"LABAN O PAALAM"
Nandito ako sa punto ng buhay ko
Kung saan naiisip ko ng sumuko
Pagkat gulong -gulo na ang aking isipan
Kung ipaglalaban pa ba kita o tuluyan ng kakalimutanNais ko sanang lumaban
Ngunit pagod na ang aking isipan
Sapagkat maraming umiikot na katanungan
Kagaya nangg binalewala mo ako ng biglaanOo mahal na mahal kita
Pero bakit mo ako laging sinasaktan
Akala ko ba mahal mo rin ako
Pero bakit mo dinurog ang aking pusoAno bang nagawa ko?
Para saktan at pahirapan mo ako ng ganito
Ginawa ko naman ang lahat
Pero bakit para sayo hindi parin ito sapat?Naalala ko nung ikaw at ako ay bago pa
Bawat sandali mo akong pinapatawa
Pero nawala ng parang bula
Mga ngiti sa labi ko'y bigla nalang nawalaBigla ka nalang nagbago
Sabi ng puso ko laban pa!
Sabi naman ng isip ko tama na
Alin ba ang dapat kong paniwalaan?
Bakit hindi magkatugma ang sinasabi ng aking puso't isipan?Gusto kong maghanap ng dahilan para maging matatag pa
Dahil sabi ng puso ko mahal parin kita
Gusto ko sanang sumugal pa
Kahit ako'y luging-lugi naGusto ko pa sanang lumaban
Pero ikaw mismo tuluyan na akong kinalimutan
Hindi ko din alam kung magpapaalam na ba
Dahil sa totoo lang mahal na mahal parin kitaHindi ko alam kung tama bang sumuko na ako
Kasi kahit ikaw, pinili nang lumayo
Nandito ako sa punto ng buhay ko
Kung saan napapagitnaan ako
Nang sitwasyong nagpapahirap sa sarili koLalaban pa ba?
O magpapaalam na
Mamahalin pa rin ba kita?
O hahayaan na kitang maging masaya
BINABASA MO ANG
One Shot + Tula + Spoken
RandomEy yow! One shot Story lang to vro Open for criticism yah! Enjoy Reading HAHAHAHAHAHHAHHA