Snow's POV
Pagbalik ko ng dorm ay nakita ko si Ariela na nakaupo sa kama niya habang nagbabasa ng mga papel.
"Edi punit na labi mo."
Gulat na napatingin si Ariela sa akin at namula. Natawa ako sa inasal niya at nailing na lang.
"Halatang in love ka, babae."
"Parang ikaw hindi ah?"
"Pinagsasabi mo?"
"You think I don't notice? You like Collin, mali ba ako?" Hindi ako agad nakapagsalita kaya agad na tinuloy niya yung sasabihin niya.
"Snow, alam ko ring alam mong may gusto si Collin sayo. He may not say it all the time, pero lagi niya pinapakita sayo. Kung meron akong gusto para sayo, si Collin na yun."
Nakatingin lang ako sa sahig habang nagsasalita siya. Oo, inamin na sakin ni Collin na gusto niya ako. But that's it. Gusto niya lang ako.
"Ariela, oo nga. Gusto niya nga rin ako. Pero yun na yun eh. Gusto niya lang ako. Pero ako, ako mahal ko siya. Kahit na loko loko siya, kahit na makulit siya. Mahal ko siya.
"Eh siya? Ariela, iba ang gusto sa mahal. Ang gusto, pwedeng mawala yan kapag may isang bagay ka na ayaw sa particular person. Pero kapag mahal, kahit anong mali pa ang gawin niya, mahal mo padin siya."
Lumambot ang expression ni Ariela at niyakap ako, "You are a wonderful person, Snow. Maganda, mabait, matalino, malakas, pero at the same time ang sarap mong kasama. It doesn't matter kung gusto ka 'lang' niya. Hindi ka mahirap mahalin. Maraming may gusto sayo. Maraming nagmamahal sayo na hindi mo akalaing mahal ka pala. Tanga na lang si Collin kung ipauubaya ka lang niya sa kung sino."
After namin magusap ay naghanda na kami for dinner.
--
Nagke-kwentuhan lang kami habang kumakain. Nasa tabi ko si Ariella while Collin's at my other side.
"What did you mean earlier?" Napatingin ako kay Collin dahil sa bulong niya.
"Alin dun?"
"That I'm so oblivious." Tumango na lang ako sakanya dahil hindi ko alam kung ano sasabihin ko.
"Please tell me."
"Not now, Collin."
"Then kelan? Please, Snow, I need to know."
"Ayos ah. Nagkwekwentuhan kami rito, nagbubulungan kayo jan. Galing, grabe." Napatingin kami ni kay Lily na katabi si Layla at Leon.
"Ewan ko sayo, Lily."
"Ewan ko rin sayo, Snow." Nagbelatan kami samantalang yung mga kasama naman namin ay natawa lang.
Matapos kumain ay nauna nang umalis si Leon, may gagawin pa daw kasi siya. Sumunod naman yung kambal.
"Snow, mauna na kami ah? Wag ka masyadong magpagabi." Tumango ako kay Ariela at umalis na sila ni Jett.
"Now can you tell me what you meant?" Napatingin ako sakanya at bumuntong hininga.
"Lakad lakad tayo?" Hindi ko na hinintay pang sumagot siya at hinawakan ko na lang ang kamay niya.
Malamig ang hangin ngayon kaya di ko maiwasang di ginawin.
"Di kasi nagdala ng jacket eh." Naramdaman ko na lang na tinanggal niya ang kamay ko sa kamay niya at inakbayan ako na parang naka-akap siya sakin.
Naglakad lakad pa kami sandali bago umupo sa isa sa mga nagkalat na bench dito.
"Please don't tell me na ngayon ka pa maiilang sakin?" Umiling ako sakanya at hindi nagsalita.
Narinig kong bumuntong hininga siya, "please. I want to know what you meant."
"How can you not see what you do to people?" Nagatatakang tumingin sakin si Collin.
"How can you not see that people are practically swooning over you?" Tinitigan niya lang ako. Umiling ako't tumayo. Balak ko na sanang maglakad nang hawakan niya ang kamay ko.
"What are you trying to say?
"You told me you like me, yet you said I don't have to tell you anything."
"Because its true. Hindi mo kailangan ibalik ang nararamdan ko. Just because I like you doesn't mean you should like me back."
"And that's what I mean about you being oblivious. Collin, hindi ko alam kung ang galing ko lang itago o sadyang manhid ka lang!" Nakatayo na kami pareho ngayon
"Why are you so angry at me?"
"I'm not!"
"Yes you are! Kilala kita, Snow. Please, tell me why are you angry at me?"
"Collin, hindi ako galit sayo!"
"Edi ano? Inis ka? Bwisit?! Tell me!" Nagtataasan na kami ng boses at naaattract na namin yung ibang students na naglalakad.
Di ko na napigilan ang luha ko, "Nasasaktan ako, Collin! Nahihirapan ako!"
Napansin kong nagulat si Collin sa sinabi ko, "b-bakit?"
"Nahihirapan ako knowing that you're so oblivious to my feelings. Nasasaktan ako kasi nai-insecure ako! Gusto mo ako? Halos tumalon na ang puso ko palabas ng dibdib ko nung nalaman ko yun! Pero unti unti itong nawasak dahil gusto mo lang ako!"
"I don't understand."
"Hindi mo talaga maiintindihan dahil manhid ka!"
Sinubukan kong makawala sa hawak niya sakin pero ang higpit na ng hawak niya. Tinitigan niya ako sa mata saka hinila para yakapin.
"I'm sorry I lied. I'm sorry kung tinago ko yung totoo kong nararamdan ko. I'm sorry, I love you Snow. Mahal na mahal kita. I am so sorry for causing you to feel this pai-"
"I love you, Collin."
BINABASA MO ANG
Charm Academy: School of Magic (FanFic)
FanfictionWhat happened after Ariela came back?