NARDA

2 0 0
                                    

SONG NO. 6

NARDA

🎶Tila ibon kung lumipad, sumabay sa hangin ako'y napatingin sa dalagang nababalot ng hiwaga🎶

"Tagay pa!" Sigaw ko dito sa mga kasama ko. Araw ngayon ng biyernes at sahod kaya naman nagkayayaan kaming mga trabahador na mag inuman. Lima kami dito, ako, si Garry, si Mar, si Joshua at si Jon. Maraming pulutan at alak. Pero may kulang, kulang ng chix. Haha.

Namiss ko na din ang huling beses na may isinama kami ditong babae sa baracks. At hindi ko rin malimutan ang mga naganap ng gabing iyon. Nakakamiss. At bigla akong kinilig.

Mag aalas dose na rin ng gabi kaya naman walang ng ni isa sa mga kasama kong ito ang matino. Ako na lang. Eh ako lang naman ang pinakamalakas uminom sa mga ito eh. Mahihinang nilalang. Agad kong ibinuhos ang beer sa mga baso nilang may mga lamang yelo.

Ang iba ay nahihilo na ngunit ang iba ay gusto ng sumuko. Pero ako ay hindi. Kaya naman kumampay ako at nagsunudan sila.

🎶Mapapansin kaya sa dami ng iyong ginagawa. Kung kaagaw ko ang lahat may pag asa bang makilala ka🎶

Napahinto ako ng makaamoy ng alingasaw.

"Anong amoy iyon?" Tanong ko sa mga kainuman ko ngunit mga pabagsak na sila. Inamoy amoy ko ang damit ko pati paligid ngunit hindi ko maamoy kung saan iyon nanggagaling.

🎶Awit na nananawagan baka sakali na pakikinggan. Pag-ibig na palaisipan sa kanta nalang idaraan🎶

Tila nabuhayan naman itong mga kasama ko ng sumapit sa chorus ang kanta. Pinalakasan ko pa lalo ang selpon kong tumutugtog para mas mabuhay sila.

🎶Nag aabang sa langit. Sa mga ulap sumisilip. Sa likod ng mga tala. Kahit sulyap lang Darna🎶 sabay sabay naming kanta na kahit wala sa tono ay ayos lang.

*blag*

Napatingin kaming lahat sa tapat ng pinto.

"Ano yun?" Tanong ni Jon na parang natatauhan na.

"Baka si Engr. yun. Ang ingay kase natin. Tahimik na kayo. Ako na kakausap" sabi ko sa kanila na parang pinaparating na wag mabahala ,ako ang bahala.

Tumayo na ako sa aking pwesto upang buksan ang pinto ng baracks namin na yari lamang sa isang flywood.

"Sino yan?" Agad kong tanong ng buksan ang pinto. Ngunit isang malamig na hangin lamang ang sumalubong sa akin. Nasan yun? Ginala ko ang paningin ko ngunit wala namang tao. Baka kahoy lang iyon na nalaglag sa scafold.

"Anong sabi?" Salubong sa akin ng mga kasamahan ko. Nalilinawan na sila maliban kay Garry.

"Walang tao eh. Kahoy lang ata." sagot ko naman.

"edi tuloy ang inuman." Nakangising sabi ni Joshua.

Muli niyang pinuno ang aming mga baso upang muling uminom. Ngunit nakakalahati pa lamang namin ang laman ng baso ng.

*blag*

Napahinto kaming muli.

"Ano ba yun?" Nainis na ako kaya agad akong lumabas ng pinto. Ngunit gaya ng kanina ay malamig na hangin muli ang sumalubong sa akin.

SHORT STORY PLAYLISTWhere stories live. Discover now