Chapter 4 - Boyfriend

18 1 0
                                    

Boyfriend

Katatapos lang namin kumain nitong si Destiny, nagutom ata kakapicture. Nakakagutom ba na magpose? Pero bakit ganito lamg kinakain niya.

"Tinitingin tingin mo diyan?" Nang mahuli niya akong nakatingin sakaniya.

"Bakit masama? Matutunaw ka ba?" Uminom ako ng inumin na binili ko.

"Hindi, masyado mo kasing pinapafeel sakin na ang ganda ganda ko" muntik na akong masamid sa sinasabi niya.

"Alam mo ubusin mo nalang 'yang damo na kinakain mo para hindi ka salita ng salita."

"Excuse me! Vegetable salad ito, hindi damo. Anong akala mo sakin katulad mong kabayo?"

"Namumuro ka na sakin ha, malapit ka ng bumingo"

"Oh ang saya naman pala, anong premyo pag bumingo ako?"

"Kiss ang premyo, okay na ba sayo 'yun? Hindi ka na din lugi"

"Kiss your face! Omygad hinding hindi ako magpapahalik sayo no, over my dead body" wow napakachoosy naman nito.

"Hindi ka naman masyadong kagandahan tapos kung makaganyan ka e parang ikaw na ang pinakamagandang babae sa mundo?"

"Oo ako pa nga ang pinakamagandang babae pati sa paningin mo kaya nga nahuli kitang nakatitig sa akin" she teased me.

Maganda naman kasi talaga siya kaso nahanginan din ata 'yung utak nito katulad ko.

"Alam mo ubusin mo na 'yang damo ng makaba---" natigil ako sa pagsasalita ng isubo niya sa akin ang tinidor niya na mayroong laman na damo na kinakain niya.

"Ayan tikman mo ang damo, hindi pwedeng ako lang ang nagmumukhang kabayo dito" she laughed at what she did.

Nakakatawa yun?

Dahan dahan ko itong nginuya at nilunok kahit na labag sa aking loob, hindi pa naman ako kumakain ng gulay pero alangan namang iluwa ko 'yun dito mismo sa lamesa namin, nakakahiya 'yun.

"Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan kinakain niyong mga babae, e ni hindi nga masarap!" Pagrereklamo ko at uminom ng inumin ko upang mawala na ang lasa nito sa bibig ko.

"Alam mo kapag namatay ka ng maaga hindi na 'ko magugulat, syempre hindi ka nga kumakain ng gulay e" naiilang siya sa akin na parang disappointed dahil hindi ako kumakain nito.

"Alam mo wala 'yan sa gulay gulay, kung masamang damo ka matagal kang mamamatay kaya ibig sabihin lang kapag maaga ako namatay mabait akong tao kaya nauna na akong kunin ng liwanag" totoo naman ha, di ba ang masasamang damo matatagal namamatay kaya pakiramdam ko masamang damo 'tong nasa harap ko.

"Ayos lang 'yan, hindi ka man masamang damo, mukha ka namang damo" Minsan gusto ko nalang talaga patulan ang mga babae pero buti nalang at nakakapagtimpi pa ako.

Mabuti naman at natapis na siya sa pagkain dahil mas inuna niya pa ang daldal kaysa sa pagkain. Naglalakad na kami para bumalik sa hotel room namin, iisang hotel lang ang tinutuluyan namin.

"Grabe nakakapagod pala talagang magpopose, ngayon lang talaga ako nakapagpicture ng ganito kadami" nagsscroll siya ngayon sa mga picture na kinuha ko sakaniya, buti nga at hindi siya nafull storage dahil sa dami nito. Pero naubos ang film ng polaroid camera niya kaya cellphone ko nalang ang ginamit niya.

"Mas nakakapagod naman 'yung magpicture ng magpicture" bahagya akong tinignan nito kaya naman nagkibit balikat lang ako na parang walang sinabi, baka magsungit na naman.

"Infairness magaling ka naman magpicture, okay add to cart agad" wow ano 'to shopee? Lazada?

"Add to cart lang? Hindi ba pwedeng add to life?" Malay niyo naman di ba.

Picture of Destiny(Comida Rápida Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon