SPOKEN?

5 2 0
                                    

'walang titulo, parang kayo walang label'

Sa likod ng mga ngiti
Ay may natatagong pighati
Sa likod ng mga tawa
Ay may lungkot na nadarama
Alam mo minsan hinihiling ko
Na sana sa panaginip nalang ako nakatira
Kase sa twing ipipikit ko ang aking mga mata
Nakikita ko ang sarili kong kasama ka
Na totoo lahat ng tawa at ngiti
Dahil ikaw ang nasa tabi
Na masaya ako pag kasama ka
Kaya minsan ayaw ko nang magising pa
Kase sa panaginip lang kita nakakasama
Sa panaginip ko lang nakikita ang sarili ko na masaya
Kase kasama ka
Pero alam mo ba?
Na sa pagmulat ng aking mga mata
Sasalubungin agad ako ng mga luha
Na para bang ako'y kinakamusta
Dahil sa totoo lang hindi kita pwedeng makasama
Na hindi tayo pwede sa isa't isa
Kase Siya ang pinili mo
At kaibigan mo lang ako
Hindi naman sa pagmamayabang
Pero mas mahal na ata kita kesa sa sarili ko?
Na kahit anong pilit kong kailmutan ka
Ay pilit ka pa ring bumabalik sa aking ala-ala
Kaya't hinihiling ko na sana sa panaginip nalang ako nakatira
Kung san kasama ka

One Shot + Tula + SpokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon