Nandito ako ngayon sa field ng school namin. Hays, loner ko forever.
Ang tagal naman kasi ni boyfie. Hindi pa nadedeliver sa akin. Na-traffic siguro yon kaya hanggang ngayon, NBSB pa rin ako.
Tama, NBSB ako.
No Boobs Since Birth.
JOKE
Este No Boyfriend Since Birth pala. Pero, applicable rin sa akin yung nauna. Lol!
I have friends, yes. Pero na-oop lang naman ako sa kanila. Lahat kasi sila, pumu-forever. Kala mo naman may forever.
Hindi ako bitter, hindi ako hater. Hindi rin naman ako nagmamadaling magkabf.
Ang gusto ko lang ngayon ay may maka-usap.
Pwede na ring boyfriend, kaso err mukhang malabo.
Speaking of makaka-usap
"Hi bebe ko" sabi nung sexy-ng boses mula sa likod ko
"Tang inumin mo! Bakit ka ba nandito, kita mong nagmumuni muni ako e. Istorbo!"
"Sorry na bebe ko, mag-isa ka lang kasi e. Tignan mo yung mga kaibigan mo" sabi niya saka umupo sa tabi ko sabay turo dun sa kabilang dulo kung nasaan ang canteen.
"Lahat sila lumalablayp, ikaw na lang wala. " dagdag niya pa
"Aba---"
"Sabi ko naman sayo, sagutin mo na ko e."
"Si--"
"Pero wag muna ngayon bebe, ang pangit naman ng lugar, dito pa sa field. Hindi romantic. Saka na lang pag nagdate na ulit tayo." dagdag niya pa ulit saka ngumiti
Sinapok ko siya. Sira ulong to.
"Anong sasagutin ka diyan!? Kapal ah. Saka anong 'pag nagdate na ulit tayo' hindi yon date, nakisabay lang akong kumain sayo kasi wala akong kasama!"
"Yun na nga e, lagi kang walang kasama kasi lahat ng kaibigan mo may boyfriend. Tayo na lang kasi!" inis niya sabi.
Onti na lang, friend. Bibigay na ko sayo.
PERO
Ayoko!!! Hindi ako pumapatol sa mga pogi. Mga babaero! Jk, hindi naman lahat.
"Wow ha. Bilib ako sayo, ako pa nagustuhan mong baliw ka." asar kong sabi.
"Ako ba? Ako ba namili ha? Puso ko namili, hindi ako."
Tang inumin!!! Pigilan niya ko! UGH. KINIKILIG AKO. AAMININ KO CRUSH KO TONG SI KEITH!
"Ah-ano ba. Corny mong pwet ka!"
Ganyan lang kami araw-araw. Biruan na may halong ka-cornihan.
Ayokong ma-fall kasi hinihintay ko yung package ng LBC na may lamang boyfriend sa loob, baka dumating e.
O baka si siya na yun.
