Prologue

181 27 31
                                    

Prologue

Mag-gagabi noong araw na 'yon ng pumayag si Ellie na makipagkita kay Caden. Kahit pa alam niyang busy siya dahil malapit na ang graduation at tinambakan sila ng assigments at projects.

"Bakit mo ba ako pinapunta dito?" Tanong ni Ellie kay ng makita ang lalaki sa labas ng hotel. Nakasandal ito sa sasakyan nito. Nakayuko lamang si Caden at nilalaro ang bato sa kanyang paa, nahihiyang ipakita ang mukha sa dalaga.

Mula sa likod nito ay may nilabas siyang malaking bagay na pulang-pula at mabango. Binigay niya ito kaagad sa dalaga na nagulat sa kanyang ginawa.

"For you, Ellie." Sa nahihiyang sabi ni Caden.

"Hindi ko naman birthday bakit mo ako binigyan ng bulaklak." Si Ellie, alam niyang kinikilig siya sa ginawa ng Caden pero naisip niyang maaga pa para doon kaya tinago niya muna.

"Birthday lang ba ang dahilan para magbigay ng bulaklak?" Sagot naman ni Caden sa kanya. He cleared his throat at pinunas ang butil ng pawis sa gilid ng mata.

Tumahimik muli silang dalawa at tanging ingay ng dumuduyan na puno ang kanilang naririnig.

Binasa ni Caden ang labi nito. Kailangan niya ng kumilos at tapangan ang sarili dahil kung hindi ay baka mahuli na ang lahat.

Nilapit niya ang distansyang naglalayo sa kanila ni Ellie. Si Ellie naman dahil sa sobrang kaba ay pilit na lumalayo.

"Huwag kang lalayo hindi kita makukuha niyan." Sa normal ngunit may laman na sinabi ni Caden.

Tumigil si Ellie sa sinabi ng binata. Hindi niya man sigurado ang nangyayari pero nangingibabaw na ngayon ang kaba.

Lumapit muli sa kanya si Caden, this time closing the gap between them.

"Ellie... shit!" Tumikhim si Caden dahil tila nawala ang mga salitang unang nasabi, luckily nabawi rin naman niya. " I know I've been harsh for you this past few weeks. Naguguluhan kasi ako eh. But this time I wanted it to make it real."

"Anong make it real ka dyan? Hoy! Siraulo ka ah?! May sakit ka ba? Sumapi ba sa'yo ang guardian angel ko?!" naghihisterikang sinabi ni Ellie habang pinadampi ang palad sa noo ni Caden, pinapagaan ang sitwasyon. Sa totoo lang kasi nanlalamig na siya. Ang ginaw tapos nakagown lang siya.

Hinubad ni Caden ang suit nito at nilagay sa kay Ellie pagkatapos ay hinuli ang kamay ng dalaga at nilagay 'yon sa dibdib niya.

Ellie was taken a back. Kinagat nito ang ibabang labi dahil naramdaman niya ang napakalakas na pintig ng puso ng binata. Binuka nito ang bibig para makapagsalita pero mas nangibabaw sa kanya ng kaba.

"Seryoso kasi ako, e!" Natatawang nasabi na lamang ni Caden. Si Ellie naman ay halos maging estatwa na dahil hindi na gumagalaw.

"Ellie magiging honest ako. Naging indenial ako sa feelings ko para sa'yo akala ko kaibigan parin turing ko sa'yo, e pero noong nakita kita kasama si Reinhardt nakaramdam ako ng takot. Ayoko ng ganun, Ellie. Gusto ko sa'kin ka lang kaya..." Caden run his hands on Ellie's hair.

"Will you be mine?"

Nanlaki ang mata ni Ellie dahil sa unang pagkakataon ngayon lang siya nakaranas ng ganito. Ano ba dapat sasabihin niya? Requiered ba na may sasabihin sa sitwasyon nila ngayon?

Pero mas nagulat siya na galing pa ito sa taong kinaiinisan niya! Noon.

Ellie's mind are filled with unending thoughts. On the other hand, Caden was still nervous. Pinakapalma nito ang sarili sa pag-buntong hininga.

"May gusto ka sa akin?!" Gulat niyang tanong. Sa tagal tagal nilang magkasama ngayon lang ni Ellie nalaman na matagal na palang may feelings sa kanya si Caden.

"Matagal na uy! Nilandi mo kasi ako, e! Ayon natamaan tuloy ako!"

"Kapal ah!"

"Sakto lang. Ano na? sagot agad! Will you be mine or mine?"

"Pareho lang 'yon, e!" Reklamo nito.

"Kasi nga wala kang choice! Wala kang kawala sa'kin Eleanor Monchavez." Si Caden at kumindat sa babaeng nagustuhan.

"Pag-iisipan ko pa."

"Pucha! Ang haba ng hair!"

"Naman! Ikaw may gusto sa akin kaya magtyaga ka!"

Tila napanghinaan ng loob si Caden sa binitawan ng babae pero kahit ano pa 'yan ay hindi siya magpapatinag. Para saan pa't naghirap siya ng ilang taon dito.

"Kahit gaano pa katagal 'yan. Basta ikaw end game ko, Okay ba....?

Walang masabi si Ellie nang magtapat sa kanya ang lalaki. Hindi niya inaasahang sasabihin 'yon ng binata sa kanya.

Ganoon na nga ba siya kamanhid para hindi maramdaman ang kinikilos ng binata para sa kanya?

"Gusto kita Ellie. Tandaan mo 'yan. Lagi't lagi para sa'yo."

-----

Fearless (Taylor Swift Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon