1. Second Choice

2.4K 59 21
                                    

                                         1. SECOND CHOICE

      HIRAP ng buhay. Jusko, nakaka-stress na. Seatworks at quizzes doon, patung-patong na homeworks dito, at nakakawindang na projects at activities sa tabi. Ganito ba talaga maging estudyante? Kung oo, nako. Suko na ako. 

"Kathryn! May goodnews ako!" sigaw ni Daniel

Patakbo siyang lumapit sa akin. Halatang masayang masaya siya. Paano ko nalaman? Tumalo-talon ba naman sa hallway habang madaling lumalapit sa akin. 

Napangiti ako. Hindi naman pala ganun kahirap ang buhay. Kasama ko naman si Daniel, ang bestfriend ko... na matagal ko ng mahal. 

"Ano yun? Matutuwa ba ako diyan?" excited kong tanong sa kanya. 

"Oo naman! Pero, hulaan mo muna!" sabi niya

"Uhhmm-" magsasalita pa lang ako, pinutol niya na agad yungsasabihin ko

"Kami na ni Lousie! Sinagot niya na ako kanina!" tuwang tuwang sagot niya

Unti-unting nawala ang mga ngiti sa labi ko. Hindi ko alam, pero bigla nalang gumuho ang mundo ko sa sinabi niya.

"T-talaga? C-congrats!" pinilit kong ngumiti sa harapan niya

"Salamat bespren!" niyakap niya ako, "Grabe, sobrang saya ko ngayon. Akalain mong kami na ng pinakamamahal kong babae sa mundo?"

Masakit. Masakit yung talagang ipinapamukha niya pa sayo na hindi ka niya mahal.

Yung harap-harapan pa niyang sinasabi sayo na ibang tao ang nakakapagpasaya sa kanya. 

Kathniel One Shots.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon