Hindi na halos kayanin ni Serenity ang mga baryang nasa damit nya. Lumaylay na ang kanyang manggas dahil sa bigat ng mga baryang nakalagay sa damit nya na tatlong buwan nyang inipon. Ni hindi sya kumupit dito miski isang piso at umasa nalang sa pagkaing bigay ng mga tao o kaya ay napupulot nya sa basurahan.
"Oyy Serena ano yang dala mo?"
Nawala ang ngiti ni Serenity nang makasalubong nya ang grupo ng mga babae.
'Sila na naman' Sabi nya sa isip
"Serenity po ang pangalan ko hindi Serena."
Kahit na alam nyang kaedadan nya ang mga Ito ay gumalang pa rin sya. Tinitigan nya ang tatlong babaeng nasa harapan nya. Malinis ang damit, mapuputi ang mga kutis at magaganda, malayo sa kanyang isang pulubi lang, nakauniporme din ang mga Ito na kahit sa panaginip ay hinahangad nyang masuot. Sa totoo lang gagamitin nya ang perang naipon nya para makapasok sya sa paaralan.
"Ah whatever "
"Ano pong gagawin nyo?"
Napahakbang sya patalikod ng lumapit sa kanya ang mga babae. Hindi na bago sa kanya ang ganitong senaryo.
"Girls, hold her"
Wala syang nagawa ng hawakan na ng dalawang babae ang braso nya. Namuo ang luha sa mata nya at walang nagawa ng kuhanin ang lahat ng pera nya. Tatlo sila at wala syang laban.
"Pakiusap, maawa kayo. Ibalik nyo saken yan. "
Napapaos nyang sabi. Halos makiusap sya sa mga ito ngunit tinalikudan lang sya ng makuha na ang gusto. Nanghihinang napaluhod sya sa lupa habang umiiyak at nakikiusap.
Halos gapangin nya ang pisong nahulog mula sa mga pera nyang kinuha ng mga babae.
"Dito sa piso na ito ako nagsimula at hindi ko inasahan na dito din ako matatapos."
Sabi nya habang mahigpit ang kapit sa barya at lumuluha
BINABASA MO ANG
SERENITY
RandomSerenity Silang. Babaeng pinagkaitan ng lahat ng bagay sa mundo. Mahirap, naghihikaos at walang permanenteng tirahan. Isang kahig isang tuka ganyan sya kung ikukumpara. Sa murang edad ay napagmalupitan na nang tadhana. Nawalan ng magulang at pamilya...