Chapter 1
Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni lesly sa isang lalaking tauhan niya.
Nasa isang malaking training room sila na mismong pagmamamay-ari niya.
Napangiwi siya ng masuntok siya sa kaniyang panga, dahilan para lalo siyang mainis at biglaan ang pagsapak sa dibdib nito dahilan para bumagal ang paghinga nito, mahina lamang iyon kaya hindi iyon dahilan para mamatay ito.
Nang bumagsak ito sa sahig ay saka lamang siya huminto at hinihingal na kinuha ang tubig at towel para magpunas.
"Boss may tawag kayo." Ani ng isang tauhan niya na nakayuko.
Walang sinuman ang nagtatangkang tignan siya sa mata, liban lang sa kaniyang ina at mga kapatid.
"Who's that." Aniya habang walang emosyon ang mukha.
Hanggang sa hindi niya nakikita ang kaniyang ina ay hinding hindi siya magpapakita ng kahit anumang emosyon.
"Mr. fuji boss." Anito at kinuha ang cellphone.
Bahagyang yumukod muna ito bago tuluyang umalis sa harap niya.
"Hello to you Mr. Fuji. What can i do for you?" Walang emosyong aniya.
Tumalikod siya at nagtungo sa kaniyang opisina mula sa loob ng training room.
"I have something to offer you." Nababakas sa boses nito ang galak.
"What is it?" Aniya at naupo sa kaniyang swivel chair at inikot paharap sa nagtataasang building.
"Meet me at the f**** bar. VIP room for you." Ani ng kausap sa cellphone.
"Is that all?" Walang ganang tanong niya.
"Yes. See you later sweethart." Anito at pinatay na ang tawag.
"Tsk, useless oldman. You'll dead soon." Bulong niya habang naka ngisi dahil alam niyang puro nanaman sa droga ang paguusapan nila at wala siyang interes doon.
Tumayo na siya at nagtungo sa kaniyang kwarto sa ikatlong palapag.
Pagkapasok ay agad niyang nilock ang pinto at hinubad ang lahat ng saplot sa katawan at diretso sa banyo upang maglinis ng katawan.
Habang naliligo ay maraming pumapasok sa kaniyang isip, katulad na lamang kung nasan ba talaga ang kaniyang ina at mga kapatid. Hindi siya titigil hangga't hindi niya ito nakikita, at nasisiguro niya'ng ama niya ang may pakana ng lahat ng ito. Ang ama lang naman niya ang nagiisang demonyong kilala niya. Simula pa lamang ng mga bata sila ay masamang gawain na ang pinagkakakitaan nito. Isa sa mga kinaaayawan niya simula bata pa sila.
At ang dark room sigurado siyang hindi nito doon dinala ang kaniyang ina at mga kapatid. Nasisiguro niyang hindi kaya ng kaniyang ama na dalhin ang mga ito doon.
Malaki ang kaniyang paniniwala hindi kaya ng ama na dalhin ang kaniyang ina at mga kapatid, kaya palaisipan sa kaniya kung saan ba talaga nito tinatago ang kaniyang pinakamamahal na pamilya liban sa kaniyang walang kwentang ama.
At nararamdaman niyang buhay pa ang mga ito, ramdam niya na nasa malapit lang ang mga ito na tinatago ng kaniyang ama, at nasisiguro niyang sa oras na makita niya ang mga ito ay babalikan niya ang kaniyang ama at siya mismo ang papatay.
Sa mga kamay niya ito mamamatay, walang sinuman ang pwedeng pumatay sa kaniyang ama, maliban sa kaniya. Matagal na niyang gusto itong patayin ngunit pinipigil lang niya ang sarili dahil may kailangan pa siya dito at hindi pa nito oras.
At nasisiguro niyang kapag napatay na niya ito ay tsaka lang siya matatahimik at mamumuhay ng at payapa kasama ang kaniyang ina at mga kapatid, malayo sa mundong kaniyang kinalakihan at nakasanayan mula ng siya ay isilang at magkaisip. Kinalakihang kailanman ay hindi niya ninais.