KABANATA 4

6 1 0
                                    

"Antonia !!, Antonia!!"

Kanina ko pa syang tinatawag at hinahabol ngunit parang wala syang balak tumigil , bagkus ay binilisan nya pa ang paglalakad na animo'y walang naririnig. May mga tanong ako na kelangan ko ng kasagutan.

Iniwan ko ang tinitinda ko kay asya na nagtitinda ng mga kendi ng makita ko si Antonia.

"Antonia"

Sa huling pagtawag ko ay doon na sya tumigil. Dali dali ko syang hinarap at ganun nalang nag panlalaki ng mata ko ng makita syang umiiyak.

"Patawarin mo ako serenity hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Patawarin mo ako"

Wala syang binukang bibig kundi patawad. Hindi iyon ang gusto kong marinig.

"Patawadin mo ako Serenity, hindi ko pedeng sabihin sayo ang lahat."

Bagamat wala pa akong naitatanong ay inunahan na nya ako.

"Anong totoong nangyari kay totoy?"

Natigilan sya saglit at iniiwas ang paningin sakin. Pinunasan nya ang mga luha nya
Kelangan kong makasigurado.

"Hindi mo na kelangang malaman pa  serenity."

Matigas nyang sabi.

"Nong isang gabi?  Bakit iniwan mo ko at pinalabas mong wala ka sa insidente, nagsinungaling ka antonia."

Marahil ay hindi ito ang tamang oras para tanungin ang totoong kalagayan ni totoy. Ilang araw ding nagtago si Antonia at hindi nagpakita sakin. Iniwasan nya ako.

"Hindi ko na maibabalik pa ang nangyari Serenity. Tapos na ang nangyari, sagutin man kita ay wala nang saysay iyon. Tanging masasabi ko lang sayo ay patawad sa pagsisinungaling ko"

"Handa akong tumulong Antonia. Tutulungan kita sagutin mo lang ang mga tanong ko."

Halos nakakapit na ako sa braso nya para lamang sabihin sakin ang totoo. Napatingin sya sakin, napabitaw naman ako sa braso nya dahil iba ang klase ng kanyang tingin.

"Antonia.."

"Wala kang pinagkaiba sa kanila serenity, kelangan ba lahat may kapalit ?"

Natigilan ako. Mali, mali ang iniisip nya.

"Hindi ganun ang ibig kong sabihin Antonia."

"Pwes!! Ganun ang pagkakaintindi ko. Tulong? Hindi mo alam ang mga sinasabi mo serenity, kahit magsama sama pa ang lahat ng mga pulubi ay wala tayong magagawa. Walang magagawa ang kagaya nating mga pulubi lamang. Kaya wag mo na akong tutulungan kapalit ng mga sagot na gusto mong malaman, dahil ang pagtulong ay walang hinihinging kapalit."

Nanlumo akong sinundan sya ng tingin. Nagkakamali ka Antonia, hindi iyon ang gusto kong iparating sa iyo, marahil ay nababalot ng galit yang dibdib mo kaya ganun nalang ang epekto nito sayo. Dahil wala naman akong nakuhang sagot kay Antonia ay bumalik nalang ako kung nasaan ang paninda ko ngunit ganun nalang ang gulat ko sa nadatnan ko. Nagkalat ang mga paninda ko at higit sa lahat...

"SINABI KO NAMAN SA'YONG BATA KA NA MAGTRABAHO KA !!"

"NAGTATRABAHO NAMAN PO AKO "

SERENITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon