CHAPTER 2 :)

22 5 4
                                    


"Ayyy naku Magnius wala yang BOYFRIEND" sabi naman ni Maxie na pinakadiin niya pa ang salitang boyfriend.

"SINGLE Na SINGLE yan HAHAHA" sabi ni Yaretzi sabay tawanan nila.

"Talaga?" tanong ni Magnius sa kanila.

"Talagang talaga" sabi naman ni Zelestrie. Napalingon ako kay Magnius abot hanggang langit ang ngiti niya sa sagot nila sa tanong niya.

Hinayahan ko nalang sila na mag kuwento tungkol sa akin dahil wala naman akong pakielam dahil alam niyo naman. Tumayo na ko at sinabi ko sa kanila na...

"Hmm mga dzaiii cr muna ako hintayin niyo ko ahhh?" sabi ko sa kanila na ikinatigil naman nila sa pagkukuwentuhan.

"cge" sagot naman nila. Nang makapagumpisa na akong maglakad tinawag naman ako ni Zelestrie.

"Avy hintayin mo ko sama ako sayo" sabi niya akin. Hinintay ko naman sya. Habang naglalakad kami papuntang cr nagtanong naman siya.

"Avy may tanong ako sayo sana sagutin mo hahhh? Tanong niya.

"Sige ano yun?" sagot ko para makapagtanong na sya.

"Bat parang hindi mo pinapansin si Magnius ehhh kanina pa siya nagpapansin sayo?" tanong nya.

"Hmm ayoko lang siyang pansinin kasi baka masaktan lalo si Kayleigh dahil sa akin ehh" sagot ko sa kanya.

"Bakit naman masasaktan si Kayleigh?" tanong niya dahil hindi niya pala ata alam at napapansin na may gusto ata si Kayleigh kay Magnius.

"Kasi parang feeling ko may gusto siya kay Magnius ehhh naalala mo ba nung pinag-uusap natin si Magnius tapos nakita ko siya parang ang lalam ng iniisip niya pati kaninang nasa cafeteria tayo tapos nandun pa si Magnius tapos na sa akin lang yung attention niya." mahabang kuwento ko sa kanya na ikinabigla naman niya at napaisip sa sinabi ko.

"Ahhhh kaya pala ang tahimik niya ngayon ni Kayleigh nakakapanibago siya" sabi naman ni Zelestrie.

"Pero hindi niya pinapahalata sa atin na may gusto siya kay Magnius." dagdag ko pa. Buti naman hindi na siya nagtanong pa sa akin habang nasa cr kami.

Palabas na kami sa cr at nagtanong naman si Zelestrie sa akin.

"Avy gusto mo magresearch na tayo sa library about dun sa thesis natin para habang wala tayong ginagawa ngayong foundation day may nauumpisahan na tayo?" tanong niya.

"Sige para agad tayong matapos, mamayang after lunch na lang siguro" sagot ko sa kanya. Pagkabalik namin sa cafeteria wala na si Magnius.

"Asan si Magnius?" tanong si Zelestrie.

"May practice pa daw sila" sagot ni Thaddia. Sabagay next month na pala ang laban nila. Una kasi ang laban ng mga ball games. Tinignan ko naman ang orasan ko saktong 1pm na kaya inaya ko na sila.

"Mga dzaiii gusto niyong pumunta muna sa library may gagawin kasi kami ni Zelestrie ehhh?" tanong ko sa kanila.

"Ahhh cge" sagot naman ni Yaretzi. Paalis na kami na mapansin ni Thaddia si Maxie na may tinitignan.

"Maxie sinong tinitignan mo?" tanong ni Kayleigh. Buti naman good mode na si Kayleigh.

"Mga dzaiii yun yung transferee ohhh" sabay turong sabi ni Thaddia sa amin. Nakita ko yung transferee na papasok sa cafeteria at dumiretso sa counter.

"Oo nga nohhh" sagot ko na tinitigan ko naman yung transferee at ngumiti ng malawak.

"Avy gusto mo ata yung transferee ehhh?" tukso naman ni Yaretzi sa akin.

"Hindi ahhh" pagtanggi ko sa kanya.

"Tara na punta na tayo sa library" aya naman ni Zelestrie sa amin. Sumunod naman ako kay Zelestrie.

"Good afternoon po mam" bati namin kay mam Salazar.

Pagkatapos naming mag log in dumiretso naman si Zelestrie sa mga section ng mga book about sa thesis namin. Sina Maxie, Thaddia,Kayleigh at Yaretzi naman ay umupo na sila sa may bakanteng upuan. Ako naman naghahanap ng book about sa thesis namin ni Zelestrie.

Nang may nahanap na akong book kaso hindi ko maabot kaya tumingkad ako para maabot ko kaya lang muntik ng mahulog sakin buti nalang may nakasalo kung hindi sakto sa mukha ko.

Nagkakatitigan na pala kami at napatulala ako sa kagwapuhan niya hindi ko namamalayan, bumalik lang ako sa tamang huwisyo nung inabot niya sa akin ang libro na kinukuha ko kanina.

"Ahh Ahmm thank you ahmm I'm Avyanna by the way" sabi ko sa kanya. Linagpasan lang ba naman ako nang lalaking yun. Nung malapit na siya sa harapan ng mga kaibigan ko lumingon siya sa akin.

"You can call me baby" sabi niya habang nakangiti at kumindat pa siya sa akin.

"Baby?" ulit ko sa sinabi niya na may halong pagtataka. Tinalikuran na niya ako at pumunta na siya sa harapan ni Mam Salazar.

Napatulala naman ako sa sinabi niya parang hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Bumalik lang ako sa tamang huwisyo nung kinalabit ako ni Zelestrie na kinikilig sa nakita niya. Kaya pumunta na kami kung saan nakaupo sila Yaretzi. Pagkaupo ko sunod-sunod na tanong naman ang natanggap ko sa kanila.

"Anong yun dzaiii? Bat may ganon?" tanong ni Maxie.

"Bat may "you can call me baby"?" tanong naman ni Thaddia na ginaya pa ang pagkakasabi nung lalaki sabay tawanan nila.

"Anong feeling dzaiii mas gwapo ba pag malapitan?" tanong naman ni Kayleigh sa akin.

"Di daw gusto ana" sabi ni Yaretzi kaya tinukso naman nila ako.

"Di naman talaga ehhh" sagot ko sa kanya. Pinamulahan ako ng mukha kaya sinubsob ko ang mukha ko sa table para hindi nila makita.

"Sige itanggi mo pa halata naman ehhh" sabi naman ni Maxie.

"Ehhh bat ka nag bablush?" natatawang tanong ni Thaddia sa akin. Dahil sa pagbablush ko lalo lang nila akong pinagkaisahan.

Kaya nanahimik nalang ako at iniisip ko kung totoo ba yung narinig ko sa kanya na baby nalang daw ang itawag ko sa kanya. Hindi tuloy ako makapag focus sa binabasa ko buti naman tumigil na sila sa kakatukso sa akin. Nanunukso lang sila pag napapatingin ako sa kanila.

"Avy tapos ka na?" tanong ni Zelestrie sa akin.

"Hindi pa, hindi kasi ako makapagfocus ehhh" sagot ko.

"Iniisip mo siguro yung sinabi niya nohhh o baka naman gusto mo na siya kaya hindi ka makapagfocus?" tukso naman sa akin ni Yaretzi.






A/N:

Sorrry po ngayon lang ako nakapag update dahil maraming ginagawang activity and MPT's ehhh.

If you want to know the answer of Avy? So let's wait for the next chapter.

Hello TUKSS Irish Manalansan.

Thank you for supporting my story and I hope you like it :) :) :)

If you have a question feel free to comment down below and I hope you will vote.

Thank you very much so appreciated! :):):)

Until We Meet Again (Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon