Third Wheel (1)

75 3 0
                                    

Ako si Grace. Simple lang ang buhay ko. Hindi ako maganda, hindi rin panget. Hindi mayaman, hindi rin mahirap. Hindi matalino, hindi rin bobo. Lagi lang akong nasa gitna. Isang ordinaryong babae lang ako. 

Ordinaryong babae na naniniwala sa tadhana at tunay na pag-ibig. Naniniwalang dadating ang "The One" ng buhay ko. Naniniwalang may taong nilaan sa akin si God at darating siya sa tamang panahon. 

Pero nagtataka ako, masyado yata na-delay ng dating ang "The One" ko. Sabi sa akin ni mama dati, kapag nakatapos ako ng pag-aaral, kapag nakapaghanap ng magandang trabaho, saka daw siya darating. Pero 25 years old na ako, wala pa rin siya. Ilang beses na akong nagtry pero laging failed. Nakatapos na nga ako ng pag-aaral, nakahanap ng magandang trabaho, natulungan sina mama. Pero bakit kulang? Bakit wala pa 'yung pinapangarap ko? Darating pa kaya 'yon?

Nandito ako sa restaurant ngayon. Kasama ang kaibigan kong si Emma at ang long time boyfriend niyang si Sam. Buti pa sila, 8 years na.

Ganito ang buhay ko. Lagi akong third wheel. Naalala ko tuloy noong high school ako...

*FLASHBACK*

"Graaace! Favor naman oh." 

"Ano 'yon?"

"Sama ka sa amin mamaya mag-mall ng boyfriend ko. Baka kasi makita kami ni mama eh. Alam mo naman na bawal pa 'ko mag-bf 'di ba?"

"Ah, sige ba."

*END OF FLASHBACK*

Lagi humihingi sa akin ng pabor ang mga kaibigan ko. At 'yun ay samahan sila na makipag-date sa mga boyfriend nila. Minsan naman, sinasamahan ko silang mamili ng mga regalo nila sa mga boyfriend nila. Tinutulungan ko silang mag-design ng malalaking card na binibigay nila rito tuwing Valentines, monthsary, or anniversary. Pakiramdam ko nga professional na ako sa pagiging girlfriend eh. Ako kasi lagi ang hinihingan nila ng tulong dahil alam nilang hindi ako busy—dahil nga wala akong boyfriend.

Bakit kaya gano'n 'no? Nu'ng high school ako pinapayagan na ako mag-boyfriend pero wala namang nanliligaw sa akin. Tapos 'yung mga kaklase ko, naka-ilang boyfriend na pero tago pa sa magulang nila dahil hindi sila pinapayagan. 

Minsan nga naisip ko, hindi ba ako attractive? Wala man lang bang nagkagusto sa akin dati? Walang napaisip na ligawan man lang ako?

"Uy, Grace! Tinatanong kita!" Nabalik ako sa realidad nang magsalita si Emma.

"Ay, pasensya na. Ano ba 'yung tinatanong mo?"

"Sabi ko, uuwi na kami. Sasabay ka ba? Sabi mo may bibilhin ka 'di ba?"

"Ah, oo. Mauna na kayo."

"Sure ka? Samahan ka na namin?"

"Hindi na, 'wag na. Kanina ko pa kayo kasama, kailangan niyo ng oras para sa isa't-isa." 

"Aw, so sweet. Thank you, Grace! Sige na, alis na kami. Ingat ka ah?" Tumango naman ako bilang sagot.

Maaaring perpekto 'yung love story nina Emma at Sam. Pero hindi sila legal. Ayaw kasi ng pamilya ni Sam kay Emma dahil may ibang gusto 'yung nanay ni Sam para kay Sam. At dahil mahal nga ni Sam si Emma, kahit patago at kahit ayaw ng nanay niya, handa siya sumugal. Natatakot nga ako kasi baka makita silang magkasama, yari na. Kaya lagi ako sumasama sa kanila kapag umaalis sila. 3 years din kasi sila nagkahiwalay dahil nag-ibang bansa si Sam. Dinala siya ng nanay niya sa US dahil nalaman 'yung tungkol sa kanila ni Emma. Tapos ayun, lumipas ang ilang taon, bumalik si Sam. Kahit na pumuntang US si Sam hindi sila nawalan ng communication ni Emma. Sobrang tatag talaga ng relasyon nila. 

Ako naman, malapit ang pamilya namin kina Sam dahil kababata ko si Sam. Ako rin ang dahilan kaya sila nagkakilala ni Emma. Kaya naman kapag nahuli kami magkasama, ayos lang. May isesegway ako kung sakaling makita si Emma na kasama si Sam.

Third WheelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon