I LIKE YOU SO MUCH, YOU'LL KNOW IT!

5 1 0
                                    

SONG NO. 2

I LIKE YOU SO MUCH, YOU'LL KNOW IT!

"🎶I like your eyes, you look away when you pretend not to care.

I like your dimples on the corners of the smile that you wear..."

Yang kantang iyan ang palagi kong naririnig twing dumadaan ako sa tapat ng bahay nila Ivan. Hindi ko alam kung paborito niya ba iyon o ano? Tatlo lang kase sila sa bahay na iyon. Siya, ang mama niya at papa niya. Edi malamang siya ang nagpapatugtog non.

Magdadalawang buwan na mula noong lumipat sila sa baryo namin. Gwapo si Ivan at attractive. Simula ng lumipat sila dito ay siya na ang pantasya ng mga kababaihan dito sa amin. At siyempre kasama na ako doon.

May terrace ang bahay nila at kapag dumadaan ako sa tapat nila, kasabay ang tugtog na iyon ay nadoon siya at nakaupo. Madalas ko din siyang mahuling nakatingin sa akin. At palihim naman akong kinikilig.

Si Ivan iyon eh. Ang pantasya ng Baryo Maulat. Sa inaraw araw na pagdaan ko sa tapat ng bahay nila ay palaging ganoon ang senaryo. Kaya naman biglang nakabuo ako ng pag asa. Pag asa na baka sinasadya niya iyon para sa akin. Pag asang baka may gusto siya sa akin.

Isang gabi, dahil may aktibidad kami sa skul ay nalate ako ng uwi. Matalahib sa amin kaya naman nakakatakot maglakad. Pero wala akong choice eh. Binuhay ko ang ilaw ng flashlight ko para gawing pangtanglaw, ngunit napatigil ako sa paglakad ng may biglang tumawag sa akin.

"May!" napatalon pa ako sa gulat dahil sa pagtawag na iyon.

"Hahaha!" narinig kong natatawa yung tumawag sa akin kaya napalingon ako.

"I-ivan?" gulat kong tanong. Omaygash.

"Bakit mag isa ka lang. Delikado pauwi!" sabi niya at lumapit siya sa akin. Hala, anong gagawin ko.

"May activity kase sa Skul eh!" nahihiya kong sagot. Nakikipag usap siya sa akin eh. I kennat.

"Alam mo. Hatid na kita. Mapanganib masyado!" aya niya. Omaygash. Yes na ba agad? Ay hindi mahahalata ako masyado .

"Nako, nakakahiya. Kaya ko naman mag isa" sabi ko.

"I insist!" nakangiti niyang sagot. Wow, sobrang pogi niya lalo pag malapitan tapos nakangiti pa siya.

Iyon na siguro ang pinakamasayang gabi ng buhay ko. Mapilit siya eh kaya hinatid niya ako. Nakapag usap pa kami sa daan. Marami akong nalaman tungkol sa kaniya kaya ang saya.

This is a dream come true. Ang pantasya ng mga kababaihan ay hinatid ako sa aming bahay.

Dumaan pa ang mga araw at linggo. Mula sa pagiging strangers na may pasimpleng tinginan ay napunta sa pagkakaibigan. Naging malapit kami ni Ivan sa isa't isa. Araw araw niya na akong hinahatid pauwi ng bahay. Kaya naman ang mga nakakakita sa amin ay nanggagalaiti sa akin ngunit wala akong pake. Akin na ang atensyon niya at ayokong mamahagi.

Sa paglipas pa ng mga araw ay tila nahuhulog na ako ng tuluyan. Mabait siya at maalaga. Masasabi kong perfect partner siya sa akin. Lalo ng sinabi niya sa aking 'I like you so much'

Masyado akong nadala sa mga ganon niya kaya napasabi din akong gusto ko na siya. Sa puntong iyon ay mas naging mabait at maalaga siya sa akin. Akala ko ay perfect ang lahat.

Ngunit hindi pala.

Isa araw ay muli akong ginabi sa aking pag uwi. Bagaman at palagay ang loob ko sa kaniya kaya nagpahatid ako. Nakahawak ako sa braso niya ng mga panahong iyon.

Ngunit napabitaw ako ng biglang gumalaw ang kamay niya papunta sa aking hita.

"Ivan!" sita ko sa kaniya dahil sa pagkagulat.

SHORT STORY PLAYLISTWhere stories live. Discover now