"Shendy matagal ka pa ba?" Tanong ko habang nasa pinto ako ng kwarto n'ya. Nagbibihis pa kasi sya no'ng datnan ko rito. Mag a-apply kasi kami balak naming mag working student since nahihiya na rin akong umasa sa tita ko at s'ya naman sa magulang n'ya."Malapit na ako!" Sigaw nito sa loob ng kwarto.
Umupo na lang muna ako sa sala nila. Mabuti na lang mamaya pang alas dose pasok namin, may panahon pa akong magreview review ng kaunti. Balak kasi namin ni Shendy mag-apply sa convenience store malapit dito para atleast 'di kami magahol sa pag punta.
"Tara na beh, requirements mo ba okay na?"
Napatango naman ako.
"Uy sorry ha. Naghanap kasi ako ng matinong damit. Alam mo naman mga damit ko di ba?" Natatawa n'yang sabi. Natawa na lang din ako.
Nagpaalam na siya sa mga magulang n'ya. Nakakainggit kahit papaano kasi buo at masayahin ang pamilya nila Shendy ako kasi wala na e. I mean di naman sila patay may kan'ya-kan'ya lang silang pamilya. Iniwan lang kami ng kapatid ko sa tita ko kapatid ni mama pero okay lang din kaysa naman iparadam nila na hindi kami belong sa kanila mas hindi okay yun 'di ba? Yung kapatid ko naman 'di naman s'ya pabigat kaya 'di rin ako namomroblema.
"Huwag na tayo maglakad ha? Papagod ako baka magmukha akong tae mamaya."
"Sige." Sabi ko.
Naghintay naman kami ng tricycle, nakakaramdam na rin ako medyo ng antok siguro ay dahil sa maaga rin kaming nagising para na rin maasikaso kami.
"Oh, eto na. Aila!" Agad naman akong pumasok sa tricycle.
"Lutang ka ba?" Natatawa n'yang sabi. Natawa na rin ako.
"Inaantok na kasi ako." Saad ko.
"Pag-uwi na 'tin saka ka na mag-gan'yan nako, baka mawala ka sa wisyo kapag kinausap o iinterview ka mamaya."Umiling lang ako. Bahala na.
Nakarating na kami sa convinience store na balak naming pag-apply-an medyo marami ring tao ang nasa loob kaya ayun 'di ko maramdaman yung aircon.
"Sir, hiring po ba kayo?" Tanong ni Shendy sa guard.
"Pasa n'yo na lang 'yan doon sa cashier mga ganda." Natawa naman ako sa reaksyon ng kaibigan ko lang'ya.
"Huwag naman gan'yan, Sir! Rawr! De joke, salamat Sir." Natatawang saad ni Shendy. Nakakahiya lintik.
Dumiretso kami sa loob para ipasa yung resume namin tsaka mga ibang requirements, grabe rin nagastos namin sa mga requirements na 'to, may mga kulang pa nga e. Yung mga pilang sobrang haba jusko talaga. Pero basta magkatrabaho at kumita keri lang, laban lang.
"Magandang Umaga po, mag papasa lang po kami requirements." Nakangiting kong sabi sa lalaking nakatalikod sa may counter.
"Ah, mga mag-a-apply."
Humarap ito sa amin , gano'n na lang din ang gulat ko sa nakita ko.
"Uy, Kuya!"
"Oh, Aila."
Si Kuya Eddie, siya yung may ari ng computer shop na lagi kong pinupuntahan, suki na kasi ako roon. Kaya nagulat ako ba't s'ya nandito. T'saka yung dati nilang pwesto ng computer shop ngayon convenience store na rin. Nasa second floor na yung computer shop nila.
"Ba't ho kayo nandito?" Tanong ko.
"Ah akin din kasi ito. Oh, nag-a-apply kayo hindi ba? Sakto naghahanap din kami nang tatao rito lalo na sa gabi. Kulang kami ng apat." Sabi nito.
Natuwa naman ako. 'Di na namin kailangan pa mag punta sa ibang lugar na malayo. Siguro someday mag fa-franchise na lang din ako ng convinience store mukhang malaki ang kita sa mga ganito 'e.
YOU ARE READING
Hi, Sir. I love you!
Romansa"Aila, try mo kaya 'tong dating app na ito. May makikilala ka raw na koreano rito." singit ni Shendy habang nagtitingin-tingin ako ng damit sa online. Tinignan ko naman yung app na sinasabi n'ya, bale ido-double click mo lang yung picture tapos bigl...