Chapter 11
Main character
Ilang minuto na akong nakasakay sa likod ni Leon pero hindi niya pa rin ako naibababa hanggang ngayon.
Kanina pa bumabagabag sa akin ang sinabi niya, na hindi maganda ang plano ko. Mali nga kaya iyon?
Pero tama naman iyon 'diba? Kung may real world at narito kami sa isang story lang, may daan naman palabas 'diba? Makakalabas naman kami 'diba? O habang buhay na kami dito?
"Leon..." tawag ko sakanya habang nakatulala pa rin sa kawalan. Hind na naman siya sumagot kaya tinapik ko siya. "Leon."
"Hmmn?" Lingon niya sa akin.
"May ending naman itong story 'diba? Kung nasaan tayo ngayon?" Bigla kong naitanong.
"Yes, there is," agap niya kaya napatango tango ako pero napaisip pa rin. "Why? Anong iniisip mo?"
"Iniisip ko lang, pa'no kapag natapos na ang story? Ano na mangyayari sa'tin?"
Bumaling ulit siya sa harap habang patuloy sa mabagal na lakad. "Mababalik lang tayo sa simula ng story..."
"Ganoon lang lagi? Minsan ba hinanap mo ang daan palabas?"
Huminto siya sa paglalakad at nilingon ulit ako. "Yes, I tried pero hindi ko rin magawa. Because the truth is, this kind of off camera, 'yung nakahinto ang paligid at matagal bago magpalit ng scene? Ngayon ko lang din naranasan ito, magmula nang makita at makilala kita."
Napaawang ang labi ko dahil sa narinig ko. Biglang may tumambol sa puso ko nang saglit kaming magkatitigan, nakatingala siya sa akin habang nakababa naman ang tingin ko sakanya.
Natauhan siya at unang nag-iwas ng tingin sa akin. Tumikhim naman ako.
Awkward silence grew between us, buti nalang ay may naisip akong tanong sakanya kalaunan.
"Ilang araw ka na bang nandito sa story?" Bigla akong na curious, ang dami niya na kasing nalalaman.
"I've been here for about 20 years, I think?" Muntik na akong mahulog sa likod niya nang marinig kong sinabi niya 'yun.
Buti nalang at humigpit ang hawak niya kaya hindi ako tuluyang nahulog. "Careful! Bumaba ka na kasi? Baka mamaya mahulog ka pa. Ang likot mo pa naman." Sermon niya na hindi ko na pinansin.
"Oh my gosh! Totoo ba!? Hala bakit ganoon katagal?" gulat kong tanong. Grabe!
"Iba ang oras dito sa oras sa totoong mundo kaya ganoon. I think, 2 years naman ang lumipas sa real world."
"Ilang taon ka noon nang mapunta ka rito sa story?"
"18 years old," tipid niyang sagot kaya napaisip ako.
Nagtagal pa ang tingin ko sa mukha niya. Bakit hindi pa naman siya mukhang matanda? Kung 20 years na ang lumipas...dapat 38 years old na siya?
Pero bakit mukhang nasa 15 years old pa lang siya? Napakurap ako nang natawa siya sa akin. "I know what you're thinking. This face is not my real face, okay? This was Leon's face when he was 15 years old. We are in the past right? At hindi pa ako matanda, 20 years old pa lang ako sa totoong mundo," he explained na ikinatango ko naman.
I wonder, ilang taon na kaya ako ngayon? Or kung ilang taon or araw na akong nandito? Bakit ba kasi wala akong maalala?
Tumahimik nalang ako at hindi na nagtanong.
Pero nang may maisip, nasabi ko na rin. "Leon, bakit inabot ka ng ganoong taon dito? Wala bang tumulong sa'yo? Or walang nagising na iba?"
Umiling naman siya sa akin. "Just like what I've said, mabilis ang paglipat ng scene, kaya hindi ako makapunta sa gusto kong puntahan. At sa buong taon na iyon hindi ko nahanap ang daan palabas kahit natapos na ang kuwento. Nabalik lang ulit sa una."
BINABASA MO ANG
Journey Inside (Stand Alone)
FantasyNarizz Sy is a typical highschool girl, but not a good student. She always do cutting classes, her grades are not higher than what you think and she's also not have a good bond with her family. One day, she started to feel that she was not in her re...