prologue

0 0 0
                                    


Madilim at malakas ang ihip ng hangin habang binabagtas niya ang gubat. Hindi iniinda ang lamig at mga tunog ng hayop, malakas ang kulog at kidlat na anumang oras ay babagsak na ang malakas na ulan.

Mag-isa sa gitna ng kagubatan at walang takot na tinatahak ang daan patungo sa luma at inabandong mansion.

Napanhinto ng makita ang isang lobo na paparating sa kaniyang direksyon, handa na siyang sakmalin ngunit nakailag at malakas na sinakal ito at binalibag ng walang pagaalinlangan. Patay.

Napangisi siya ng makita ang walang buhay na lobo, at pinagpatuloy ang paglalakad hindi alintana ang biglang pagbuhos ng malakas na ulan na sinamahan pa ng malakas na kulog at kidlat.

Nang makarating ay huminto muna siya sa labas habang pinagmamasdan ang lumang mansion. Kung ang ibang makakakita dito ay matatakot dahil sa sobrang kalumaan, ngunit siya ay hindi, dahil walang sinuman ang makakapagpasindak sa kaniya. KAHIT SINO.

Napangisi ng makita ang anino sa bintana na nakasilip sa kaniya. Pula ang mga mata at matalim ang tingin sa kaniya, na animo'y anumang oras ay susugurin siya at pipilipitin ang leeg hanggang sa malagutan ng hininga.

Walang takot na inakyat niya ang gate ng mansion at dire diretso ang lakad patungo sa pinto walang pagaalinlangan na sinipa ito dahilan para masira at bumukas.

"Napaka ganda naman ng iyong pagsalubong sa akin" anang ng lalaki sa taas ng hagdan.

"Ano ba ang pinunta ng magandang binibini dito sa aking palasyo." Dagdag pa nito.

"I don't give a shit." Walang emosyong aniya.

Humalakhak ito na parang isang dimonyo at hininto din agad at binigyan siya ng isang nakamamatay na tingin.

"Ano ba ang pinunta mo dito at galit na galit ka." Anito.

"Where's my family asshole!" Sigaw niya habang naka yukom ang mga kamao.

Ngumisi ito napailing ng ilang beses bago ito humalakhak.

"Hmm."  Anito habang hinahimas ang baba na para bang nagiisip pa.

Nakatingin malamang siya dito habang walang emosyon ang mukha. Kahit nanggigigil at gusto na itong patayin ngunit pinigilan niya ang kaniyang sarili, hindi pa nito oras.

"I'll give you a hint darling.." sabi nito.

"...A. pinatay ko.
B. Nilibing ko ng buhay or C. Nasa dark room."  Anito habang nakatingin sa kaniya.

Napapikit siya ng mariin at pigil ang sariling sugurin ito sa matinding galit at pagkamuhi.

"Napakahayop mo kung ganon." Aniya habang walang pinapakitang anumang emosyon, dahil pag nakita nito ang pinakatatago niyang emosyon ay lalo siya nitong pahihirapan sabihin kung nasan ang kaniyang ina at mga kapatid na ilang linggo ng nawawala. Alam niyang itong hayop na lalaki lang ang ay kayang gawin iyon. Alam na alam niya dahil halang ang bituka nito at kampong ni satanas.

Nginisian lang siya nito at naglakad pababa ng hagdan. Nang nasa ikatlong baitang na ay huminto ito. Nakita na niya mukha nito sa malapitan sa wakas. Ang mukha ng lalaking sinusumpa niya sa mahabang taon.

"Napaka wala mo'ng kwenta. Hindi ka'na dapat nabuhay sa mundong ito. At sisiguraduhin ko na sa oras na malaman ko kung nasan sila at nakita ko na pinahirapan mo sila ay babalikan kita at papatayin kita hanggang sa makuntento ako." Sabi niya habang nilalabanan ang sarili na takbuhin ito at patayin.

"Pero sa ngayon, magsaya ka muna dahil hindi mo pa oras..."

"....father." isang nakakalokong ngisi ang binigay niya dito bago tumalikod at umalis sa mansiong iyon.

DARK ROOMWhere stories live. Discover now