Ariela's POV
"Ariela, sa'n punta mo?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Snow na bagong gising lang.
"Dyan lang. Maglalakad lakad." Kumunot ang noo ni Snow at napatingin sa orasan sa tabi ng kama niya.
"Maaga pa ah? Anong oras na rin tayo nakatulog kagabi." Nginitian ko lang siya.
"Matulog ka na ulit, Snow. Babalik rin naman ako agad." Wala nang ibang nagawa kundi tumango na lang sakin at matulog ulit.
Ilang buwan na rin akong nakabalik dito sa academy. Marami nang nagbago but somethings have stayed the same.
Mas tumatag ang kalooban ko. Hindi na ako katulad dati na may maramdaman lang na kaunting panganib ay magpapanic na. At hindi tulad noong kasama ko pa ang mga tao, dito natutunan kong magpahalaga ng mga kaibigan.
Lalong tumatag ang pagkakaibigan namin nila Snow, Layla, Lily, Collin, Leon at ni Jett.
At sa mga lumipas na buwan, mas lalong lumalim ang nararamdaman ko para kay Jett.
--
Pagbalik ko ng kwarto namin ni Snow nakita kong nakabihis na siya.
"May lakad ka? Sabado ngayon ah?" Napatingin siya sakin at tumango, "May pupuntahan kami ni Collin. Para sa isang project."
Nginitian ko siya na mapang-asar, nailing lang siya sakin, "Tigilan mo ko, Ariela. Di porket ilang buwan na kayo ni Jett ay mangtutukso ka nang ganyan."
Tuluyan na akong natawa sakanya, "Wala akong sinabi. Defensive ka lang talaga."
Inirapan lang ako ni Snow at nagpaalam nang umalis.
--
Nakahiga lang ako sa kama at nagbabasa nung may kumatok ng pintuan. Pagbukas ko nito wala akong ibang nakita kundi isang sulat sa paanan ko.
'Meet me at the back of the school.'
Kahit nagtataka ay nagbihis na ako at pumunta na sa likod ng academy. Pagdating ko doon ay may nakita akong maliit na basket. May nakalagay na note doon na nagsasabi na buksan ko ito.
Sa loob ng basket ay may isa pang note.
'Sorry about that. Go to the place where we first trained together.'
Without meaning to, napangiti na lang ako nagmadali pumunta doon sa training room kung saan ako natutong kontrolin ang charm ko.
Pagdating ko doon ay nakapatay lahay ng ilaw. Pero pagbukas ko ng ilaw ay di ko napigilang mapasinghap.
BINABASA MO ANG
Charm Academy: School of Magic (FanFic)
FanfictionWhat happened after Ariela came back?