Ariwanas

20 0 0
                                    

Sa buong Ariwanas meron mga ibat ibang butuin na pumapalibot rito, may ibat ibang buhay at ibat ibang layunin. Sa butuin nang Sirius naninirahan si Astrea isang ulila, siya'y magandang dalaga. At sa butuin nang Canopus naninirahan si Astraios isang magiting na prinsipe Anak nang Diyos ng Ariwanas. Ang buong Ariwanas ay may patakaran na dapat magkahiwalay ang mga nilalang na magkaiba ang pinaninirihan na butuin.... Isang araw napag isipan ni Astraios kung anong itsura nang ibang butuin kaya napagisipan niyang lumipad pupunta sa butuin nang Sirius dahil iyon ang isa pinaka maliwanag at malapit na butuin sa Canopus, Nag palit siya ng kasuotan at lumipad siya nang walang pasabi kahit Ito'y pinagbabawal. Nang nakarating siya sa butuin nang Sirius. Di siya kagaad pinapasok nang mga bantay na anghel dahil siya ay hindi namumukaan sa lugar, pero dahil matalino si prinsipe Astraios nakumbinsi niya ang mga bantay at siya ay nakapasok nang maayos, lumibot siya at nakita niya kung gaano kaganda ang butuing Sirius. Naglakad siya na parang ordinaryong mamayan nang Sirius. At dahil namangha siya sa lugar di niya na nakita ang kanyang dinadaan at nabangga niya si Astrea na may dala na mabigat na bagay at lahat nang dala ni Astrea natapon. Agad namang humingi nang pasensya si prinsipe Astraios, pero nagalit si Astrea habang pinupulot ang kanyang dala, tumulong ang prinsipe sa pagpulot pero sinabi ni Astrea "Wag na, wag kana tumulong, kaya ko to! sabagay ikaw lang din naman ang rason kung bakit natapon ang lahat nang dala ko!!" napatingin ang prinsipe dahil ngayon lang siya nakikita nang babaeng ganon ang ugali, dahil sa Canopus mahinhin kung kumilos ang mga babae doon, napatulala si prinsipe Astraios sa ganda ni Astrea at sinabing "Sa ganda niyang iyon, ganon ang ugali". Umalis kaagad si Astrea matapos mapulot lahat nang dala, Gusto sana tanungin nang prinsipe ang kanyang pangalan kaso bigla nalang siyang umalis... Makalipas ang ilang araw, nalaman ito nang Diyos ng Ariwanas, pinaghahahanap si prinsipe nang mga kawal nang Diyos, napagusap-usap din ito sa buong Ariwanas kung kaya't nalaman agad nang prinsipe na pinaghahahanap siya, sinubukan nang prinsipe bumalik sa Canopus pero siya'y di nag tagumpay, bigla nalang may humawak sakanyang braso.. nagulat at lumingon ang prinsipe at si Astrea pala, sinabi nang prinsipe "Namumukaan kita, hindi ba ikaw yung babae kahapon?" Sagot ni Astrea "Alam ko binabalak mo, sinusbukan mong tumakas diba?" Nagulat si prinsipe Astraios at tinanong paano mo alam? Ang sagot ni Astrea sa tingin palang, Alam ko nang di ka taga dito, matutulungan kita sa problema mo pero may kabayaran" "kahit ano basta matulungan mo ako" sagot ni prinsipe Astraios. Lumipad sila patungo sa lugar na walang masyadong makakaalam sa lugar kung saan may malaking puno na kumikintab sa ganda. "dito ka muna mananatili, babalik Ako, bibigyan kita nang makakain" Sabi ni Astrea, patuloy parin nag-hahanap ang kawal nang Diyos. Makalipas ang ilang linggo nagalit nang lubusan ang Diyos at siya na mismo ang naghanap sa prinsipe, hindi nakakagulat at natagpuan kaagad nang Diyos si prinsipe Astraios, Dahil sa galit nang Diyos hinatulan ng kamatayan ang prinsipe. Biglang dumating si Astrea nagulat siya at di makagalaw, lumingon ang Diyos at sinabing "Sino ka naman?" "Ako po si Astrea" ang sagot ni Astrea na pabulong na sinabi nang prinsipe "Astrea, Astrea pala ang iyong pangalan" Ang sabi nang Diyos "Astrea ano ang koneksyon mo sa aking anak?" Di makasagot si Astrea, at bigla nalang Sinigaw na "AKO NALANG PO ANG IYONG PARUSAHAN, WAG NA SIYA, ANAK MO SIYA MAHAL NA DIYOS, AKO PO ANG NAGDALA SAKANYA DITO PATAWAD!" "ANO BA PINAGSASABI MO? AKO ANG DAPAT ANG HUMARAP SA PROBLEMA KO, HINDI IKAW, NI HINDI MO PA AKO MASYADONG KILALA!" Sabi ni prinsipe Astraios, "Nakakamangha ka naman, mag sasakripisyo ka sa taong di mo pa masyadong kilala, MGA HANGAL SA TINGIN NIYO MALOLOKO NIYO AKO SA MGA SALITA NIYO!" Sabi nang Diyos... Makalipas ang ilang araw hahatulan na ang dalawa nang kamatayan "bakit mo ginagawa to sa sarili mo?" Tanong nang prinsipe "kahit anong Parusa, kamatayan man yan haharapin ko, para sayo." Sagot ni Astrea nagulat ang prinsipe "hindi mo dapat ginagawa ito, di mo pa ako masyadong kilala, at bakit?" paiyak na sinasabi nang prinsipe. "ILABAS ANG MGA PUPUTULAN NANG PAKPAK AT BIBITAYIN" pasigaw na sabi nang isang kawal, "prinsipe Astraios, Alam ko di pa tayo masyadong magkakilala, pero nung una, palang alam ko nang isa kang mabait na tao di ko alam kung bakit ang sama nang pinakita kong ugali sayo, akala ko, isa ka sa mga tao dito. Kasi buong buhay ko ni isa wala man lang gustong tumulong o kumausap saakin, nagulat nga ako't sinubukan mo ako tulungan kahit ganon ang pinakita kong ugaling sa'yo, nalaman ko din na hindi kagaad na di ka naninirahan sa butuin na ito, dahil sa butuin nang Sirius walang may gusto tumulong saakin, lagi kong nararanasan ang pagpapahirap na ginawa nila saakin, lumaki akong wala ang aking mga magulang saaking tabi dahil sinuway nila at kautusan nang Diyos ang iyong ama, ginawa din nila ang iyong ginawa lumipad sila papunta sa butuin nang Alpha Centauri, dahil sa kagustuhan nilang lumipat ng pinaninirahan. At dahil doon hinatulan sila nang kamatayan, bagong silang palang ako noon at ni isa walang gustong kumupkop saakin dahil anak ako nang mga traydor sa Diyos, pasensya na prinsipe kung ako ang kasabay mong mamatay, prinsipe ka at isa lamang akong ulila." umiiyak ang prinsipe habang nakatingin kay Astrea at sabi "Sa totoo lang, gusto ko na din maging tahimik ang buhay ko, oo ako ay isang prinsipe, mayroon akong kayamanan, nakatira ako sa isang magarbong malaking kastilyo, ang aking ama ay ang Diyos ng lahat ng mga bituin, ngunit hindi ko pa rin matagpuan ang kaligayahan sa buhay, lumaki ako nang hindi ko alam kung sino ang aking ina, at ang aking ama ay palaging abala, parang wala siyang oras para sa akin, hindi ko na kinaya, alam kong bobo ang ideya na aking naiisip at ginawa ngunit upang mapunan ang aking kasiyahan at maisagot ang aking mga katanungan. Ginawa ko ang isang maling bagay, kahit na mamamatay ako, ang makilala kita ang pinakamagandang nangyari sa akin at wala akong pinagsisisihang mamatay. Masaya akong nakilala kita, at ayos na akong mamatay kasama ka" Paiyak na sinasabi ni Astraios. Sinimulan na ang pabitay sa dalawa, hawak kamay sila habang nakabitin at nawalan na nang buhay... wakas

Ariwanas Where stories live. Discover now