Chapter 7~~"Classmates pinapasabi ni Sir Jo na isipin na natin kung sino daw yung gusto natin na maging officers. May emergency meeting lang daw ang Math Department. He'll be here in 20 minutes daw."
Tignan mo yan. Kung alam ko lang edi sana hindi ako nageffort na pumasok ng maaga. Kainis kaya. At dahil 20 minutes pa naman bago siya makarating dito itutulog ko muna to. I don't care kung sino sino ang mga magiging officers namin.
"Amy! Amy! Amy! Gising ka na!" Sino ba tong tawag ng tawag sakin. Can't she see that I'm sleeping.
"Hoy Amy! Gising ka na! Mahiya ka naman!" This time may kasamang alog pa but still I didn't bother to face them.
"Let her sleep. At dahil natulog siya, she will be IV- Humility's class president. That would be here punishment. Is that okay with you class?" A manly voice said.
"Of course sir!"
Waaaait. Sino daw class president at anong punishment ang tinutukoy ng lalaking to.
"Mukhang okay din naman sakanya dahil wala siyang violent reactions. So it's settled Ms. Amy Cruz will be our class president"
"Anooo?! Bakit ako naging president. Natutulog lang naman ako tapos biglang ako na class president. Unfair naman ata yun sir!"
"Precisely! You were sleeping during class hours and you know that is not allowed in my class. So as a sanction, you will be the class president for this school year and your classmates agreed to it."
Tinignan ko sila Grace, Gab and Jam and all I can see is that wala-kaming-magawa-sorry look. Kung sila nga walang magawa ako pa kaya na kagigising lang. Sino ba naman kasi nagsabi na matulog ako. Stupid Amy!
"Let's now proceed to the election of the remaining officers. Ms. President, please facilitate." Sir Jo said. Teka may napapansin ako. Parang bad mood siya. Hindi siya yung pacool na teacher na kinaiinisan ko parang he's too serious. Pero the hell i carr about him. He will always be the teacher na kaiinisan ko.
So the election was done and guess what? Ako lang ang officer sa barkada. Simula vice president down to the auditor pero yung maarteng classmates ko ang na elect. But I dont care. Ako ang president. Napaisip tuloy ako na parang di naman sanction ang pagiging president i think it's a privilege.
"So I expect that the officers would be working hard to maintain the discipline of this class and i expect also that you will be their role models in every aspect. With that I would like to have a word with you Amy. Please see me later during breaktime. I'll be staying in the library."
Napa oo nalanga ko kay Sir Jo. May mali talaga sakanya. Sobrang serious kasi talaga niya. I wonder kung anong problema niya and kung ano naman ang paguusapan namin mamaya. Sana lang ay maging ayos ang paguusap namin.
Grace's POV
Nakaalis na si sir at mukhang okay naman kay Amy na siya ang naging class president. Sa bagay may merits nga naman ang pagiging officer lalo na kung ikaw ang president. Buti nalang at wala siyang masyadong reklamo tungkol dito kasi for sure kami na naman ang pagbubuntungan niya ng galit. Buti nalang talaga. Kaya lang kanina pa ako naiirita sa vibrate ng vibrate na phone ko. I'm sure si Kuya na naman yung nagtext. Pano ba naman di na ako sumagot simula nung sinabi kong mamaya na kami magusap. Masyado siyang excited hindi siya makapaghintay. Hahahaha.
From: Kuya Mic
Grace! Susunduin na kita mamaya sa school. I'll be waiting sa parking lot kaya lumabas ka agad. Don't roam around anymore.
To: Kuya Mic
Okay!
See hindi talaga siya makapaghintay tungkol doon sa pinapatanong niya at dahil doon may naiisip akong brilliant idea para hindi agad malaman ni kuya ang sagot."Amy! Sabay ka na sakin mamaya pauwi. Susunduin naman tayo ni Kuya Mico. Pleasee"
"Eh nakakahiya naman sainyo. Sinabay niyo na nga ako kaninang papunta dito e"
"Magkaiba ang sinabay sa nakisabay Amy. Kami naman yung nagyaya kaya wag ka ng mahiya please. And same lang naman yung daan pauwi sa bahay niyo at bahay namin kaya please, sabay ka na."
"Sige na nga. Pasalamat ka nagtitipid din ako ngayon. Hahaha. Mamaya pala mauna na kayong magbreaktime ah. Pupuntahan ko na si Sir Jo sa library. Bili niyo nalang ako ng food ah."
"Okay! Goodluck sa inyong dalawa ni Sir Jo at sana lang walang WW III na mangyari. Basta sabay tayo pauwi ah. Excited na ako."
I'm pretty sure masusurprise si Kuya Mico at niyaya kong sumabay sa amin si Amy. Of course di niya ako makukulit tungkol dun sa pinatanong niya. Hahahaha. Ang brilliant ko talaga.
AN: Updated! COMVOs are very much appreciated. Thank You!

BINABASA MO ANG
Falling in love with my TEACHER...
Storie breviSabi nila ang teacher daw ay ang pangalawang magulang ng mga estudyante pero iba ang naranasan ni Amy. Unang beses palang ng pagkikita ay pagkairita ang naramdaman niya sakanyang guro pero as time flies napalitan ito ng pagmamahal.