Chapter 15

56 2 0
                                    

Kei's POV

"Hi guys!" masayang bati ni Amanda sa amin.

"A-Hi?" alanganing bati ni Hoseok na alanganin rin na kakawayan niya si Amanda.

Sa gulat ni Jimin ay isasarado niya sana ang pintuan pero may pumigil.

"Bastos ka ba o talagang bastos ka talaga? Tabi, papasok ako." utos ni Yumi na biglang dumating.

Binuksan naman uli ni Jimin ang pinto para papasukin si Yumi samantalang si Amanda ay nasa labas pa rin.

"Di niyo man lang ba ako papapasukin?" sambit ni Amanda.

"Sino ka ba para papasukin namin?" mataray na tanong ni Yumi kay Amanda.

Tiningnan ng masama ni Amanda si Yumi. Tinatarayan lang ni Yumi si Amanda habang nakatayo siya sa tabi ko.

"Bawal homo erectus dito kaya umalis ka na, utang na loob." sambit ni Yumi.

"Umalis ka na Amanda, please." pabulong na sinabi ni Jimin kay Amanda.

"Ganyan pala kayo tumanggap ng bisita?! How rude!" inis na sabi ni Amanda.

"Hindi ka nga namin tinanggap eh! Kaya please lang, habang mabait pa ako umalis ka na." sambit ni Yumi.

"Huh! Ito ba Jungkook ang pinagmamalaki mong girlfriend? Iting girlfriend mong bastos? Nakakahiya ka kung ipapakilala mo 'to sa parents mo!" pangiinis ni Amanda.

"Ako bastos?!" inis na sabi ni Yumi at akmang susugurin niya si Amanda pero hinawakan siya ni Jungkook sa braso at pinigilan.

"Bae tama na..." bulong ni Jungkook kay Yumi.

"Anong tama na, nakakasakit yung mga sinabi ng babaeng 'yan, akala mo di kabastos-bastos ang ugali!" sigaw ni Yumi at halatang naiinis na siya, kaya inaawat pa rin siya ni Jungkook.

Tumayo na lang ako at lumapit sa pinto, napatingin sa akin si Amanda, tinitigan ko lang siya.

"Umalis ka na Amanda." mahinahon kong pakiusap sa kanya.

"Isa ka pa! Ikaw, ikaw ang dahil kung bakit iniwan ako ng lalaking pinaka-mamahal ko, dahil yun sayo Keila!" sigaw sa akin ni Amanda.

Aba putang----

Ano bang pinagsasasabi nitong babaeng 'to? Nasisiraan na ba siya ng bait?

Nakita kong lumipag ang tingin niya sa bandang likuran ko, baka si Yumi ang tinitingnan niya ng masama, kaya napalingon naman ako. Pero wala na doon si Yumi, kundi pinaupo na siya sa malayo sa akin at hindi sa direksyon kung saan nakatingin si Amanda. Tanging si Taehyung lang ang nakikita ko sa direksyon na tinitingnan ni Amanda.

Tiningnan ko ulit siya at saka ako nagsalita.

"Hindi ko alam yang sinasabi mo Amanda."

Natawa naman siya. MAY NAKAKATAWA BA SA SINABI KO? SABIHIN NIYO NGA SA AKIN?!

"Nakakatawa ka rin no." sambit niya

"Alam ko, tumawa ka nga diba."

"Kawawa ka pala kung ganon, hindi mo pala alam na isa sa mga naging malapit sayo ang nanakit at nagpaiyak sa akin." sambit niya sa mahinanh tinig

"Amanda, sukang-suka na ko sa nakikita ko. Umalis ka na." sambit ni Yoongi at saka tumayo.

"Pwede ba Yoongi, tigilan mo ako. At saka Keila, kung ako nagawa niyang saktan at paiyakin, ikaw pa kaya?" sambit ni Amanda sa akin ng mahina saka umalis.

The Never Ending Story [Slow Updates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon