Serenity P. O. V
Nakatanaw ako sa dalawang babaeng naguusap habang kumakain. Sa totoo lang ay hinihintay ko silang umalis at nagbabakasakaling may matira sa kinakain nila. Mukha kasing masarap ang pagkain at nagugutom na rin ako dahil wala pa akong kain simula kaninang umaga.
"Hoy anong ginagawa mo dyan?"
Napatingin ako sa likod ko at nakita si Selma na hindi ko alam kung saan nakatingin. Hindi ko sya pinansin baka kasi hindi ako ang kinakausap nya at nagkakamali lang ako.
Binalik ko ang tingin ko sa dalawang babae na saktong aalis na. Hayan na, aalis na sila.
Napangiti ako ng tuluyan na silang umalis. Lalapit na sana ako sa upuan na may tirang pagkain ng biglang may humigit sa damit ko. Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang pagkapunit nito."Hala, pasensya na Serenity hindi ko alam na luma na pala ang damit mo. "
Halos mangiyak na si Selma sa paghingi ng pasensya. Ganyan sya, kahit sa konting pagkakamali ay naiiyak sya.
" Selma naman ee, Ito na nga lang ang matino kong damit tapos sira na. "
" Pasensya na talaga, ikaw kasi tinatanong kita kanina tiningnan mo lang ako."
Ako pala ang kinakausap nya.
" Hindi ko rin naman kase alam na ako pala ang kinakausap mo, ikaw kase sa iba ka nakatingin"
Napatigil sya sa pagpupunas ng luha at tiningnan ako ng masama.
"Napakasama mo talaga. Inaasar mo pa ako."
Ha? Nasan ang pangaasar sa sinabi ko? Haaay si Selma talaga.
"Oyyy Selma intayin mo ako"
Napangiti ako ng bilisan nya ang paglalakad para hindi ako makahabol.
Simula ng isinilang ako ay iminulat na ako ng mga magulang ko sa kung ano talaga ang kalagayan ng mundo, kung anong uri ng mga tao meron sa ibabaw na kinalalagyan ko, at kung sino sino ang dapat kong kabilangan. Bata palang ako ay itinuro na nila sakin kung paano pahalagahan ang mga taong nasa tabi mo dahil hindi mo hawak ang oras, tadhana ang magdidikta kung anong mangyayari sa kasalukuyan. Ginawa ko ang mga sinabi nila, isinapuso at isinagawa ngunit merong pagkakataon na tinananong ko ang sarili ko
kung ito na ba? Ito na ba ang sinasabi nila na hindi lahat ng tao ay makakadanas ng magandang buhay? na ang lahat ay ginginhawa lamang sa pamamagitan ng pagsusumikap?, sa ilang taon ko nang nagsisikap hanggang ngayon hindi ko pa rin matamasa ang kaginhawaang sinasabi nila. Hindi ko alam kung alin ba ang totoo sa sinabi nila. Ngunit gayunpaman ay umaasa pa rin akong balang araw, matatapos din ang lahat ng paghihirap ko."Ano na Serenity? Tutunganga ka nalang ba dyan?"
Napabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Selma na naghihintay pala sakin. Nakangiti na sya ngayon at kinukumpasan akong lumapit sakanya. Napangiti ako ng mapait, ngayon napagtanto ko na ito ang reyalidad ko, na meron akong kaibigan na naghihintay at nagmamahal sakin, na gigising ako sa umaga para harapin ang mga pagsubok na naghihintay sakin sa mausok, maingay at maduming kalsada.
"Oy ba't kaba natutulala dyan. Hala!! hindi ako galit ha, nagtatampo lang ako."
Pilit akong kinukumbinsi ni Selma na hindi sya galit at nagtatampo lamang kahit na sinabi ko nang wala lang yun sakin at sanay na ako sa pagaalboroto nya.
"Kumain nalang kase tayo Selma"
Niyakag ko si Selma na kainin yung tirang pagkain nung dalawang babae kanina. Pasalamat ako sa Panginoon dahil ang dami nilang natira. Buti nalang at hindi nila tinapon.
"Hehe, ito pala ang tititingnan mo kanina? Grabe ang sarap naman neto, ano bang tawag sa pagkain na Ito?"
Tiningnan nya ang parisukat na kahon at pilit na binabasa ang nakasulat at nung hindi nya Ito nabasa ay sumuko nalang sya.
"Haaaays!!! Ano ba yan Wala akong naintindihan, basahin mo nga Serenity."
Kahit papaano ay marunong akong bumasa tinuruan kase ako nina nanay nung pitong taon palang ako bago sila pumanaw.
"Pizza kase ang basa dyan"
"Picha?"
"Pizza"
Tinuruan ko syang banggitin ang mga bawat letra hanggang sa makuha na nya ang tamang basa.
"Alam mo preynd matalino ka e."
Sabi nya.
"San mo naman makuha yan?"
"Ha? Alin?"
"Yan kakong preynd na sinabi mo. Ngayon mo lang nabanggit ang salitang yan."
Napatigil sya sa pagkain
"Narinig ko lang yan don sa dalawang naguusap kanina. Ang ganda lang ng banggitin nila pero nong ako na ang bumanggit bakit parang pumanget?"
Natawa ako.
" Pero alam mo ba ang ibig sabihin nung 'preynd' na sinasabi mo?"
" Huh? Meron bang ibig sabihin yun?"
" Oo at ang ibig sabihin nun ay kaibigan."
Nanlaki ang mga mata nya na napatingin saken.
" Talaga? Ibig sabihin magkaibigan Ang dalawang babaeng narinig ko kanina?"
Tumango ako.
" Hmmm, preynd..kaibigan, Aha !! Alam ko na, dahil magkaibigan naman tayo bakit Hindi nalang ganun ang tawagan natin? Ang ganda diba preynd HAHAHA."
Napatitig ako sa pagtawa nya. Sa kabila nang nararansan namin sa gitna ng kalsada at sa tirik na araw ay nakukuha nya pang ngumiti at tumawa na parang bang hindi napapagod sa ilang basurahang kinalkal, ngawit ng kamay dala ng panlilimos makakain lamang.
"Tapatin mo nga ako Serenity, may sakit ka ba at natutulala ka dyan? Hindi ka naman ganito ah "
Naramdaman ko ang palad nyang dumampi sa noo ko.
" Wala akong sakit, masaya lang ako dahil magkasama tayo."
Dinunggol nya ang braso ko.
" Ano ka ba syempre preynd tayo e"
At sabay kaming ngumiti.
Napakasaya ng araw na iyon. Ang matawag kang preynd nang nagiisa mong kaibigan ay wala nang katumbas na kasiyahan, tumawa habang kumakain ng tira ng ibang tao ay masaya na para samin.
Tama nga sya hindi dapat pinoproblema ang problema. Ngayon natagpuan ko na ang taong hindi ako iiwan, taong sasamahan ako patungo sa walang direksyon at masaya ako don. Presensya lang ng bawat isa ay masaya na kami.
"Araaay"
Napadaing si Selma ng matusok sya ng karayom. Tinatahi nya kasi ang damit kong nasira kanina. At dahil wala naman na akong matinong damit kundi ito ay wala syang nagawa kundi ang tahiin ito.
"San mo naman nakuha yang mga Yan Selma?"
Turo ko sa panahi at karayom na nakalatag sa sahig ng barong barong naming bahay. Dito na kami dumeretso kanina nung makakin kame dahil nakikita na daw ang likod ko sabi ni selma.
"Ah eto? Hiningi ko dun sa tahian sa bayan. Humingi rin ako na labis na tela para naman makagawa tayo ng panibagong damit."
Napangiti ako. Napaka bait talaga ni Selma.
Hindi sya gumagawa ng pansarili nya lang. Ang lahat ng meron sya ay meron din ako. Wala man kaming materyal na bagay na katulad ng iba pero meron naman kaming isat isa na maaring sandalan sa oras ng problema.
BINABASA MO ANG
SERENITY
RandomSerenity Silang. Babaeng pinagkaitan ng lahat ng bagay sa mundo. Mahirap, naghihikaos at walang permanenteng tirahan. Isang kahig isang tuka ganyan sya kung ikukumpara. Sa murang edad ay napagmalupitan na nang tadhana. Nawalan ng magulang at pamilya...