CHAPTER 34 : Quarrel

239 12 4
                                    

ELLE’S POV

           

“Hoy, kayong dalawa,” napalayo naman ako agad sa yakap ng kasama ko dahil sa nakakasindak na boses ni Felly. Nilingon ko ang pintuan ng kwarto niya at nakitang nakataas ang kilay niya sa amin.

           

*Lunok*

           

“Bakit?”

           

“Anong bakit?” taray niya. “Hindi na ako magugulat kung magkapalitan kayo ng damit. Grabe kung maglandian ah! Daig niyo pa si Haiden Kho at Katrina Halili, pati na rin si Neri pati si Chito,” sabi niya.

           

Napatingin naman ako agad sa kasama ko na nakangiti ng pagkaloko-loko. Siniko ko nga. “Alam kong iniisip mo—“

           

At bago pa ako matapos, nagsalita na itong pilyo kong katabi. “Ayy, pinanood mo? Wow, ibang level Felly ha!”

           

Agad namang nag-iba ang timpla ng mukha ni Felly at binato si Seth ng bag niya at dahil dakilang loser si Felly diyan, hindi niya natamaan si Seth. “Hoy! Ikaw na lalake ka, huwag kang feeling close sa akin ha dahil may atraso ka pa. You told Paul about Keith’s crush on Anny!”

           

“Oy, pikunin,” pang-aasar ni Seth. Siniko ko nga ng malakas para tumigil na ‘tong mas chismoso pa sa mga usiserang mga estudyante sa school! Tsk, tsk. “Pero huwag mong mamasamain Felly ha, pero sa tingin ko dapat malaman din ‘yun ni Paul. Kaibigan namin siya.”

           

“Katulad ng dapat sinabi ninyo rin ‘yan sa akin,” rinig naming sabi ng taong sigurado akong kararating lang.

           

Shit.

           

“Paige,” tawag ko nang makaharap ako. Naramdaman kong nagtungo si Felly sa tabi ko. She must have sensed the throbbing guilt katulad ng nararamdaman ko. Hindi kasi naming sinabi kay Paige dahil komplikado pa ang relasyon nila ngayon ni Anny. Ayaw rin naming iyon dagdagan pa.

           

Bakas sa expression ng mukha ni Paige ang sakit…madali lang kasi siyang basahin. You could always tell if she’s mad or annoyed. She’s expressive pagdating sa emotion na nararamdaman niya.  Katulad na lang ngayon na may galit.

           

“We can explain,” sabi ni Felly.

           

Tumango si Paige at tuluyan nang pumasok ng bahay. “Sige, baka naman kasi sabihin niyo ang damot ko. Naglalaan naman kasi ako ng oras para makinig.”

           

Bakit parang natamaan ako? At si Felly, I heard her sigh. “We’re so sorry na hindi naming sinabi ‘yon sa’yo. I just thought na it doesn’t matter. ‘Di naman siguro ‘yun importante.”

           

“Hindi importante? Paano? Sa anong paraan?” the tone of her voice speaks for herself. Galit siya, feeling niya trinaydor naming siya. “Importante ‘yun sa akin sa kahit ano man ‘yang paraan, hindi dahil gusto kong malaman, kundi dahil sa salitang ‘tiwala’.”

♂ The G-BOYS and The H-GIRLS ♀ [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon