KABANATA 2

12 0 0
                                    

Kung dati nagigising ako dahil sa ingay nang mga makina na nanggaling sa nanggagandahang sasakyan, ngayon naman nagising ako dahil sa sigawan na nangyayare sa labas.

Kinusot ko ang mata ko bago bumangon at hinawi ang tagpi tagping telang nagisilbing  pinto namin.

"DALIAN NYO NANDYAN NA ANG MGA PARAK !!"

Sigaw ng karamihan na talaga namang ikinagulat ko. Nagtatakbuhan ang mga batang mugmog dala dala ang kanilang mga gamit. Natanaw ko si Selma na may bitbit na plastik at sumasabay sa takbuhan.

Kinalas ko ang pintong tela namin at gamit iyon ay binalot ko ang gamit naming dalawa. Pero teka...

"DALIAN MO SERENITY"

Dumungaw si Selma sa barong barong at kinuha sakin ang ilang gamit bago kami nakipagsabayan sa pagtakbo ng karamihan.

Hindi na iba saming mga batang kalye ang tumakbo na akala mo ay nasa karera kapag nandyan  na ang mga pulis. Balewala samin ang magkaroon ng sugat dahilan ng pagkadapa makatakbo lang at mawala sa paningin nila, at normal narin samin ang mawalan ng tinitirahan o yung barong barong kung tawagin. Marahil ay mga batang kalye, manlilimos at mugmog kami kaya wala kaming permanenteng bahay.

"Hindi ko alam ang gagawin ko Selma nahuli si tutoy ng mga parak."

At sa aming pagtakbo merong maiiwan at maiiwan. Hindi patayan ang pinaglalaban namin pero buhay ang nakasalalay sa pakikipagsapalaran namin.

"Naku mahirap nga yan Antonia, kahit ako ay hindi ko alam kung paano kita matutulungan."

Kahit gustuhin man naming tulungan ang isa't isa sa huli ay wala pa rin kaming laban.
Ganyan kahirap ang buhay kalye. Balewala ka sa mata ng  mga  naglalakihang tao.

"Kawawa naman si Antonia, nahuli pala si totoy ng mga parak. "

Sabi ni Selma ng makaupo sya sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa ilalim ng tulay na posibleng maging tirahan namin sa ngayon.

"Alam mo Selma, pakiramdam ko may mali e".

Kanina pa ako kinukutuban. Sa totoo lang iniisip ko na to kanina pa. Pakiramdam ko talaga may mali.

"Mali? Saan?"

"Natatandaan mo pa ba yung sabi ni mayor nung nangangampanya sya at noong nanalo na sya?

Napakunot ang noo nya marahil ay hindi nya tanda. Sabagay magiisang taon na ang pangyayaring iyon.

"Hindi. Mahina ang memorya ko ee. Ano ba Yun?"

Napabuntong hininga ako.

" Noong nangangampanya sya pinangako nya na ibibigay na sating mga batang musmos na ayaw magpaampon sa ampunan ang lugar na inalisan natin. Alam kong maliit lang yun para satin pero malaking bagay na iyon. At noong nanalo na sya, sinabi nya rin ang salitang yon."

Napatingin ako sa reaksyon nya matapos kong magsalita. Mababakas ang pagkadismaya sa mukha nya.

"Talagang sinabi nya yun?"

Walang gana nyang sabi. Napagod ba sya sa pagtakbo kanina o talagang wala lang syang interes sa sinasabi ko?

"Oo sinabi nya yu..."

"Mabuti ka pa tanda mo pa ang sinabi nya pero si Mayor hindi na, magaling pang kalimutan mo nalang  kung anong sinabi nya, ganyan talaga sa larangan ng pulitiko puro mga korap."

SERENITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon