Chapter 1:FIRST MET

24 1 0
                                    

Tine's POV

"Oooooi! Kailan niya ba ako titigilan! Sinabi ko naman sa kanya na hindi kami bagay at hindi kami para sa isa't-isa."reklamo ko sa mga kaibigan ko.

"Bakit, ayaw mo ba sa mga bakla?"tanong naman ng napaka galing kong kaibigan na si Ohm.

"Hindi naman sa ayaw ko sa bakla, kaya lang—"

"Kaya lang ano?" Sabat naman ni Phuak.

"Kaya lang babae ang gusto ko."

*FLASHBACK*

"Tine, may nag abot sa akin.Ibigay ko daw sa'yo." Sabay abot sa'kin ni P'Fang ng maliit na sobre.
(Sa Thailand, ang ibig sabihin ng P' ay kuya or ate)

"Siguro babae na naman 'yan ano?" Dagdag pa ni P'Fang. Ang aming Cheerleading Club President.

"Hindi po. Focus po muna ako sa pag-aaral at sa pagiging cheerleader." Palusot ko naman.

"Tama! Unahin muna ang pag-aaral bago ang love life. Sana ganyan din ang ibang students dito." Papuri n'ya pa sa'kin.

"Salamat po P'Fang, pero sino daw po nagpapabigay?"

"Hindi ko alam ehh. Basahin mo na lang para malaman mo."

"Mamaya ko na lang babasahin 'to."

"At tsaka nga pala Tine, bakit ka sumali sa Cheerleading?"

"P'Fang, sumali ako sa cheerleading para mag karoon ako ng mga kaibigan at gusto kong malaman ang mga bagay na kaya ko pang gawin, gaya ng pag sali ko dito. Hindi ko alam na kaya ko pala, akala ko imposible para sa'kin ito pero kaya ko pala."

Ano bang kasinungalingan ang sinasabi mo Tine, syempre pumasok ka dito para mag hanap ng chicks. HAHAHAHAHAHA.

Binuksan ko na ang sobre at binasa ang nakasulat.

"Tine, mag kita tayo sa football field."

Sino naman kaya 'to? Hindi man lang nag iwan ng pangalan.

Imbis na mag reklamo pa, pumunta na ako sa football field ng aming University.

*FOOTBALL FIELD*

"Nasan kaya s'ya?"

May nakita akong babaeng nakatalikod kaya kinalabit ko sya at kinausap.

"Yes?" Tanong n'ya.

"Ano bang sasabihin mo nag mamadali ako at may practice pa kami ng cheerleading."

"Ha? Ako ba ang kausap mo?" Tanong uli nung babae.

"Oo. Diba ikaw yung nag bigay ng sulat na to." Sabay pakita ko sa kanya ng sulat.

"Hindi ahh! Ano ka si Nadech para bigyan ko ng sulat. Bastos na 'to!" Sabay lagad palayo si ate.

Ehh kala ko s'ya ehhh. Eh kung hindi sya edi sino?

"Tineeeeeeeeee!" Biglang sigaw nang kung sino.

Agad akong lumingon kung saan ko narinig ang boses ng tumawag sa pangalan ko.

"Bakit?"

"Tine Teepakorn, from the faculty of laws. I like you!" Dire-diretsyo niyang sabi na nag pa bigla sa akin.

O_O

"Ha!?"

- END OF FLASHBACK -

2getherWhere stories live. Discover now