MI 02 : Changed

2 0 0
                                    

•~•~•~•

Maagang sinundo ni Abby si Jas sa dorm nito. Change of plans daw. Sa dorm na naman daw ng boys sila maghahang-out.

Bagong gising. Hindi pa nakakapag-toothbrush, wala pang ligo, magulo ang buhok, wala pang kain, may muta pa sa mata. Siyempre, bagong gising nga.

Sa isip ni Jas: Mabuti nalang noon pa ako nakita ni Abby na ganito ang ayos. Okay lang.

Pinapasok niya muna ang kaibigan.

"Ligo muna ako."

"You ate breakfast?" Tanong ni Abby sa kaniya, nakasunod at pinapanood ang bawat galaw ni Jas.

"Not yet." Kinuha ni Jas ang bathrobe na nakasabit sa closet niya at huminto muna sa kitchen para uminom ng tubig.

"Dun ka na sa dorm ng boys mag-breakfast. They're cooking some for us." Akalain mo yun. Those boys can actually cook? Well, kailangan rin naman nilang matuto kasi nasa dorm sila and for survival na rin siguro.

Tumango lang si Jas at pumasok na sa bathroom. 25 minutes at 10 seconds natapos si Jas. Accurate yan.

Nasa iisang building lang ang dorm ng lalaki at babae. Hanggang fifth floor iyon at may pa-elevator nga ang school. Kailangan din kaya yun. Sa left wing ang boys, habang sa right wing ang girls.  Naka-locate ang dorm ni Sky at Brandon sa third floor, kung saan sila magha-hang out for the day. Kaya bumaba pa ng isang floor si Abby at Jas at nag-stairs nalang sila.

Every dorm, merong dalawang student na dapat mag-occupy. Sa fourth floor ang kay Jas. Meron siyang roommate for two years pero ang babaeng iyon ay grumaduate na last year kaya mag-isa nalang muna siya. Wala pa rin namang naka-assign na bago niyang roommate dun.

"Goodmorning, people of this university!" Masiglang sigaw ni Jas ng makarating sila sa dorm nila Sky at Brandon.

"Sigla mo ngayon, ah! Dahil ba sa kiss ni Brandon kahapon?" Sigaw ni Sky galing kusina at sabay umugong ang tuksuhan at tawanan. Gustong-gusto naman iyon ni Brandon habang napailing-iling naman si Jas. Sa totoo lang, wala siyang nararamdaman dito. Hindi niya rin alam bakit. Gwapo, matangkad, may matangos na ilong, mahabang pilikmata, at pinkish na lips si Brandon kaya okay naman. Pero wala talaga kay Jas, eh.

"Oh, shut up you guys! I know this bitch. Hindi tatabla si Brandon sa kaniya. Believe me." Itinaas pa ni Abby ang dalawang kamay. Dumiretso sila ni Jas sa kitchen kung saan nagluluto si Sky, Brandon, at ang isang half-black American na si Tommy. The guy is cute wearing glasses and is also such a gentleman. Just like Jas, Tommy or Tom is an excellent achiever in his class but is with these guys. Marunong namang mag-Tagalog si Tom. Sa katunayan, magaling siya.

"That smells good." Nilalanghap pa ni Jas ang masarap na niluluto ng boys. She leaned on the counter and placed her hands on her chin.

Brandon turned to look at her and smirked. "It does smell good. It's tasty, too. But you know what smells better and tastes better?"

"Ano?"

"Me?" Ang iilang babae na nakatambay sa living room ay narinig iyon at umugong na naman ang tuksuhan. Jas smiled sweetly. Naisipang sabayan nalang ang kalokohang pinagsasabi ni Brandon.

Maybe If, Maybe ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon