CHAPTER 3 :)

29 4 7
                                    

"Hindi nohhh. Ehhh bat ko naman magugustohan yun. Tsaka alam niyo naman na study first muna ako ehhh" sagot ko kay Yaretzi tango-tango naman siya pero si Zelestrie ngumingiti siya.

Nakainis kasi yung lalaki na yun bat ba kasi sinabi niya na tawagin ko siyang baby kung pwede naman sabihin na lang ang pangalan niya, yan tuloy maghapon akong tinutukso ng mga kaibigan ko. Maghapon din akong nakasimangot dahil naiinis na talaga ako sa mga kaibigan ko hahahaha joke lang hindi naman talaga ako naiinis kanila dun sa lalaking yun pwede pa hehehe. Sa maghapon na yun natapos namin ni Zelestrie ang research namin sa thesis. So maaga kaming uuwi kaya nag-aya sila na pumunta muna kami sa mall.

"Mga dzaiii pumunta muna tayo sa mall habang maaga pa?" tanong ni Maxie.

"Tara, maghanap na din tayo ng susuotin natin sa SN excited na ko" sabi ni Kayleigh.

"OO nga pala this friday na pala yung SN natin nohhh" sabi ni Zelestrie.

"Ikaw Avy pupunta ka ba sa SN natin?" tanong ni Yaretzi sa akin.

"Hmm hindi ko alam di pa ako nakakapagpaalam ehhh" sagot ko.

"Tara na baka gabihin pa tayo" singit ni Maxie sa amin.

Habang nakasakay kami sa service ni Thaddia nagkuwentuhan sila kung anong magandang susuotin sa SN. Syempre nakikinig lang ako sa kanila kasi hindi naman ako marunong mag-ayos na babagay sa akin ehh. Pag may ganitong event lagi akong tinutulungan ni Yaretzi na pumili na susuotin ko na babagay sa akin at siya narin ang mag-aayos sa akin. Biglang nag ring ang phone ko nakalimutan ko pa lang isilent kaya narinig nilang lahat. Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung sino. Pagkatingin ko unknown number siya.

"Sino yan ?" curious na tanong ni Maxie.

"Di ko alam unknown number ehhh" sagot ko tska pinakita ko sa kanila. Nagkatinginan sila tska nagkindatan at ngumisi. Kasagot ko call linawd speaker ko.

"Hello who are you?" tanong ko.

"Hi baby how are you?" nabigla ako sa sagot ng nasa kabilang linya kaya napatay ko ang call. Nang tignan ko mga kaibigan ko kinikilig sila at tumatawa sa ginawa kong pagpatay sa call.
"Sino yun? HAHAHA" tanong Maxie tska tawanan nila.

Hanggang makarating kami sa mall. Dumiretso agad kami sa mga store ng mall. Naghanap na sila ng susuotin nila para sa SN. Naghanap na din ako damit na susuotin ko syempre tinutulungan ako ni Yaretzi na pumili ng damit.

"Dzaiii ito kayang suotin mo?" tanong niya. Offshoulder dress na hanggang itaas ng tuhod.

"or ito kaya?" tanong ulit niya. Highwaist ripped jeans and offshoulder top.

"Sige itry ko muna kung anong mas bagay sa akin tsaka hanap ka na din ng susuotin mo" pagkasabi ko non. Nagpunta na ako sa fitting room. Habang sinusuot ko yung damit na highwaist jeans and offshoulder top. Biglang may ng text tinignan ko kung sino si mommy pala.

"Darling where are you? Daddy and I have a OT in work" chat ni mommy.

"Ok mom. Nasa mall ako with my friends" reply ko.

Natapos ko nang sinuot yung damit then lumabas na ko sa fitting room sinalubong naman ako ni Yaretzi.

"Ano bagay ba sa akin yung damit?" tanong ko sa kanya. Nakikita ko siya na tinitignan niya ko mula ulo hanggang paa.

"Ok lang pero try mo muna yung dress baka mas bagay sayo yun" sabi niya. Kaya bumalik na ako sa fitting room at sinuot ko naman yung dress. May mirror yung fitting room kaya nakita ko ang sarili ko na mas bagay pala sa akin naka dress ehhh. Kaya lumabas na ulit ako nakita ko sila Kayleigh, Thaddia, Zelestrie at Maxie na naka upo sa may upuan ng store. Nang nakita nila ako agad silang tumayo at lumapit sa akin.

Until We Meet Again (Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon