(Play the video/song)
" Hi Kate... alam mo ba? Ang raming babaeng nagkakandarapa sakin saan-saan... ang hirap talagang maging Handsome Bestfriend atsaka Husband narin kahit hindi tayo kasal... pero, ako lang ang naaawa sa kanila dahil walang makakabura at makakapagpalit sa'yo dito " sabay turo ko sa may puso ko. Oo, sya lang talaga ang mamahalin ko till the end of my world. Siya lang, wala ng iba. Ngumiti naman sya... palagi naman. Kinuha ko ang picture nyang nakangiti at pinunasan ito. How I miss her smile... and I miss her already. Hinawakan ko ang dibdib ko kung san ang puso ko. This is her heart now in mine. I'm here in St. John cemetery to visit her. Actually, bago ako pumapasok nun pumupunta ako dito para bisitahin sya. Dinadalhan ng paborito nyang bulaklak ang pink roses. At kumakain ng Rocky road ice cream habang sa kanya'y inilagay ko sa gilid ng lapida nya . Hindi po ako baliw ha?! HAHA. Ganito lang talga ako inaas-if kung buhay sya.
It's been 2 years nang nangyari yung mga kaganapang yun. Naging successful naman yung operation ko dahil na rin lumaban ako. Oo, lumaban ako dahil naalala ko si Kate. Ayoko sirain ko ang pangako ko sa kanya. Kinailangan kong mabuhay dahil aalagaan ko ang puso nyang ngayon ay parte na sa'kin. Kinailangan ko ring mabuhay para sa mga taong nagmamahal sa'kin lalo na si Mama. Hindi ko pa sya kayang iwan. Si Stella rin... ayun may Fiance na! May plano na ngang magpakasal ang sweet couple na yun, arrange marriage kasi pero mukha namang gusto ang isa't isa.
Sa wakas! Ga-graduate na rin ako ng BS-IT. Masaya naman ako kahit may kinikimkim na konting lungkot dahil... ga-graduate na rin sana si Kate ngayon. Pero alam ko kung nasan man sya ngayon, masaya yun at laging nakangiti. Kate, gagraduate nko! Sana andito ka parin ngayon... di bale na Kate ibibigay ko sa'yo ang diploma ko kay mama nman yung medalya ko. Okay lang ba?
" MONTEZ, JAKE CAMERON... Magnacumlaude! " sabi ng emcee. Agad naman ako lumakad papuntang stage. Nagpalakpakan naman yung mga tao. Kinuha ko na yung diploma ko't sinabit nila ang dalawang malalaking Gold Medal atsaka humarap sa mga tao. Nakita ko sa may sulok si Kate. Ngumiti. Ngumiti rin ako sa kanya sabay taas ng diploma't medalya ko at agad nman syang nag-fade. Nag-iimagine lng pla ako. Hindi 'to jackpot ang pagiging Magna ko pinaghirapan ko talaga 'to. Naging inspirasyon ko sa buhay at pag-aaral si Kate pati na rin si Mama. Tama si Kate, hindi ko dapat sinasayang ang pagkakataon, dapat laging lumalaban. Hindi mawawalan ng pag-asa.
Pagkatapos ng graduation ceremony. Pinauna ko na muna si Mama sa bahay.
" Ma, may pupuntahan lang ako.."
" San nman anak? Nakatoga ka parin, oh! "
" Ma, okay lang mas mabuti nga... "
" Ha? "
" Ma, sige na... mauuna na kayo "
" Oh sya sige mag-iingat ka, anak... "
Dali-dali akong pumunta sa Parking lot at sumakay na sa kotse ko. Pumunta ako ng flowershop at bumili ng pink roses. Pumanta rin ako sa JILYA's Ice Cream Parlor at bumili ng Rocky Road ice cream na paborito nya. Bumili rin ako ng white balloon tsaka humingi narin ng papel dun at bumili na rin ako ng ballpen, buti meron. Nagtataka nga yung mga tao ba't nakatoga ako.. Pero mukha ngang nakukyutan yung iba sa'kin, eh. Hehe :D Iba talaga pag maylahi kang Gwapo! Tsk.
Pinarking ko na ang sasakyan ko't bumaba na na dala-dala yung paboritong bulaklak at ice cream pati narin yung balloon. Buti nakaplastic yung ice cream. Baka nagtataka kayo kung pano ko nalaman ang mga paborito nya. Simple, tinanong ko sya nung Valentines Day nung highschool pa kami. Ako kasi yung ka-date nya pero as Friends lang kami nun.
Nilagay ko na yung mga binili ko para sa kanya sa may gilid. Habang hawak ko ang putting balloon baka lumipad.
" Hi, Kate... eto, oh! " sabay lagay ko ng diploma ko sa gilid katabi nung binili ko.
" Thank you Kate ha... nakagraduate din ako nang dahil sa'yo... "
" Hayyy... sana andito ka rin, no? Para sabay tayong gumraduate, pero... isinakripisyo mo yung sarili mo para sa'kin... "
" Kate, mahal na mahal na mahal kita at hindi magbabago yun... dahil ikaw lang talaga... "
" teka lang, Kate "
Sinulatan ko na yung hiningi kong papel kanina...
I MISS YOU SO MUCH, KITTEN. Na miss kitang tawagin nyan... matagal-tagal na rin pala.I LOVE YOU, I LOVE YOU and I LOVE YOU, KATE. I know you're happy now with your family up there but maybe I think it would be happier if I'm with you. Hehe. Yung sinabi mong aalagaan ko 'tong puso mo.. pangako aalagaan ko talga dahil galing 'to sa'yo... you gave me chance to live and i thank God too.:)) Kate, I REALLY LOVE YOU and that will never change... i promise you...
Love always,
Jake Cameron
Ni-roll ko na yung maliit na papel at tinalian ito gamit ang manipis na lubid ng balloon at pinalipad na ito. Tinignan ko muna yung balloon na papalipad. Nang hindi ko na ito makita napagdesisyunan ko ng umalis.
Pero bago muna ako umalis tinignan ko muna sya sa picture nyang nakangiti... i really miss her smile.
" Bye, Kate... I love you... forever "
END