The Hoodie

23 0 0
                                    

The Hoodie

Nang idinilat ko ang aking mga mata, magkatabi na kaming dalawa.

Wala akong matandaan sa mga nangyari... 

malabo pa rin kasi... 

basta nahihilo pa rin ako hanggang ngayon... 

at takang taka kung bakit sa lahat ng lugar...

nandito ako sa kotse niya.

*****

"Alden next segment ka na. Get ready" rinig kong sabi ng floor director sa akin.

Sumunod naman ako sa sinabi niya at agad na nag-ready sa position ko. 

Nakita ko si Louise na kausap ng ilang boys. Sina Rocco... Enzo... Derrick... at iba pa.

Hindi kasi kami nagpapansinan ngayon... magkaaway kami eh.

Actually two months na rin tong away namin. 

Tinatarayan niya ako pag nagkikita kami.

Hindi ko naman sinasadya na iwan siya run eh... 

Tsaka di ko talaga alam na nag-aaral siya at ayaw pa-istorbo. 

Siguro naging out-of-line na rin ang pang-aasar ko sa kanya. 

Pagkatapos ng dance prod ko, agad akong nagpunta sa dressing room. Naisip kong umuwi ng maaga since wala naman akong naka-planong gagawin. Nag-uusap kami ng YOLO boys ng biglang tumunog ang car alarm ko. 

"Sir Alden kelangan pong ipaatras ng onti ang kotse niyo." wika ng guard sa akin.

Pumunta naman ako sa basement parking gamit yung hagdan na gamit ng mga artists...

Nang makita ko siya na nakahiga sa steps.

****

"Anong ginagawa ko rito?" bigla akong nagising sa sigaw niya

Tinanggal niya ang seatbelt niya at binuksan ang pinto. 

Nasa may basement parking kaming dalawa at onti na lang ang mga kotseng naka-park rito.

"Nahimatay ka kanina. You should be grateful I was there." sabi ko

Nag-tsk siya at tiningnan ang reflection sa salamin ng kotse ko.

"Sige na. Thank you." paalis na siya nang hinawakan ko ang kamay niya.

"Wala bang kiss?" sinenyas ko ang lips ko na naka-pout pa pero dinedma lang niya.

Napangiti na lang ako kahit medyo hurt.

"Seryoso talaga Faulkerson?" biro niya. "galit pa kaya ako sa yo."

Dun ko nilapit ang sarili ko sa kanya at dahan dahang binulong ang mga salitang "I'm sorry." sa kanya.

Nakita ko ang pag-pula ng kanyang pisngi at ang nanginginig niyang mga daliri.

"Oo na... Gosh. Lika na nga sa loob." yaya niya sa akin.

Nang makapasok kami sa green room, napansin namin na naroroon ang ilan naming mga kakilala na sina Barbie, Bea, Derrick, Kris, Joyce, Rodjun at Sef.

Agad naman silang natigilan at tumingin sa aming dalawa. Nag - Ooohhh pa nga sina Derrick at Kris. Marahil ay dahil alam nila na meron akong feelings kay Louise.

"Eh Bakit daw sabay kayo?" puna ni Barbie.

Loka-loka talaga tong babaeng to.

"Akala ko ba galit kayo? Matindi pa tong dalawang to sa magsyota kung magkatampuhan eh no!" gatong naman ni Bea

"Tumigil nga kayo." nahihiyang sabi ni Louise sa kanila.

Napangiti na lang ako sa isang tabi at kinuha ang ilang mga naiwang gamit ko kanina.

Si Louise naman ay kinuha ang naiwan niyang payong at bag sa tabi nina Barbie at Bea.

"Bago tong hoodie na to ahhh..."  biglang sabi ni Barbie

"Oo  nga... di mo yan suot kanina." sabi naman ni Bea.

Ngayon lang siguro niya napansin ang hoodie na nakabalot sa kanya.

Isang green hoodie na galing sa La Salle - Canlubang. May archers logo sa upper right at sa likod naman nakasulat ang bold letters na...

"Faulkerson" tinuro ito ni Barbie at automatic na nilingon ng lahat ang nasabing hoodie

"Wala to. Don't get any ideas!!! Shizz!!! Kasalanan mo to Alden eh." sabi niya habang napapahiya sa pag-tease nila sa kanya.

Ako naman itong nakatawa lang sa isang tabi at walang masabi.

ako naman ang nag-plano ng lahat

One Chapter Short (Alden x Louise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon