"Good morning" sabi ko kila mama pagkababa ko ng hagdan.
"Morning!!" Sabay sabay nilang sagot
"Kain na anak, baka malate ka sa school." sabi sa akin ni mama.
Kumain naman ako, sarap kaya ng breakfast. Bacoooon!
After kumain, umakyat na ko sa kwarto para maligo at mag ayos.
Binilisan kong kumilos kasi baka malate yung mga kapatid ko. Ako na lang kasi ang high school. Bunso ba. May tatlo akong nakakatandang kapatid.
Si Kuya Ralph, na graduate na ng Chem Eng at 2 years ng nagtatrabaho. Si Ate Chloe na graduating na ng Psychology at Si Kuya Baste na 2nd year college na Dentistry.
Oh diba, ako na lang ang naiwan sa hs. :(
Lahat sila matatalino. Naka graduate with honors at napepressure ako!! Ayokong dibdibin masyado kasi lalong magiging flat. Buti pa si ate meron. Hmp.
Nakarating na kong school, salamat sa kotse ni Kuya R.
Naglalakad na ko papasok ng school ng may natapakan ako.
Ang sticky!!! Bubblegum? Kulangot? Kanin? Eh? Poopoo?
Nung tinignan ko, picture--picture na naka-double sided tape sa likod.
Sino ba to?
*riiiiiiiiiiiiiiiing*
Ay putek! Malalate na ko kaya naibulsa ko na lang yung litrato at saka tumakbo papuntang room.
Fortunately, naka abot ako. Hehe.
"Magandang umaga bebe ko!" bungad ni Keith.
"Morning!" bati ko sa kanya at saka umupo. Sakto ng pagpasok ng adviser namin.
Nagstart na yung klase namin. Tinawag kami isa isa sa harap para ipasa ng homework.
"Mercado." Tumayo ako saka naglakad papunta sa harapan.
Ba't parang ang lamig?
Nagbubulungan yung mga kaklase ko. Luh?
"Keith." rinig kong bulong ni James.
Bigla siyang tumayo at saka tumakbo sa likuran ko si Keith.
"Bebe." panimula niya. "Yung ano, yung zipper mo bukas." nahihiya niyang bulong.
Ay tae! Kaya pala malamig e! May aircon yung palda ko. Hahahaha.
Automatic akong napahawak sa likurang bahagi ng palda ko at saka sinara.
"Ah sh!t!" bulong ko.
"Ms Mercado? May Problema?" sabi nung adviser ko. "Mr. Loyola, bakit nasa likuran ka ni Ms Mercado?" nagtatakang tanong ni Ma'am
"Ma'am bukas po kasi zipper niya. Tinakpan ko lang."
Natawa naman si Ma'am sa sinabi ni Keith. Baliw.
"Ma'am, sira po yung zipper ko. Pwede po bang pumunta muna ako ng clinic?"
"Sige, samahan mo siya Keith."
"O-okay po." namumulang sagot niya.
Ugh bakit siya pa!!
No choice, pumunta kami ng clinic. Ipapaayos ko yung zipper ng palda ko o kung hindi maayos, hihiram na lang ako ng palda.
Pagdating namin dun, wala si ate Nurse. Pumasok na lang kami at naupo.
"Thank you Keith!" sabi ko sa kanya. Nakayuko lang siya. Anyare dito?
"Okay lang. Wala yun." sabi niya habang nakayuko. Namumula yung itaas ng tenga niya. Oh my gosh. Kinikilig ba siya? Lol
"Isip bata ka pa pala." biglang siyang nagsalita after 5 minutes.
"Ha? Ako?"
"Hindi ikaw, yung katabi mo." bulong niya na ikinagulat ko.
"Bwisit ka! Ba't ka ba nananakot!?" sagot ko at saka pinaghahampas siya.
"Eh kasi naman, obvious naman ikaw tinatanong ko diba? Ikaw lang naman kasama ko dito. Minsan bobo mo rin e." sabi niya. Aba ayos to ah.
"Okay okay. Eh bakit ako naging isip bata? Hello? 3rd year na kaya tayo." sagot ko sabay irap.
"Eh ba't hello kitty pa rin yang panty mo?" namumula niyang tanong.
Wait.
Hello Kitty?
Hello Kitty ang alin?
Loading....
"Hello Kitty yung panty ko?" nagtatakang tanong ko.
"Oo, Hello Kitty. Kulay pink nga e."
Napatayo ako at saka tumakbo sa likod ng kurtina. Tinignan ko kung Hello Kitty ba talaga.
Putspa! HELLO KITTY NGA!!
Tinignan ko kung gaano kalaki yung sira nung zipper ng palda ko. Potek! Ang laki huhuhu. Kitang kita si Hello Kitty.
"Ano? Tama ako diba?" seryosong sabi niya.
Bago pa ko makasagot, dumating na si ate Nurse.
"Oh Keith, bakit ka nandito?" tanong ni ate.
"Ah, kasi po nasira yung zipper ng palda ni Alessandra e."
Lumabas ako dun sa pinagtaguan ko. "Ate pwede makahiram ng palda?"
"Nako, Ales. Nahiram na nung 1st year yung natitirang palda e. Gusto mo, try kong ayusin yung palda mo. Hubarin mo muna."
Biglang namula si Keith at napayuko. Namula na rin ako.
"A-ano kasi ate. Wala akong shorts." nahihiya kong sabi na ikinatawa niya.
"Hahaha. Halika muna sa loob, dun mo na lang hubarin at magtakip ka nalang ng kumot."
Hinatid niya ko sa loob at sinubukang ayusin yung palda ko.
After 30 minutes.
"Ate matagal pa ba?" rinig kong sabi ni Keith.
"Hindi ko maayos e. Sira na talaga siya." tinapik ni ate yung balikat ko. Naka idlip na pala ako.
"Ales, hindi ko na maayos e." sinuot ko na lang yung palda. "Sige, okay lang po thank you ate." sabi ko saka lumabas. Err anong gagawin ko? Huhu
"Ales oh." Inabot sa akin ni Keith yung hoodie niya. "Ipantakip mo muna"
Inabot ko at ipinantakip sa likuran ng palda ko. "Thank you." Nahihiya kong sabi. Tumango lang siya.
"Tara na?" yaya niya at saka bumalik na kami sa room.
Pagbalik namin, break time na. 1 hour na pa kaming nawala.
Tss, kakamadali ko kasi ayan tuloy sira pa yung paldang nakuha ko. Tapos, sa lahat pa ng panty ko. Etong Hello Kitty pa nakuha ko.
Nakakahiya tuloy!! Favorite ko talaga si Hello Kitty, nahihiya lang akong sabihin.
Halos lahat ng panty ko Hello Kitty. Pati baby bra ko Hello Kitty (Oo, tama. Baby bra kasi wala naman akong boobs. JOKE BRA TALAGA GRABE KAYO) Hindi naman lahat.
Ugh! Nahihiya tuloy ako kay Keith. Urgh.
Hindi ako nahihiya dahil nakita niya yung panty ko. At least hindi yung pwet ko diba?
Nahihiya ako kasi sa lahat pa ng panty-ng makikita niya, eh Hello Kitty pa. Tsk.
