chapter three

3 6 0
                                    


Cyrus




"Oh anak bakit ang aga mo naman atang umuwi?" Gulat na tanung ni mama pag ka uwi ko nag mano naman ako sa kanya.




"Ah kasi po mama sabi ni principal bukas na daw po kami mag sisimulang pumasok.alanganin na daw po kasi kung papasok pa daw kami ngayun kaya umuwi na lang po ako ng maaga para matulungan kayo!" Sagot ko Kay mama.






"Ah ganun ba oh sige na mag palit kana ng damit mo!" UTO's sa akin ni mama.





"Sige po!" Sabi ko na lang saka na ako nag palit ng damit.





Habang nag bibihis ko bigla kung naalala yung ng yari kanina grabe kinabahan talaga ako kanina ramdam ko rin ang pag bilis ng tibok ng puso ko nung malapit siya sa akin.akala ko talaga hahalikan niya ako.Hindi pala pero mas maganda sana kung tinuloy niya.





Ah Cyrus bakit kaba nag iisip ng ganyan tsk teka oo nga pala Hindi ko na laman kung anong pangalan niya ang daya Hindi niya sa akin sinabi at ano daw pag narinig niyang tinawag ko siya sa pangalan niya kami na seryoso kaya siya dun.





Ng natapos na ako agad naman akong lumabas ng kwarto at tinulungan si mama sa mga ginagawa niya.





"Sige anak mag pahinga ka na lang ako ng bahala dito" sabi sa akin ni mama.





"Hindi na mama dito na lang ako tutulungan kita!" Nakangiting sabi ko ngumiti naman siya sa akin saka kami nag patuloy sa pag gagawa ng natapos kami agad naman namin yung niligpit.





"Ma! mag luluto lang po ako ng gabihan natin!" Paalam ko Kay mama saka na ako umalis.nag Simula na akong mag saing saka nag luto ng ulam.pag katapos kung mag luto agad ko naman yun inihanda sa mesa.





"Mama kain napo tayo!" Tawag ko Kay mama.pag karating niya agad ko namang hinila yung upuan saka ko siya dun pinaupo.





"Ang sweet naman ng anak ko!" Nakangiting sabi ni mama napangiti ako saka ko siya yinakap sinandal ko yung baba ko sa balikat niya.





"Mama I love you!" Lambing ko sa kanya.saka ko hinalikan ang pisngi niya.





"Sige na umupo kana at ng makapag umpisa na tayung kumain." Sabi ni mama umalis na ako sa likod niya saka na ako umupo sa tabi niya.





"Hmm.. Mukang masarap ah!" Masayang sabi ni mama.





"Oo naman ako nag luto eh!" Nakangiting sabi ko saka ko siya nilagyan ng kanin at ulam sa Plato niya.





"Masarap nga pwede ng mag asawa ang anak ko!" Nakangiting sabi ni mama.





"Mama!" Sabi ko na lang.





"Haha nag bibiro lang ako pero alam mo anak ang swerte ng magiging girlfriend mo dahil sa bukod na malambing at masipag ka ang gwapo pa ng anak ko!" Masayang sabi niya sabay hawak sa muka ko.





"Mama naman ng bobola pa kumain na nga lang tayo!" Nakangiting sabi ko sa kanya natawala lang siya ng mahina saka na kami nag patuloy sa pag kakain ng natapos kami agad ko naman yun niligpit.





"Sige na ma ako na pong bahala dito matulog napo kayo!" Sabi ko Kay mama bigla naman niya akong yinakap sa likod ko.





"Salamat anak dahil nandiyan ka!" Masayang sabi ni mama humarap naman ako sa kanya saka ko hinawakan ang muka niya ngumiti naman siya kaya napangiti ren ako.





getting to knowWhere stories live. Discover now