2. Lucky Texter

2.1K 62 15
                                    

Huwag malito sa pagpapalit ng POV later. K? :) 

                                           2. LUCKY TEXTER

"Goodevening mga ka-chickahan here at Peace Radio ! It's now time for your favorite segment..."

('Wag kayong maniwala sa Peace Radio. Ka-echosan ko lang yan. Walang aangal. HAHAHA.)

"A talk with dj DJ!!!"

Yan ang intro ng kapwa kong dj na si dj Heidi. 

Magsisimula na kasi ang segment ko. 

Yep. We're a dj. 

I work under a radio company. 

Sa ganda ng boses ko eh... magtataka pa ba kayo?

Tas ang pogi ko pa. Dapat ata, nag-artista nalang ako.

Nuuxxxx! Haha.

"Magandang gabi sa inyo mga brader!" panimula ko

"Ngayong gabi'y may panibagong sorpresa na naman akong handa para sa inyong lahat. Pero, bago ang lahat ng 'yon, magkatuwaan muna tayo!" sabi ko

                    HALOS mapatalon ang sa tuwa nang dumating na ang pinakahihintay ko. Tagal ko kasing hinintay yung segment ni dj DJ. As in, nakatunganga lang ako buong maghapon na parang ewan sa harap ng radyo. 

Eh pano ba naman?

Crush ko kaya yung si dj DJ! Haha.

Odiba. Hindi nalang sa artista nagkaka-crush ngayon, pati narin sa dj ng radyo.

Tsaka, hindi lang ako ang nag-iisang fangirl niya noh. Ang dami kaya kaming nagkakandarapa sa kanya. 

Marami kasing nagsasabi na gwapo daw si dj DJ. Kung tutuusin nga daw, pwede itong pumasok sa showbiz. 

May mga nag-alok narin daw ditong mag-artista, pero tinaggihan niya. Hindi daw talaga nito hilig ang pag-arte. 

Mas gusto daw nito ang pribadong buhay kasama ang mga magulang, pati na ang dalawang kapatid.

Isa pa, single pa daw siya. Kaya, pwede pa ako. Chot.

Paano ko nalaman ang lahat ng 'to?

Sabihin nalang natin, na may pagka-stalker niya ako. 

Syempre, dapat lang malaman ko lahat ng 'yon.

Nasa getting-to-know-each-other stage kasi kami ngayon.

Ako nga lang ang nakakaalam.

(-__-)

Nagsearch pa talaga ako sa google, fb at twitter. Naghanap din akong ng pictures niya.

At swear, laging lowbatt ang cellphone ko sa kakatitig ko sa pictures niya. 

"Magandang gabi sa inyo mga brader!" sabi ni dj DJ mula sa radyo

"KYAAAAAHHHHH!" sigaw ko

OMO. BOSES PALANG, BUNTIS NA AKO!

Hindi ko mapigilang kiligin. 

"ANG INGAY NI ATE KATH. HULA KO, SEGMENT NA NAMAN NUNG DJ DJ NA YUN" sabi ng kapatid kong pasaway mula sa kabilang kwarto

"SHUT UP" sigaw ko sabay balik ng atensyon sa radyo

"Ngayong gabi'y may panibagong sorpresa na naman akong handa para sa inyong lahat. Pero, bago ang lahat ng 'yon, magkatuwaan muna tayo!" sabi niya

Kathniel One Shots.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon