Mahal ako sana'y iyong patawarin
Lagi na lamang kitang nasasaktan, pasensya na
Nais ko lang na iyong malaman
Na tunay ang aking nararamdaman
Huwag mo akong tanungin ng kadahilanan
Dahil ako mismo hindi alam ang kasagutan
Ako'y iyo, ikaw ay akin
Malayo ka man sa akin
Ikaw parin ang aking pipiliin
Ikaw at ikaw parin ang mamahalin
Sa paglipas ng bawat araw
Isa ka sa aking mga tanglaw
Na nagbibigay ng sigla at kulay
Sa magulo kong buhay
Bata pa tayo alam ko
Ngunit hindi naman natuturuan ang puso
Iyon din ay alam mo
Hindi ba?
Mahal Kita, Mahal Kita
Ngunit alam ko at ramdam ko
Na mas mahal mo ako
Lahat ng sakit na pinagdaanan ko
Tinatabunan mo ng pagmamahal mo
Hindi ko lubos maisip kung bakit ko ito nadarama
Naramdaman ko nalang bigla at ng kusa
Puso ko na ang pumili sayo
Bakit ko pipigilan ito?
Hinding hindi ako magsisisi na mahalin ka
Higit kapa sa sobra sinta
Kulang ang salitang mahal kita
Upang iparating ang aking nadarama
Napaka swerte ko kung iisipin
Na ikaw ay hindi kanila dahil ikaw ay akin
Kahit palagi kang tinotoyo
Kahit palagi kang nagtatampo
Lagi mong tatandaan at itatak sa puso at isip mo
Sayong sayo lang ako
At hindi 'yun magbabago
BINABASA MO ANG
One Shot + Tula + Spoken
Ngẫu nhiênEy yow! One shot Story lang to vro Open for criticism yah! Enjoy Reading HAHAHAHAHAHHAHHA