DEMONS

2 0 0
                                    

SONG NO.5

DEMONS

🎶When the days are cold and the cards all fold. And the saints we see are all made of gold🎶

Napatingin ako dito sa katapat kong lalaki. Nagmamatyag siya sa paligid na tila may pinaghahandaang gawin. Panay din ang tingin niya sa guard na nakaposte sa labas ng pinto.

🎶When your dreams all fail and the ones we hail are the worst of all. And the bloods run stale🎶

"Next!" Narinig kong tawag nung accountant kaya naman muli akong umisod sa pila. Lumabas naman ang huli niyang inassist at nakita ko ang kapal ng pera na winithdraw nito.

Ako na ang kasunod sa pila kaya umayos na ako ng pwesto. Muli akong tumingin sa lalaking medyo malayo na sa tapat ko at napangiti siya.

Binalik ko ang ngiti sa kaniya pagkatapos ay  muling nagmatyag.

Naririto ako ngayon sa loob ng isang kilalang bangko sa aming bayan. Magarbo at engrande ang pasilidad kaya siguradong maraming pera sa kanilang kaha.

Malamig na hangin ang dumadampi sa aming mga balat sa lakas ng Aircon. Kaya naman dumadagdag ito sa kabang aking nararamdaman.

🎶I wanna hide truth, i wanna shelter you. But with the beast inside there's nowhere we can hide🎶

Nakakatense ang bawat tugtog ng musikang iyon na nanggagaling sa bluetooth speaker nila. Na tila sumasabay sa kabog ng dibdib ko.

"Next!" Ako na iyon. Agad ng umalis ang sinundan ko. Ang lalaking katinginan ko kanina ay naghanda na. Ipinasok niya na agad ang kamay niya sa loob ng kaniya bag.

🎶No matter what we breed, we still are made of greed. This is my kingdom come. This is my kingdom come🎶

Tumayo na ako at humarap sa isang makinis na babaeng accountant.

"What can I do for you, Sir?" Magiliw niyang sabi. Muli kong nilingon ang aking katinginang lalaki. Kumindat siya sa akin kaya naman nakampante ako.

Maya maya ay humarap ako sa accountant at sinuri ang loob ng counter nila.

"Sir?" Pag uulit niya ng hindi ko siya pansinin. Agad kong ipinatong ang bag ko sa ibabaw at madaliang kinuha ang laman nito pagkatapos ay itinutok sa accountant.

"Holdap to!"

🎶When you feel my heat look into my eyes. It's where my demons hide. It's where demons hide. Don't get to close it's dark inside. It's where my demons hide it's where demons hide🎶

"Holdap to!" Pag uulit ko sabay tutok ng baril sa kaniya. Nasa panahon ngayon ng pandemya kaya naman nakaface mask ako at hindi niya ako makikilala.

"Sir. Tulo.." Hindi ko siya pinatapos dahil tinakpan ko na ang bibig niya.

"Akin na ang lahat ng laman ng kaha at hindi kita sasaktan" utos ko sa accountant.

Lumingon ako sa lalaking katinginan ko na kasabwat ko sa operasyong ito at nakitang nakadapa na ang lahat. Tulog sa sahig ang guard habang tinatalian niya ito. Tagumpay.

"Sir, ito lang po ang laman ng kaha namin!" Nagningning naman ang mga mata ko sa nakita. Limpak limpak na salapi.

"Aabot ba ito ng isang daang libong piso?" Tanong ko sa accountant.

"Sobrang sobra pa po sir!" Nanginginig niyang sagot habang nakataas ang mga kamay.

"Bigyan mo ako ng isang daang libong piso!" Utos ko pa na kinabigla niya.

SHORT STORY PLAYLISTWhere stories live. Discover now