Prologue

5 0 0
                                    

"Siya ba yun babaeng nagpakamatay? Akala ko patay na yan?


"So she is girl huh? Sana hindi na lang siya naligtas"


"Palibhasa anak siya ng mayor kaya natakpan yung kasalanan niya"


"Kawawang Riel hindi man lang nabigyan ng hustisya"


Ilan lang yan sa mga naririnig ko simula ng dumating ako dito o simula ng nagkamalay ako mula sa trahedya ng gabing yun at malala lamang dun ay ang naalala ko lang yung pagkalunog ko at hindi ko na maalala ang ibang nangyari pa. Magdadalawang linggo ang nakalipas at ang tingin nila sa akin ay kriminal, minsan napapaisip ako kung totoo ba talaga yun na ako ba talaga ang pumatay sa dating ko daw na kasintahan o ginamit lang nila ang pangalan ko at ang pamilya ko dahil galit sila sa tatay ko.


"Are you with us, Ms. Dela Fuentes?" nagulat na lang ako dahil nakatulala nanaman papala ako sa klase.


"I'm sorry po, Can I go out?" Tumango na lamang siya at taas noo na lang ako habang nasa akin ang mga mata ng mga mapanghusgang mga kaklase ko. Umalis na ako sa klase na iyun, anak ako ng mayor kaya wala silang magagawa.

Hindi na ako bumalik sa klase, syempre anak ako ng mayor at may nangyari sa akin kaya pwede pa akong lumiban. Maiintindihan nila at syempre wala silang magagawa.

Riel? Bakit lahat ng mga alala ko sayo nawala? Anong nangyari ng araw na yun? Ako ba talaga ang pumatay sayo?


Inimbestigahan na nila pero iisa lamang ang nakita nila na parehas kaming mawala ni Riel ng gabing na iyun kaya lahat ng mapanghusgang mata ay nakatutok sa akin, pero wala akong maalala sa nangyari ng gabi iyun parang binura lahat. Parang sinadya


"Wag kang umiyak dito dahil kasalanan mo naman"

Napalingon ako sa narinig ko.

Siya na naman.


Lagi niyang sinasabi na ako ang may kasalanan ngunit hindi naman niya ito sinasabi sa pulisya at pakiramdam ko laging may nakatingin at alam ko siya iyun.

"Bakit hindi mo na lang sabihin iyun nalalaman mo kung ako talaga ang may sala?"


"Bakit ko sasabihin kung natutuwa ako sa nangyayari sayo?" tawa niyang saad sa akin. Balingkinita ang katawan, mahaba ang buhok, katamtaman ang kulay ng balat, at ang kanyang itim na itim na mata. "Gusto ko pang makita kung hanggang saan ang kaya ng ama mo para pagtakpan lahat ng kasalanan mo at nabalitaan ko pala hindi mo maalala yung nangyari ng gabing yun o...." pigil niyang saad at tinignan ako ng direto sa mata.




"Nagkukunware ka lang?"



-Sometimes our memories are lost because of our age, tragic ending  and also the pain cause in our life and all you can do is to remember every details in that situation but how can you remember it? if yourself is not participating.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I CAN'T REMEMBERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon