ALL I NEED (behind the story)

10 0 0
                                    

OSLO Hospital

June 10, 2008

9:30 am, Norway time

Pagpasok ko palang sa silid na okupado ni Erin ay naririnig ko na ang kanta ni Ogie Alcasid. Isang buwan ko nang paulit-ulit na naririnig iyon tapos ay susundan naman ng mga kanta ng Air Supply at ni Jack Wagner.

Tipong senti ngayon ang best ko. Hindi ko rin alam kung ano nakain niya at laging nakangiti sa akin at nakatitig na dati hindi naman niya ginagawa.

"Best!" nakatawa kong bati habang papalapit sa kaniya.

"Ikaw pala. " Iyon lang, ni hindi man lang ako tingnan. Busy'ng- busy sa ginagawang pagpindot sa laptop.

"Sinong kausap mo?" tanong ko sabay silip sa ginagawa niya.

"Wala! Naglalaro lang ako." Nakangiti niyang sagot. Nag shutdown agad ng laptop.

Tinaasan ko siya ng kilay. Ang best ko ang tipo ng taong madaling mahuli kapag may ginagawang kalokohan. Mailap ang mga mata nito at napapakagat labi at iyon ang nakikita ko ngayon sa kaniya.

"Anong nilalaro mo?" tanong ko naman na may tonong hindi ako interisado.

Nagkibit siya ng balikat at nahihiyang ngumiti. "Nga pala, Best, nakausap ko si Kuya Foo kanina."

"O? Inistorbo mo na naman si Kuya Foo. Alam mong may trabaho 'yon."

"Kinamusta ko lang." Depensa naman na sagot niya.

Naupo naman ako sa sofa na malapit sa may pintuan. Pinakatitigan ko siya habang may kunot ang noo. "May sasabihin ka ba sa akin?" Hindi na ko nakatiis na itanong sa kaniya iyon.

"Ano kasi..."

"Ano kasi?"

"Best ano sa tingin mo ang magandang title...All I Need or Nandito Ako?" muli na naman niyang binuksan ang laptop.

"Para saan?"

"May title na ko para sa part 2, part 3 and part 4. Pero hindi ko alam kung ano gagamitin ko para sa part 1."

"Ano ba yan?" napatayo ako sa sofá at lumapit sa kaniya.

"Stories...nagsusulat ako, best."

"Ano!?" gulat kong tanong. Hindi ko alam na may time pa ang best ko na magsulat. "Kung anu-ano yang ginagawa mo imbes na magpahinga ka."

"Nasabi ko na rin ito kay Kuya Foo at hinihintay niya ako matapos para i-submit ko sa kaniya."

"Ano?!" lalo akong nagulat. Si kuya foo ang isa sa mga naging kaibigan namin ni Erin sa net.

"Eh best, sabi ko sa kaniya kayo nalang ni Kuya Will ang wala pang story sa magnificent kaya eto sinusulat ko na ang lovestory niyo."

"Ano?!"

"Wala ka na bang ibang sasabihin kung 'di ano? " natatawa niyang sagot. "Ano kaya sasabihin nila kapag nabasa nila ang story?"

Napaikot ang mga mata ko pairap sa kanya. "Sasabihin nila na ang baduy at ang pangit ni Kuya Will."

Napalakas ang tawa niya. "Hindi ah..kailan naman naging pangit si kuya will, aber?"

"Bulag lang kayo at isa pa bakit kami ang ginawa mong 'item' diyan sa story mo? Kainis ka naman best eh. Malalaman ng buong mundo ang mga kalokohan ko."

Napangisngis siya at tinapik tapik ang balikat ko. " Huwag kang mag-alala, best. Ang pagiging iyakin mo lang naman ang sinulat ko dito. "

Napa-hmp ako sa kanya. Hindi na rin ako nagsalita. Mahabang katahimikan ang namayani sa amin dalawa. Siya ay patuloy sa pagpindot sa laptop at walang sabi-sabing napangiti.

Napapailing na lamang ako sa kaniya. Habang patuloy si jack wagner sa pagkanta ng All I Need ay sinasabayan ko naman ito sa isip.

"Ang ganda ng lyrics 'di ba?"

Tango lang ang isinagot ko.

"Kaya nga iyan at yung kay Ogie Alcasid ang sana gusto kong maging title ng part 1. Ang hirap mamili. " Napakagat pa ang best ko sa labi. Marahil ay talagang nahihirapan ito sa papili.

"Ano ba kasi ang istorya niyan? At bakit isa-submit mo pa kay Kuya Foo?" umasim na naman ang mukha ko. Paano na lang kung malaman ng lahat na gaga ako sa pag-ibig?

"Ang part 1 ay tungkol sa inyo ni Kuya Will.."

"Wala naman tungkol sa amin.." singit ko bigla.

" 'Wag ka ngang sabatera!" aniyang nakasimangot na bago humalukipkip. Natahimik na lamang ako. Ayoko makita kung paano magtampo si Erin. Nakakakaba.. "So, ang part 1 ay tungkol sa inyo ni Kuya Will...Magkakahiwalay kayo dahil kailangan niyang pumunta ng japan para asikasuhin ang nalulugi na nilang bar. "

Hindi ko naiwasan mag-angat ng kilay. Kailan pa naging dramatista ang best ko?

"Ang part 2 ay tungkol naman sa inyo nina Jonas at Maryrose."

"Best!" protesta ko sa kaniya.

"bakit?"

"Anong bakit? Maraming magre-react sa gagawin mo na 'yan."

"Bakit? Hindi ko naman sinulat dito ang true score ninyo ni Jonas at Maryrose ah."

Napabuntong hininga ako. Parang ayaw ko na marinig ang mga susunod.

"Ang part 3 ay tungkol naman sa inyo ni Stian."

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Alam niya kung gaano ko kamahal si Stian at alam din niyang mabanggit lang ang pangalan ni Stian ay iiyak na naman ako.

"Bakit pati si Stian isinali mo pa?"

"He was a part of your life, best. Hindi siya pwedeng mawala sa story. At siya ang magiging biggest trial sa inyo ni Kuya Will sa part 4 although marami mangyayari sa part na 'yon pero siyempre sa huli, kayo pa rin ni Kuya Will. Nakakakilig 'no?"

Nag-angat ako ng kilay. "Anong nakakakilig d'un?"

Napa-hmp siya sa akin bago... "Hindi ko na pwedeng i-atras ito best. Nagsabi na ko kay Kuya foo na isa-submit ko ito sa kaniya."

Napakamot ako sa ulo at sinilip ang ginagawa niya. "Anong chapter ka na ba?"

"Malapit na kong matapos. 3 chapters na lang at isa-submit ko na kay kuya foo."

"Anong title ng Part 2?"

"Dito sa puso ko...Ang part 3, just say you'll love me..ang part 4 ay another day."

"So part 1 ka lang pala nahihirapan."

"Nandito ako o All I need sana, pero pareho kasing may meaning sa inyo ni Kuya Will yan kaya 'di ako makapag-decide."

"Pabasa ako ng mga teaser."

"Iyan ang problema ko, wala pa kong teaser sa 4 story."

"Patay tayo diyan!"

*************************

Hindi ko na matandaan ang mga sumunod na convo namin ni Erin about her story. Kaya ko naisipan na ipublish ito sa wattpad ay para na rin mabasa ng ilan at ng mga kaibigan namin ni Erin.

Ang story na ito ay raw at walang edit. Kung gusto niyo mabasa ang edited version nito ay magpunta lamang kayo sa www.tagalogonlinepocketbook.com

Sana magustuhan niyo ang story. Salamat!- MELFIROSE

ALL I NEED (behind the story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon