CHAPTER 37 : PART TWO

276 9 4
                                    

PART TWO

           

FELLY’S POV

           

2 months later

           

“Huy, Tanda!”

           

*Pak!*

           

“Ano na naman bang problema mo, Van?!” naaasar kong tanong sa kanya. Pero kahit na sinapak ko na siya, nakangiti pa rin. Ewan ko nga ba sa lalakeng ‘to kung bakit nandito pa ‘to kahit na dapat nasa klase na siya, dun sa kabilang building.

           

Ginulo niya ang buhok ko. “Wala lang. Sinisigurado ko lang na hindi ka na ginugulo ni Daniel.”

           

Ugh. Ayan na naman.

           

“Hindi na. Okay?” sabi ko tsaka tumalikod.

           

“Bye, Tanda! Susunduin kita mamaya!!”

           

Felly, hindi ka kinikilig, di ba? Hindi. Kasi wala namang epekto ang pagpapagwapo ng nilalang na iyon sayo, di ba? Wala.

           

Pero lintik! Kinilig ako!

           

Kahit na inaaway ako parati. Kahit na laging sinisira ang schedule ko! Kahit na sinaktan ako ng gagong iyan! Kinikilig ako! Eh, masisisi mo ba ako? Ang lakas ng dating eh!

           

Oo, sinaktan niya ako few weeks ago dahil sa walang kwentang lalakeng iyon! It was a week after Paige’s accident when I found out about Daniel’s dirty secret. Nabasa ko kasi yung text message ni Daniel kay Van kaya boom! I finally knew the truth. Ang sakit ha? Engaged na pala ‘yung kutong-lupa na ‘yun!

           

Pero siyempre nagalit ako kay Van kasi tinago niya. Yun din naman ang dahilan kung bakit ni-blackmail niya ako. At dahil ngayong wala na, tinapos na namin yung fake relationship namin. Para ano pa? Tapos na rin man kami ni Daniel.

           

Aaminin ko, nasaktan talaga ako sa ginawa ni Daniel, sa panloloko niya. Pero nakamove-on na ako eh. Hindi naman naging madali pero kasi tinulungan din naman ako ng mga kaibigan ko at ni Van. It’s when I started appreciating his presence.

           

Wala naman kasing masamang makipag-ayos sa kanya. Afterall, he was a great shoulder to lean on. Kahit na pinagbabato ko na siya ng kung ano-ano, at kahit na pinagtabuyan ko na siya, he stayed. Pinatawad ko na rin naman siya dahil narealize kong wala naman siyang ginawang masama, at tinulungan niya lang naman ako na mailayo ang loob kay Daniel dahil baka masaktan ako.

           

That’s when everything turned to something unexpected. I developed feelings for him. Akala ko nang tinapos na namin yung fake relationship naming hanggang dun na ‘yun. Pero hindi, naging kami.

           

Oo, tama kayo nang nabasa. Kami na nga ni Van. Kahit na sinasabi ng iba na baka rebound ko lang si Van, iba ang sinasabi ng puso ko. This is so un-me. But when you’re really in love, nagiging baliw ka. Dahil ako, baliw na baliw ako kay Alex Van Sanchez.

           

Bago lang nga naging kami. Siguro mga 4 weeks pa lang. Isang buwan pa lang! Pero kahit bago pa lang kami, he made sure I am treated fine. Honest siya sa akin, honest din naman ako sa kanya. Masasabi kong regalo si Van sa akin ng panginoon dahil naging mabuti akong tao. Chos!

           

“Ayan na si Felly oh!” rinig kong sabi ng isang chismosa.

           

Ganito ‘yan, simula nung naging kami ni Van, lahat ng fangirls niya ay inis sa akin. Sabi pa nila, tama raw na ginawa kong away-awayin si Van para lang mapalapit sa kanya. Like hey! Sino bang unang lumapit sa akin at sinundan-sundan pa ako? SIYA!

           

Buti na lang good girl na talaga ako kung hindi nasapak ko na ‘tong haliparot na ‘to!

          

  “FELLY!”

           

“Uy, girls!” Lumapit ako kina Anny at Paige na kanina ko pang napansin na nagtatawanan. Yes, they’re okay now. Siguro naman wala na silang dapat pa pag-awayan kasi ayos na ang lahat. Bukod sa pinutol na ni Anny ang namamagitan sa kanila ni Paul, tinanggihan na rin naman niya ang pagtingin ni Keith. Hindi naman sa basta na lang niya itinaboy si Keith, pero kasi kailangan na rin siguro ng honesty sa kanila. Sinabi niya lang na hindi pa iyon ang kailangan niya kundi friendship.

           

I hate Paul for what he did the last time he talked to Anny. Napaka-gago niya.

           

But now, I’m glad Anny and Paige are now okay.

           

Matapos ba naman ang sunod-sunod na relasyon hindi ba siya mababagot? Kailangan niya na rin siguro ng oras para naman sa sarili niya. O kaya, may hinihintay lang siya. Ewan lang, that was just a wild guess. Naisip ko lang matapos ikwento ni Anny na bumalik pala si Ethan dito. ‘Yun nga lang umalis din.

           

Si Paige naman, ayos lang siya. Sabi niya past is past daw at handa naman siyang patawarin si Keith kung nagawa niya ‘yung panliligaw kahit na gusto nito si Anny. Inamin din ni Keith na nagkakagusto na rin siya kay Paige pero mas higit nga lang ang kay Anny. Masakit pa rin ‘yun sa parte ni Paige. Siguro magiging sila rin sana kaso sinira nung Paul.  At least ngayon, medyo ayos na rin pero hindi na tulad ng dati ang relasyon niya kay Keith.

           

“Nakita namin ‘yung kanina!” Anny said with that knowing look.

           

Inirapan ko lang siya at umupo sa tabi niya. “May quiz?”

           

“Siguro,” sagot ni Paige sabay abot ng book ko, “Page 293 nga pala.”

           

“VanLy! Ang sweet niyo,” bulalas ni Anny kaya hinila ko ang buhok niya. Sira na ata ‘tong babaeng ‘to. “Aray naman, Felly. Buti pa si Elle at Isha kahit na inaasar ko ayos lang, pero ikaw masyadong OA.”

           

Isa na lang, sasabunutan ko na talaga ‘tong Whale na nasa harap ko. “Tama na nga ‘yan at magreview na lang tayo.”

           

“OKAY, TANDA!”

           

“Mga bwisit kayo!”

♂ The G-BOYS and The H-GIRLS ♀ [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon