Chapter 3

812 32 16
                                    

He's close to my mother

 Talks business with my father

 He's charming and endearing

 And I'm comfortable

 

---

 

“Ola!” Analain, DJ’s auntie greeted everyone in a very happy manner. Next to her is Addy, now, 9 years old. May dala itong pagkain.

“Oh, dagdag sa dinner natin, dahil..honor nanaman si Addy natin sa school!” everyone in the table started praising Addy. Kinuha ni DJ ang pitaka sa cargo shorts niya at nag-abot ng paper bill sa nakababatang pinsan.

“Kuya naman eh!” reklamo nito sa P200 na inabot sa kanya ng pinsan.

Tumawa ito ng malakas. “Saka na! pag-girlfriend na inuwi mo dito. De loko lang!” dinagdagan niya ito ng tatlong kulay-ube na papel.

“Nako talaga, si kuya DJ, bigtime na, kuripot padin!” kantyaw sa kanya ng kanyang Mama Karla.

“Saka na nga lang ulit! Kayo naman eh!” nagtawanan lahat ng nasa hapag-kainan.

“Nak…” katok ng kanyang mama sa kanyang kwarto. Naghahanda na siya dahil may lipad pa siya ng alas-onse ng gabi.

“Oh, ma? Bakit? May problema ba?” tanong nito habang sinusuklay ang kanyang buhok.

“Naku, ang laki mo na anak. Proud ako sa’yo, talaga.” Parang naiiyak pa na sabi ng kanyang mama. Niyakap naman niya ito at ipinatong ang kanyang baba sa ulo ng kanyang mama.

“Para namang bata, Karla eh!” pinapagaan niya ang loob ng kanyang mama. Parang alam niya na ang dahilan kung bakit biglang ganito ang approach ng kanyang Mama.

“Ikaw Danilo! Paka-bastos mo!” tumawa silang dalawa.

“Kinwento sa akin ni Magui….three days ago daw…” hindi niya pinatapos ang kanyang mama.

“Three days ago, nakita namin si Kathryn. Daldal talaga non ni Magui.”  Mabilis nitong sabi, tila ba iniiwasan niya ang ganong topic.

“Danilo…alam naman naming nalulungkot ka parin..” Hindi ako nalulungkot, ma. Namamatay ako sa loob-loob ko.  Gusto niyang sabihin ‘yon. Ngumiti siya ng mapait.

“Ako naman may kasalanan ma, eh. Hinayaan ko siya, naging mahina ako,eh.” Sabi niya habang inaayos ang suitcase na gagamitin.

“Nandito lang kami..wag mo kikimkimin….” Malambing ang boses ng kanyang mama. Para bang dinadamayan siya nito.

“Sige ma.. alis na ako, ingat kayo ah, Palawan lang naman ako ngayon eh.” Lumabas na sila ng kanyang mama. Hinatid niya ito sa garahe.

The Way I Loved You (KathNiel Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon