"Naaalala mo pa ba si Alden?"
yung pagkakasabi pa lang ng pangalan niya, kinilabutan na ako.
Yun yung crush ko noong highschool ako. From first year to fourth year di ko siya pinagpalit. Wala akong ibang ginusto kundi siya. Masasabi ko na muntikan ko na siyang maging first love. Pero bata pa kami nun. Alam ko na kung anuman ang nararamdaman ko noong panahong yun is bound to end once na hindi na kami magkita sa college.
Si Alden Faulkerson Jr.
Siya yung pinakapoging lalaki sa batch namin.
Mayaman, matalino, mabait...
Nasa kanya na talaga ang lahat ng hahanapin mo sa isang lalaki.
Kumbaga, dream guy siya.
Hindi lang naman ako ang nagkaka-crush dun eh.
Si Kylie, si Julie, si Julia.
Mas grabe pa nga yung pagka-crush nila sa akin.
Kasi yung kanila sobrang obvious.
Hindi tulad ko.
May pagka-poker face kasi ako kaya siguro hindi niya rin nahalata na may crush ako sa kanya.
"Huy. Tulaley ka diyan! Iniisip mo siya noh?" sabi ni Bea
Pinagtatawanan nila ako.
"Hindi noh. Sus! Past Tense na yun." sagot ko
"Lokohin mo na lahat wag kami. Hahahaha!!" pagtawa naman ni Barbie.
"Hindi nga eh. Pwede ba? Tigilan niyo na yun? Matagal na yun eh. College na tayo." sabi ko
"Tinatanong lang namin. Pupunta raw kasi siya rito sa UP eh." sabi ni Bea
"Kanino mo naman nalaman?" inusisa ko si Bea habang umiinom ng Frappe
"Kay Jake. Edi ba tropa yung mga yun?" sabi niya
"Dadaanan niya raw ikaw." dagdag niya pa.
Napasipsip ako nang hindi oras sa Frappe ko.
"Ano raw?" sabi ni Barbie
"Biro lang." tumawa naman si Binene, "pero di biro yung pupunta siya rito."
"Bakit naman?" tanong ko, "may girlfriend na ba si Alden?"
"Wala pa rin raw. Maghahanap nga yun eh." ngumiti siya
****
"Bro bakit ka kasi napadaan sa UP?" tanong ni Kris sa akin
"Kakamustahin ko lang yung crush ko noon." sagot ko.
"Sus! Si Louise ba? Edi ba hanggang ngayon crush mo pa rin siya? Stalk ka nga ng stalk dun sa instagram niya at facebook. Dapat kasi highschool pa lang tayo sinabi mo na. Tagal niyo na kaya hindi nagkikita." sagot ni Kris
"Oo na okey. Torpe kasi ako eh. Tsaka maraming nanliligaw sa kanya. Baka di ako mapansin nun." sabi ko
"Eh ngayon kaya mapapansin ka niya, eh hindi nga natin alam kung nasaan sila." sabi ni Kris
"Kausap ko si Binene. Diba kaibigan niya yun?" ngiti ko.
Makikita ko na siya ulit. :)
****
"Ang totoo kasi niyan, high school pa lang tayo crush na kita." sabi ng boyfriend ko.
Muntikan na akong mabilaukan sa iniinom kong tubig.
"Seryoso?" yun na lang ang naisagot ko.
"Oo. Ikaw ba? Napansin mo ako noon?" tanong niya pa.
"Hindi..." na-disappoint siya nang marinig niya yun
"Hindi lang kita napansin... Ang totoo kasi niyan ay naging crush rin kita, Mr. Dimples."
BINABASA MO ANG
One Chapter Short (Alden x Louise)
Cerita PendekDenlou Short Stories written in just one chapter