•~•~•~•
"Don't tell me you don't have one?"
Hindi alam ni Abby kung matatawa o madidismaya ba siya sa kaibigan. Para sulitin na rin daw ang mga araw nila na isama si Jas, they planned to go to the beach. Bahala na raw kahit kaunting oras lang sila dun. Hapon raw sila pupunta at baka hindi masiyadong ma-tao sa oras na yun.
Sa paghahalungkat ni Jas sa mga damit niya. Wala talaga siyang makitang swimsuit, eh. None. As in.
Abby sighed. "Alright. Let's get you one real quick."
They told the other people that they'll be going out to buy something for a while. Meron na kasi silang outfit/swimsuit. Si Jas lang talaga ang wala sa ilang years ng existence niya sa life. Valene suggested na bumili sila ng karagdagang pagkain na dadalhin. Actually, meat daw para i-grill. So, it ended up na lahat sila lumabas.
"Hindi na talaga kayo nagsawa sa meat. But I think that's okay. Mukha pa naman kayong healthy." Chezka, the one who's always looking down on her phone whenever they hang-out, finally spoke.
Inakbayan siya ni Grace. "But we'll also pair it with leafy vegetables, Chez. Why so..."
Dalawang sasakyan lang ang ginamita nila. The girls were with Jas' car. Ang boys naman ay nasa kay Sky's. It was a half an hour drive from the supermarket. And half an hour rin silang namili. Half an hour rin ang pagbalik nila sa dorm. They decided not to eat lunch at sa beach nalang daw kasi mag-gi-grill rin naman sila dun.
"Excited na ako!" Si Grace. 12 palang ng tanghali, lumarga na sila para sa 2 hour trip papuntang beach.
"Me, too!" Si Valene na sinuot na in advance ang swimsuit. Nasa ilalim iyon ng short shorts at sleeveless shirt niya.
Napangiti narin si Jas. Nauna ang girls sa pag-alis. Hindi rin nila alam kung nakasunod ba ang boys. 'Di rin tumawag.
"Nasa'n na kaya ang mga lalaking 'yun?" Tanong ni Grace na tinatanaw ang likuran at baka makita niyang nakasunod lang ang boys.
"Trust me, naghahanap yun sila ng mga babaeng pwedeng isama. You know them. Inviting stranger bitches with us." Abby commented. Smooth ang naging takbo ng sasakyan nila ng maka-pasok sa highway papuntang beach. Sa gilid, kitang-kita ang malawak at kumikinang na dagat.
Deep inside the girls inside the car, they're so looking forward to spend time there. Especially Valene, 'cause she got accepted in a job she applied. At some hotel in hawaii, tourism kasi 'yung course niya. Magsisimula na siya pagkatapos na pagkatapos ng graduation. Her adult life and independent living is gonna start early kaya susulitin na niya 'to.
Ng makarating, malaki ang ngiti nila ng hindi puno ang beach. Kakaunti lang ang nandoon. Solo nila ang tawanan, sigawan, at liguan ng walang naiistorbo.
Matapos asikasuhin ni Grace lahat, from the payments and other stuff, nagsimula na silang mag-ayos. At dahil sila ang may dala ng gamit at pagkain, sila na rin ang magluluto ng grilled pork. Nakapwesto sila sa isang area na may flat roof at long bench na upuan. Meron din itong mahabang kahoy na lamesa na ang ganda ng design at makinis pa. Harap nila ang dagat at kita ang magandang tanawin mula roon.
"I love this." Jas spoke out of nowhere when all of them were just staring at the ocean waves.
The rest of the girls nodded, agreeing to what Jas said.
BINABASA MO ANG
Maybe If, Maybe Then
ChickLitJas is in her last month of college. Guess what? Isa siya sa suma cum laude ng batch niya. For getting such an achievement, she wants to loosen up a little and be a young and free girl. And here comes Loloy, the third year college student na nagbago...