Mawawala rin kapag binasa o binanlawan ng tubig. Halos lahat nga siguro sa mga taong nasa living room ngayon ay mag color ang buhok. Except Jas, of course. 'Di pa niya nata-try. Inigaw na ni Abby ang flash drive na naglalaman ng mga porn ni Sky at iilang lalaki na nandoon.
A very short girl with short hair stood up in front with one hand on her waist and one holding a flash drive. Her name is Grace. "Here! Meron kaming mga movies ng girls. Different genres, and magugustuhan ng lahat!"
"Basta 'yung may kissing scene, ah!"
Napailing naman ang iilang kababaihan ng magsalita ulit si Sky. Nagtawanan naman ang mga lalaki. Jas sat with them on the couch, eating chips and popcorn while waiting for Grace to play the movie they chose. Medyo nailang pa ng umakbay ang isang naka-all dark blue na buhok at may grayish eyes na si Brandon. Hinayaan nalang ni Jas at tumutok sa movie.
"That changed guy, ayaw niyang sumama dahil meron pa raw siyang kailangan tapusin." Salita ni Brandon sa kalagitnaan ng movie.
"Oo nga, eh! I've been knocking on his room the other week, ayaw akong kausapin." Maarte namang sabi Valene. Naka-golden brown ang buhok. Pero brown rin naman ang totoong kulay ng buhok. Sumakto rin ang kulay dahil maputi-puti rin naman siya.
"Hayaan niyo na, sasali rin 'yun sa atin kapag nabagot na siya sa pilit niyang ginagawa." Si Abby.
Matapos ang movie ay naglaro-laro muna sila. Brandon, the guy beside Jas began kissing her collarbone up to her neck. Hinayaan niya lang ito at wala naman siyang nararamdaman, ni kiliti ay wala. Ng makahanap ng excuse na mag-ccr, pinunasan niya ng wet wipes ang bahagi na hinalikan ni Brandon.
Okay, she wasn't expecting that. Being carefree, young, and to loosen up sure doesn't include kissing and such? Siguro dapat isali na niya ang wild. Gusto lang naman talaga niyang makawala sa any school related activities. May time na siya ngayon since halos wala ng kailangang i-attend na klase at prac nalang sa pag-akyat nila sa stage.
"Hey, if this is too much, just tell me. I know this isn't what you expected but, just give it a try." Nagulat siya sa pagsulpot ni Abby sa likod niya. Nginitian niya ito.
"It's alright. I can manage. Nag-aadjust palang." Abby nodded and they both went back to the living room.
The hang-out ended before the long hand reached five. Everyone bid their goodbyes to Jas and said their thank you's. Pumuslit pa ng halik sa pisngi kay Jas si Brandon. Nagtawanan naman sila habang lumalabas.
"Can we still join you next time?" Maarteng sabi ni Valene. She's just like that but they know she's one human being you can actually call a friend.
Jas smiled. "Why not? Dala lang kayo ng mas maraming pagkain. Ang daling naubos, eh." Then everyone laughed.
Mabuti nalang at marunong namang magtapon ng basura at magwalis ang mga yun kaya nag-mop nalang si Jas tapos ay napa-upo nalang sa kitchen counter ng dorm niya. Natulala siya at bumuntong hininga.
She'll be graduating college soon. Kinakabahan na siya sa kung ano man ang mangyayari sa future. A life full of possibilities and great uncertainty is coming up ahead.
So, maybe if she experience these things just for a little while, she'll not regret it later on? Ito lang rin naman kasi ang panahon na pwede siyang maging carefree, young, and.. wild.
Kapag may trabaho na siya, plano niyang magseryoso sa buhay. Reach her goals and maybe, she'll still continue learning every day of her life. There's no end to that. Kaya ito na talaga. Minsan lang talaga 'to.
BINABASA MO ANG
Maybe If, Maybe Then
ChickLitJas is in her last month of college. Guess what? Isa siya sa suma cum laude ng batch niya. For getting such an achievement, she wants to loosen up a little and be a young and free girl. And here comes Loloy, the third year college student na nagbago...